"Lahat ay pumunta na sa quadrangle."
"Lahat ay pumunta na sa quadrangle." Ilang ulit na sinabi ng isang estudyante rito. Wow, naka-voca pa talaga ha. Talaga bang suspense ang mga sasabihin mamaya?Ano pa nga naman ang gagawin namin, edi lalabas na talaga kami. Hindi tuloy kami nakapanood nung movie na papanoorin sana namin.
Halos lahat parang frustrated na magpunta ng quadrangle. Sana lang medyo kumulimlim para hindi kami mainitan.
Mga ilang minuto lang ay nakatipon na kaming lahat. Kahit ang iingay ng ibang sections, tinitiis na lang namin para hindi kami makadagdag sa konsumisyon ng mga teachers.
Habang naghihintay kami, napansin naming may mga envelope sa stage. Nakapatas iyon ng maayos na maayos, ano 'to ipapamigay sa aming lahat? Nakarating naman bigla ang mga teachers, pero infairness present silang lahat ngayon. Ang daming mga pakana ha, kaabang-abang pala.
Natahimik na ang lahat dahil nakahabol ang principal. Mabuti na lang at nakapagpalit siya ng uniform niya ngayon dahil, natapunan ng jampong na iniinom ni Hazel kanina.
"Makinig ang lahat." Sabi nung principal namin. Kaya lahat kami, totally na nanahimik.
"Kaya ipinatawag kayo ay dahil sa hottest news na kinahaharap ng buong school. At nasa akin na rin ang mga results ng election natin kanina, kaya inaasahang makinig ang lahat." Dagdag niya.
Sunod na nagsalita yung teacher namin sa Science.
"Ipinapatawag namin dito sa unahan sina, Hazel Kim Cortez at Prince Dustin Alvarez. Sila ang kasalukuyang tumatakbo bilang presidente ng ating paaralan. May nag-back out na isa sa kanila, kaya nakapag-recount kami ng mabilis upang mailipat ang botong nakuha niya kina Hazel at Dustin."
Ngayon, pumunta naman yung dalawa sa stage. Bakit dati, may "Prince" pa ang tawag ko sa kanya? Pero nawala na ngayon, mula noong nagkakilala na kami. Pinapantasya ko kasi dati na prinsipe ko siya eh. Ako kaya? Prinsesa o yaya? Hahaha...
"Una muna naming sasabihin sa inyo, ang nangyari kanina. Ginawa namin ito para masabi niyo ang inyong saloobin in public para malaman ng lahat. Makakaapekto ito sa imahe ninyo at ng buong school. Mr. Alvarez ikaw muna ang mauna." Utos ni mam kay Dustin.
Nag-step forward na siya para magsalita, at eto namang mga kaklase ko at mga babae sa likod, nag-cheer pa. "Go Dustin!" Talagang walang hupa ang mga babaeng iyon.
"I didn't expect na mangyayari ang mga ito. Kasi nung nasa canteen kami, magkausap kami ni Aubrie Laureano na taga Section B. Magkaibigan sila pareho ni Callie Sandoval. Habang nag-uusap kami no'n, nakarinig kami ng sigaw na nagmumula sa gitna ng pila. Then, nilapitan na namin kung sino, tapos nakita namin na sina Callie at Hazel pala iyon. Si Hazel ang biglang sumigaw kay Callie ng dahil sa nasagi siya. I'm very sorry kung nabanggit pa niya yung breakup namin noon. Hindi ko naman ginusto na mangyari 'yon eh, pinigilan na lang namin ang gulo kanina para makaalis na rin kami. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nadamay rito, sa mga teachers, students, lalo na kay Ms. Sandoval. I'll respect nalang yung magiging reactions niyo sa akin. I'm sorry again sa inyong lahat." Nasabi na niya lahat ng dapat niyang sabihin.
Sumunod naman si Hazel para makapagsalita. Siya talaga ang inaabangan ko. Habang papunta siya para magsalita, halatang napipilitan lang. Pero bahala na kung anuman ang kaya niyang sabihin sa amin.
"Halos same lang naman kami ng part ni Dustin eh. Ang masasabi ko nalang din, humihingi ako ng dispensa sa inyong lahat. Nadala lang ako ng emosyon kanina kaya nagawa ko iyon. Nang dahil sa akin, nasisira na ang image ng ating school. Sorry kung na-disappoint kayo." Iyon na lang ang nasabi niya sa aming lahat.
"Salamat sa tugon ninyong dalawa. Para na rin sa lahat, sana magsilbing lesson ito. Responsibilidad niyong maging mabuting estudyante para sa ikasasa-ayos ng ating paaralan. Sana lang din at hindi na mauulit ito, mahaba ang pasensiya ko pero iwasan niyong sagarin. Dahil pare-pareho tayong mapapahiya kung mangyari man ulit. I a-anunsyo ko na ang nanalo sa ating Student Council Election Day. Pero sa president lang muna dahil ito talaga ang pina-prioritize ng lahat matapos ang naging isyu." Sinabi iyon ng principal namin.
Siyempre kami, patuloy na naging tahimik sa sasabihin niya. Matagal naming pinaghandaan ito at ngayong araw na matatapos ang lahat ng mga napaghirapan namin.
"Ang nanalo bilang presidente ng ating Student Council ay si.....
Si Dustin nga kaya? (Akala namin siya na ang nanalo. May mga tumili pa eh.)
O kaya naman si Hazel?
Ang ating newly elected president ay si.....
Prince Dustin Alvarez!" Naghiyawan lahat ng babae sa school namin. Nakipag-shake hands naman si Hazel sa kaniya, sign na satisfied siya sa mga naging results."Sandali, may sulat na ipina-abot ang ating district. Makinig kayong lahat."
Babasahin raw muna ang isang sulat mula sa isang envelope. Naroon raw ang katibayan na authorized ito ng District 12. Isang samahan ng mga guro kung saan binibigyang pansin ang mga estudyanteng may posisyon sa bawat school nila.
"This is a big announcement for you Tyrone University. Specially for those newly elected officers in our Student Council 2018. We have encountered some issues from your school as we recently received some reports according to a post from social media "Facebook". Your two students who were running for the Presidential Candidacy has been blocked by the upper office because they're involved in that said issue. But, you're allowed to have a counting for both of them. As members of our organization we've decided that the one who have the highest number of votes in presidential race is allowed to choose a president in case there's no one interested to be re-elected. We are giving all students an opportunity to accept our requests along with the participation of faculties. Thank you."
Iyon na ang based sa sulat na binasa ng principal namin. Meaning, si Dustin ang pipili ng presidente kung sakaling walang mag vo-volunteer na tumakbo kahit isa. Pag-uusapan pa ng lahat kung maaaring katanggap-tanggap ang napili niyang kapalit. Jusko. Yung parang ilang minuto lang matapos niyang i-claim ang posisyon, kailangan niyang humanap ng kapalit agad. So sad.
First time in the history ba 'to? Kasi ngayon lang ako nakahagilap ng ganitong proseso. Baka ma-world record na kami. Nakaka-kaba tuloy.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...