Naghunos-dili ako sa pagpasok sa gate. Dala-dala ko pa rin yung coffee na binili ko. Nauna na si Kath sa akin sa pilahan, paktay na naman ako niyan, may flag ceremony nga pala kami ngayon. Sunud-sunod na kamalasan na naman ang nangyayari sa’kin. Nakakatakot lang na magpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pila ng section namin. Kinakabahan pa ako, kasi first time akong na-late ng ganitong oras. 7 am na pala ako naka-arrive papunta rito. Sa sobrang dami ng nangyari ngayong umaga, hindi ko na namalayan ang bilis ng oras. Hays, kailangan ko nang tumakbo.
Kumakabog ang puso ko habang nagmamadali papunta sa quadrangle lalo na nung pinatugtog na ang National Anthem. Lalong bumilis ang pintig nito dahil doon ako napatigil sa daanan kung saan nakaharap sila sa kaliwa. Kitang-kita ako ng lahat kasi, ako lang yung nag-iisang nakatayo roon.
Ano bang klaseng araw ang meron ako ngayon? Gustung-gusto ko na lang umuwi, nakakabagot na agad kasi. Kulang na lang eh mahimatay ako dito sa kinatatayuan ko sa sobrang guilty.
So, maya-maya tapos na yung kinanta naming lahat. Pero yung tingin nilang lahat sa akin, hindi pa rin matapos-tapos. Hindi ko na rin alam ang gagawin kaya naglakad na lang ako sa pilahan. Yumuko na lang ako sa sobrang hiya dahil hindi ko sila kayang tignan. Parang sa’kin pa tumapat ang spotlight, naka-focus ang lahat sa akin nang biglang...“Ms. Callie Sandoval!” Parang nag e-echo yung boses na narinig kong pamilyar sa akin.
“Ms. Callie Sandoval!” Talagang inulit pa. Actually, boses ‘yon ng isang teacher na kinatatakutan naming lahat. Sobrang higpit at strikto niya sa mga estudyanteng nag-aaral dito.
Wala na akong magawa kundi ang lumapit. Pero pinatigil niya ako sa paglalakad.
“Callie, pumila ka na. May sarili ka bang time schedule kaya ka na-late?” sarkastiko niyang pagpuna sa’kin.
Gaya nga ng sinabi niya pumila na ‘ko. Pero yung reaksiyon ng mga kapwa-estudyante ko rito, parang blangko lang. Wala lang kasi sa amin yung mga na me-mention specially ‘pag ganitong flag ceremony. Wala kaming pakialam sa mga nagsasalita sa unahan, kasi nga may kaniya-kaniya kaming chismis at intrigang pinag-uusapan.
Maya-maya lang nagsimula na ang first class namin which is Math. Pa’no ba naman ako makakapag-concentrate niyan, eh sobra akong napahiya kanina. Pero ‘di bale na lang, hindi naman ako masyadong napag-usapan kasi ordinaryo naman ako. Sino naman ako para mapag-usapan nila.
“Anong pakiramdam na na-late ka?” usal ko habang tinitingnan itong Math notebook ko. Nagtaka lang ako kasi lahat naman kami kararating lang dito sa loob ng room. Pero sino yung nagsulat nito? Magpapaka-detective ba ako? Nevermind na lang. Gusto ko lang ng tahimik na pamumuhay, ayoko ng anumang gulo.
“Anong OPM Boyband ang favorite niyo?” tanong ni sir sa amin, na nakakuha ng attention ko. Teka, Math ‘to ‘di ba? Ano namang kinalaman ng tanong niya sa subject namin? As usual naman, puro chika lang ang ginagawa niya sa simula ng klase eh.
“Sir, sir, sir!” sabay-sabay na pagpupumilit nilang matawag. ‘yong isa kong classmate na babae, halos ipag ngud-ngudan yung mukha niya sa harap ni sir. Kaya tinawag na lang siya, baka kasi maglupasay sa harapan eh. Mahirap na, wala kaming igagamot kung sakali.
“Akin lang po ito. Akin na akin kasi diehard fan po nila ako. It’s B-T-S!” proud niyang sagot at nagtitili pa. Sinabi rin niya isa-isa ‘yong mga members.
Kaming nakikinig, mamatay-matay na tumawa sa sinabi niya. BTS daw? Teka ang tanong OPM Boyband. Kailan pa naging OPM band ang BTS eh, sa Korea sila galing. Kainaman talaga ‘yong kaklase kong ‘yon. Ang linaw-linaw ng tanong, hindi pa niya nasagot ng ayos. Paano ka ba naman hindi matatawa sa pinagsasabi niya. Halos nga lahat kami hindi maka-get over ‘don. Ang saya talaga, tignan mo nga naman at naging proud pa siya eh. Pero fan din ako ng BTS, ako pa ba?
Maya-maya nag ring na ang bell. Nagbabadya na recess na namin. Kaya mabilis lang akong nagpunta sa canteen para bumili ng paborito kong Jelly Juice at Burger. Pero pagdating ko, grabe ang haba ng pila. Gutom na gutom na rin ako, kasi ang konti lang ng naging almusal ko kanina. Yung pancake kasi pahamak sa buhay, eh isa rin ‘yon sa mga paborito kong kainin. Sobrang nakaka-disappoint!
Talagang takam na takam na ako. Hindi ako makapaghintay na kumain. Napansin ko naman na nalaglag na pala yung panyo ko, kukuhanin ko na sana pero pambihira ang layo na pala baka mawala ako sa pila, ngayon ko lang kasi nakapa ang bulsa ko. Mamaya ko na lang kukuhanin, malinis naman yung kinalalagyan eh. Pagtalikod ko ‘dun sa pagkakatingin ko sa’king panyo, hindi ako makapaniwalang....
Totoo ba ‘tong nakikita ko? Si Prince Dustin na ba ang nasa harapan ko ngayon?
“Callie, sa’yo ba itong panyo? Nakita ko kasing nalaglag na kanina, kaya pinulot ko na,” sabi niya sa akin habang pareho kaming nakatitig sa isa’t-isa. Hooooo!!!! Kinikilig ako. Parang nasa moment kami ng buhay na parang kami lang dalawa ang nasa school ngayon.
“Callie?”
“Ah, I’m sorry. Oo, akin ‘yang panyong hawak mo ngayon,” pabebe kong sagot sa kaniya.
“Sige, o eto, kunin mo na.” Jusko, inaabot na niya sa akin ‘yong panyo! Pinapaasa ba talaga niya ‘ko? Hayaan na, sinusulit ko na lang ‘tong bawat segundong kaharap ko siya.
“Sige, Callie. ‘Yan na, umuusad na ang pila,” nakangiti niyang sabi sa’kin.
“Okay, salamat,” tanging sagot ko na lang habang pinipilit kong ‘wag mapasigaw sa sobrang saya. Parang nawala na yung gutom ko nung nakita ko siya. Ang galing, nakikilala pala niya ‘ko kahit sobrang tahimik ko. Bihira lang kasi ako makipag-socialize sa iba eh.
Salamat naman at turn ko na para makapag-abot ng bayad. Bumili na ‘ko ng pagkain at sobrang gutom ko na. Este, busog kasi nga first time kong naka-usap si Prince Dustin buong buhay ko, naging maswerte ako ngayon kasi ‘yong ibang babaeng schoolmates ko, dinedema lang niya. Bawing-bawi yung mga masasamang nangyari sa’kin ngayong araw. Basta, ‘di ko ma-describe ang feeling ko ngayon.
I’m glad na may natitira pang kasiyahan sa mundo ko.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...