Nakakapanlumo lahat ng nangyari, lalo na sa akin. Pasalamat nalang ako kay Lance ulit, dahil naiwasan kong makita ako ng maraming tao. Nandito ako sa bahay ngayon, kinausap ko si mama tungkol sa nangyari at talagang galit na galit siya. Sinabi ko nalang na kumalma at palampasin muna ang nangyari.
Kinuha ko muna yung phone ko para makapaglibang-libang naman kahit kaunti lang. Nang mawala kahit papaano yung pagkalumo ko sa sarili ko kanina. Anong panibagong pakana na naman kaya ang susunod na gagambala sa akin?
"Surprise! Nagustuhan mo ba yung first gift ko sa'yo? Patikim palang 'yan, expect the unexpected!" Ano raw? Unang bumulaga ang message na ito sa lockscreen ko, na from unknown number lang.
Bigla tuloy akong kinabahan, sa mga sinasabi ng kung sinumang nag-send nito sa akin. Bahala na kung sino siya, kung siya rin yung may kinalaman nung nangyari sa akin kanina, malalaman at malalaman ko rin 'yun.
______/_____/______/______/
Wala na akong ibang gusto kundi isakripisyong muli ang sarili ko sa school ngayon. Sana lang hindi na magparamdam yung 'Reaper' na nag-send nung text message sa akin. Nakakamalas siya ng buhay, uso na nga talaga ang mga 'mema' ngayon 'no? Wala silang magawa kaya ibang tao yung napagtitripan nila.
Naging madalas na rin ang pagsakay namin ni Kath ng bike patungong school. Para maaga kaming makapasok, lalo na ako dahil marami pang natitirang gawain na dapat kong ma-accomplish na rin kaagad. Alam kong mahirap balansehin ang buhay ko ngayon, pero hindi naman ako nagpapadala sa mga negativities na nangyari at mangyayari pa sa akin. Siguro, gano'n talaga ang mahalaga hindi ka nag gi-give up.
"There's no easy success, with no easy efforts."
Diyan ko nalang palaging inilalagay ang sarili ko to motivate myself bukod sa mga kaibigan kong naniniwala sa kakayahan ko.
Pagpasok ko sa school, ginawa ko lang yung alam kong tama na mag-pretend na walang nangyari at huwag na ring damdamin pa. Sabi nga nila, move-on na daw tayo! Jusko, nahugutan pa rin eh.
Nagpunta na ako sa room, at napansin kong ang aga ko pa pala. Iilan pa lang ang nakikita kong mga kaklase na nakatambay pa rito sa loob. Tatanungin ko muna yung iba sa kanila kung bakit ayaw pang maglinis.
"Ahmmm... Bakit ayaw niyo munang maunang maglinis?"
"Mamaya na, kapag dumating na yung iba. Lugi kami eh." Sagot sa akin ng classmate kong lalaki. Hanggang ngayon, hindi ko pa ring naisipang tandaan ang mga pangalan nila.
May mga sumunod na eksena kung saan, napansin kong may mga estudyanteng nagsisipasok na may mga dalang makukulay na gamit. Ano kaya 'yon?
Sunud-sunod na ring nagsipasukan yung mga iba ko pang classmates. Pero ang aga pa rin nila, kumpara sa mga usual naming pagpasok rito. Ano bang meron? Dumating na rin pala sina Aubrie at Lance. Sabay yata silang pumasok ngayong araw. May mga dala rin silang gamit gaya nung mga nakita ko kanina.
"Bakit pumasok ka?" Tanong sa akin ni Aubrie.
"Bakit? Bawal na ba akong pumasok ngayong araw?" Sagot ko sa kaniya.
"I mean, okay ka na?"
"Oo, move on nalang tayo. Ayoko nang mapag-usapan."
"Sa bagay nga, kahit problemahin mo buong araw kung sino ang may kinalaman roon, wala ka ring magagawa. May time naman na makikilala natin kung sino eh."
"Iyon nga rin ang dahilan ko. Teka, para saan iyang mga dala niyo? Napansin ko lang na halos lahat ng estudyante may mga dalang katulad niyan."
"Ah, ito ba? Para sa decorating natin ito mamaya sa room for the school fest."
"Ano? Edi ako lang ang wala?"
"Hindi, ayos lang. May dala rin naman yung mga iba nating classmates eh."
"Bakit parang hindi ko naabutan ang usapang decoration na iyan kahapon?"
"Nung umalis kayo kahapon ni Lance, nag-announce na sina Dustin sa bawat rooms na magdala ng mga pang-decorate. Para matulungan ka nila, akala rin kasi namin na hindi ka makakapasok. I su-surprise ka sana namin gamit ang mga ito, para mabigla kang maayos na ang lahat para sa fest."
"Ah, gano'n ba? Uuwi nalang pala ulit ako tapos kunwari pagpasok ko sa mga susunod na araw, na-surprise ako."
"Sige, i-try mo. Hahaha..."
Hindi ko ulit inakalang ganito ang mangyayari. Parang pakunswelo na rin ang ginagawa nila para sa lahat ng naging efforts ko. Nakakatuwa lang isipin.
Nung makarating na rin sina Dustin, nakita kong marami siyang dala. Tinulungan pa nga siya ni Hazel na magbitbit. Bigla naman akong kinausap ni Hazel ng 'di oras. Ninenerbiyos kasi ako kapag nakikita ko na siya.
"Callie, excited ka na sa pag de-decorate? Share nalang tayo nina Dustin ng materials. Mamaya lang rin kukuhanin na namin yung mga gamit na binili niyo kahapon, para mabilis."
Napatitig lang ako sa sinabi niya, speechless ako ngayon dahil ibang version niya ang nakikita ko.
"Callie?" Sabi niya sa akin.
"Ah, sige. Salamat for efforts."
Ano kayang nakain niya? Bahala na. Sana totoong nagbabago na siya kahit papaano.
Maya-maya lang hindi ko na alam ang gagawin dahil dito lang ako sa room nakadestino. Yung mga co-officers ko ayaw akong pasamahin sa kanila, mas okay daw kung dito na muna ako tumulong. Hindi kaya nalaman rin nila yung nangyari sa akin kahapon? Jusko. I don't know what to do, I don't know what to say. James? Nasaan ka na? Si Donna 'to, hindi mo ba ako naaalala? Hahahaha, ako lang natawa. Buti alam ko, jusko.
Imbes na tumunganga lang rito sa tabi, tinulungan kong magdikit ng mga posters sina Lance. Siyempre, para may pa-thanksgiving man lang ako sa pag se-save sa akin kahapon.
"Lance, tulungan na kita, ako na rito. Gupitin mo nalang yung iba." Pang-aagaw ko sa mga posters at designs na idinidikit niya.
"Hindi na ako na, mas madali iyang gagawin mo para sa'yo." Binawi niya ulit sa kamay ko.
"No. Ako na, mas maganda ang paggugupit ko. Ako ng bahala."
Nagmistula kaming mga bata sa pag-aagawan. Accidentally kong nabitawan kaya napaupo siya sa sahig.
"Ay, sorry sorry. Lance masakit ba?" Pag-aalala ko sa kaniya. Minsan talaga OA ako sa mga ganito. Kahit nga kay Kath, kapag inaaway ko siya gusto ko agad na magkabati kami.
"Hindi naman." Sagot niya sa akin.
Tatayo na sana siya pero anong trip ko at bakit kusa kong inilahad yung kamay ko sa kaniya as an indication na tulungan siyang tumayo?
Nagkatinginan tuloy kami. Baka atakehin ako sa puso, times three yung heartbeat rush ko!
Callie, hinay lang! Tutulungan mo lang naman siya eh. Thanksgiving po ito Callie!
"Nakakatuwa 'yang hitsura mo." Sabi niya sa akin pagkatayo niya. Binitawan ko na siya pagkatapos no'n.
"Bakit?"
"Namumula ka kaya."
"Ha? Ako?"
"Oo. Kitang-kita sa'yo."
Jusko. Mukha akong ewan, sa harapan pa niya?
Nagpaalam nalang akong iinom muna ng tubig para makaalis agad ako. Hindi ko ine-expect na may sasabihin pa siya.
"Oo nga, ingatan mo 'yang puso mo. Mabilis yata ang heartbeat." Lalo kong dinalian ang pag-alis sa kadahilanang baka 'di ko kayanin ang eksenang ito.
Mamaya na nga ako mag-decorate. Siguro, pupunta na ako sa mga co-officers ko para tumulong. Hindi ko alam ang gagawin rito sa room, dahil 'di ko maipaliwanag kung bakit.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...