Chapter 67: Disappointed

119 12 0
                                    

Nawala na kami sa eksenang iyakan nang makita kaming dalawa ni Aubrie kasama yung mga ilang kaklase namin. Feeling kong magseselos siya dahil sa nangyari pero I didn't thought na lalapitan niya kaming dalawa at kakamustahin ako.

"My God, Callie! Anong ginawa na naman sa'yo ng babaeng 'yun? Nagsisimula na ang Art Exhibit tsaka pa niya ginawa 'yan sa'yo. Naku baka mabuksan na naman ang issues between two of you. Okay ka lang ba?" Pag-aalala niya sa akin.

Dito, nakapagsalita na ako ng maayos-ayos kahit na patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"Sa totoo lang, hindi eh. Hindi ko maipaliwanag yung nangyari. Masyado akong nabigla ngayong araw."

"Hindi ko palalampasin yung babaeng 'yun! Buti nalang Lance nakarating ka." Sabi ni Aubrie.

Sumingit na yung iba naming kaklase na concerned din.

"Some of us nakakita ng pangyayari kanina. I'm sorry, kami na humihingi ng dispensa from whatever she have done on you. Hindi kami naniniwala sa mga bintang niya sa'yo." Sabi nung isa sa mga kaklase ko.

"Maraming salamat sa inyo. Hindi ko pa maipapaliwanag ang nangyari kanina. Marami pang naka-stock sa isip ko. Salamat talaga."

Habang nagkukumpulan kami, pumasok na ng room yung dalawa nina Hazel. Kaya naman yung iba, bumalik na muna ng upuan dahil siguradong papunta rito yung adviser namin. Inayos ko muna ang sarili ko for preparing myself from whatever happens. Pero halatang-halata sa paga ng mata ko ang sobrang sakit at pag-iyak. I don't know how will I end this day, kasi simula palang parang katapusan ko na.

Parehong naka look down sina Dustin. Ayokong magalit dahil hindi ako mapagtanim pero lubos akong nasaktan sa mga sinabi nila sa akin kanina. Hindi ko alam kung sino yung Dustin na kausap ko kanina. Yung Dustin na unang nagparamdam sa akin na kailangan kong baguhin ang sarili ko. Yung Dustin na nagbigay sa akin ng chance to handle things na inakala kong hindi ko kaya. At yung Dustin na akala kong 'siya' na ang para sa akin. Pero HINDI pala. I can't imagine na kinamumuhian niya ako kanina. Ang bilis naman niyang naniwala sa babaeng muntikan ng sumira ng buhay ko.

Tahimik ang lahat habang nakaupo, naghihintay na may makarating na teacher sa room namin. Kung tutuusin, kami lang ang nasa room. Lahat naggagala sa paligid ng room for Art Exhibit. Dapat nga nandoon ako ngayon eh.

Hindi naming inaasahang sina Kyan at Hubert ang darating sa room. Halatang-halata sa mukha ni Kyan na galit na galit siya.

"Ano na naman bang gulo ang kinalaman ng section natin?" Nakakahindik na tanong ni Kyan pagkapunta sa harapan ng klase.

"Kyan, calm down naman." Sabi sa kaniya ni Hubert.

"No, hindi ko palalampasin 'to. Kayong dalawa." Nalilito kami sa sinasabi niya. Pero sa tingin ko, hindi ako kasama sa dalawang 'yun.

"Kayo!" Sumigaw na siya at sina Dustin at Hazel na nga ang tinutukoy niya.

Tumayo na sila dahil no choice nga naman. Ayoko pa nga silang tignan dahil lalo lang akong nasasaktan. Parang bumabalik ako sa naging away namin.

"Napaka-maintriga niyo talaga! Alam niyo sa totoo lang kayong dalawa ang sumisira ng imahe 'di lang ng section natin kundi ng buong school."

"Calm down." Pagpipigil ulit ni Hubert sa kanya pero 'di pa rin siya nagpatinag.

"Kung kayong dalawa lang naman na hari at reyna ng walang kwentang lovelife niyo, ang sisira ng school natin, it's better na umalis nalang kayo. Mas magandang option iyon, grabe nakakahiya sa lahat ng teachers and students lahat ng inaakto niyo. At alam mo Dustin may magandang side rin pala yung issue na dulot niyo noon eh. Buti 'di ka naging president, hindi kasi sila nanakit ng ibang tao. Pisikalan lang ano? Kalalaking tao mo sasaktan mo si Callie? Duduruin mo pa ha?"

"Mabuti nalang iilan lang nakakita sa inyo kanina. Pero I think na baka makaapekto ito sa image niyong dalawa lalo na sa'yo Dustin dahil sa ginawa mo kanina. Pati babae napagbubuhatan mo ng kamay." Singit ni Hubert.

"Buti nalang din wala ang principal, sa room nalang kayo kakausapin. Pero nakaka-disappoint rin, kasi ngayon lang may napalipat sa atin tapos ganiyan ang maaabutan nila? Hindi ba kayo nahiya? Si Callie diba Dustin may pinagsamahan kayo..." Dagdag ni Kyan.

"Enough." Utos ni Lance sa kanya.

Tinigil na nila ang pagsasalita sa harapan. Dumaan ang ilang minuto at hindi na dumating ang adviser namin. May iba na nag-alisan sa room at naggala sa sobrang pagka-disappoint sa nangyari.

Aalis na rin kami para hindi ko makita yung dalawa. Alam niyo na yung tinutukoy ko.

"Callie, mas mabuti kung maaga kang kakain. Ililibre na kita sa canteen, ako na muna ang bibili." Sabi sa akin ni Lance.

"Sige, na ako ng bahala sa kaniya." Sagot ni Aubrie.

Ang nananatiling iwan rito sa room ay ako, si Aubrie at Dustin. Si Hazel, nagpunta lang yata ng cr. Alangan namang lumabas pa siya? .

Nag-usap muna kami ni Aubrie ng mga ibang bagay like yung gusto naming mangyari sa last day ng School Fest at iba pa. Pinipilit naming ibahin ang topic para hindi ako kainin ng eksenang iyon sa buong araw ko.

Hindi ko lang alam kung guni-guni ko lang na narinig ko ang pangalan ko sa isang lalaki. Hindi ako pamilyar, ngayon ko lang yata narinig ang boses na 'yun. Paglingon ko, kaklase ko palang lalaking naiwan din rito sa loob na nagsisimula ang pangalan sa letter D. Hindi ko maalala ang pangalan niya.

Jusko. Sobra naman yata akong mag-pretend. Bakit kailngan niya akong tawagin? Agad-agad? Ayoko siyang kausapin, umiiwas ako ngayon para hindi ako mapasali sa mga future gulo.

"Callie." Tawag niya ulit sa akin.

"I think, mas magandang kumain nalang tayo sa labas. Hintayin na natin doon si Lance." Pagyayaya sa akin ni Aubrie na may halong parinig.

Sumama na ako palabas pero nakita ko pa rin yung mukha ni Dustin na maluha-luha pa. Huwag siyang umarte dahil hindi bagay, ayoko na. Kung alam ko lang na ganoon ang totoong kulay niya edi sana hindi ko na siya pinantasya buong buhay ko.

Makakain na nga lang sa labas. Nag-ayos pa ako kahit kaunti dahil baka mapansin ako ng lahat.


If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon