I think na kaya pang palitan ng kaunting positivity ang mga naging buhay ko ngayong araw. Nagpaalam ako sa adviser namin na hindi ako makakapasok ngayon, dahil sa May lalakarin akong papers. Personal na 'yun kaya hindi na involved ang iba. Yung mga co-officers ko muna ang nag-aabala ng Art Exhibit ngayong araw tsaka this day lang din naman ako absent.
Alam ko namang naging mahirap pa rin sa akin ang mga nangyari pero isa pa sa mga unexpected na nangyari sa akin ngayon is may offer na scholarship sa akin ang Vinyl International School. Sa totoo lang, nakakapanibago yung 'Vinyl' word ha. Bihira lang ang mga name na gaya niyan, ang naririnig nating mga simpleng mamamayan ng mundo.
Maaga akong naghanda para exact 10 AM ako makarating. Medyo malayo-layo ang school na 'yun dahil marami pang dadaanang streets kapag bumiyahe na ako. Depende naman kung traffic mamaya or hindi. Pero ipinagdadasal ko talaga na sana hindi magmukhang caterpillar ang usad ng mga sasakyan mamaya. Jusko.
Una akong nagpunta ng MRT, buti nalang at medyo natatandaan ko pa ang mga ganap rito. Actually, pangatlong time ko ng makakasakay rito ngayon. Habang naghihintay, minabuti ko munang bumili ng pagkain dito sa station.
Nakahagilap na kaagad ako ng makakain doon sa stall na may tindang fries at pop corn. Wow, pwede na pala silang magtinda malapit rito?
Agad na rin akong bumili ng mga ito pantawid gutom. Habang kinakain ko na, biglang nanumbalik sa isip ko yung pagbili namin ni Lance noon ng mga pagkain sa sidewalk. Unang pagkakataon iyon na may nakasama akong bumili. Pero siguro, kailangan ko munang kausapin siya pati na si Aubrie. Hindi muna ako magpapadala sa mga kinikilos ni Lance ngayon. Sobrang pasasalamat rin naman yung mga efforts niya sa akin kapag bigla akong dadalawin ng lungkot.
Maya-maya rin ay pinasakay na kami sa loob ng tren. Mabilis akong pumasok pero ang nakakainis, nahirapan ako sa paghahanap ng mauupuan. Nakakita naman ako ng isa kaya ako naman, paupong-paupo na nang biglang may matandang aleng uupo na rin.
"Sige po, maupo na kayo." Sabi ko kay lola.
"Salamat iha."
No choice ako kundi ang tumayo nalang. Alangang agawan ko pa si lola ng upuan, napaka-bad girl ko naman kung gagawin ko 'yun.
May space pang natitira kung saan magiging komportable ako sa pagtayo at doon iyon malapit sa bintana. Doon na ako nagpunta, sa mga nakikita ko ngayon ay puro buildings at tao ang nakikita ko. Palaki na ng palaki ang siyudad kaya medyo sikip na pero carry naman natin.
Habang nakasilip ako, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ha. Bigla kong natanaw si-si-si Dustin na nakatayo sa tapat ng kotse niya, kaya ko pa siyang mamukhaan kahit papaano. Pero, ako nevermind nalang.
Then few minutes passed, nang makarating ako sa paradahan ng jeep. Pagkababa ko ng MRT, malapit lang din ang paradahan kaya dali-dali na rin akong sumakay.
Tinakbo ko na para 'di ako maiwanan. At saktong pagpasok ko paloob, ay paalis na itong jeep. Kumpleto na ang mga pasahero ng nakasakay ko, mistulang saved by the bell ako ngayon.
Habang umaandar ang jeep, kulang nalang na mapasama ang ulo ko kasabay ng aking buhok sa sobrang lakas ng hangin. Nakakahiya sa katabi ko kaya pinilit kong hawakan ang buhok ko. Baka kasi mamaya, makain na niya eh.
Nagulat nalang ako bigla nang tumigil ang jeep sa harap ng napakaganda at napaka-sossy na lugar. Mukhang ito na yata ang hinahanap kong Vinyl International School.
Bumaba na ako at tumawid ng mabilis dahil nakakapanabik na ma-experience ko ang unang pagpasok ko ng gate sa school na 'to.
Mukhang nagkakaklase yata ang mga estudyante kaya napakatahimik ng paligid. Agad akong pinapasok ng tuluyan ni manong guard nang ipinakita ko yung offer certificate. Habang naglalakad, naisip kong wala pa akong ideya sa pupuntahan kong office or room kaya bumalik ako para tanungin si manong guard.
"Kuya, saan po ba makikita ang guidance office? Kay Sir Contreras po."
"Ah, medyo mahihirapan ka sa paghahanap dahil maraming building papasok mo galing ng auditorium. Mabuti pa, tatawag nalang ako ng Student Council Officer para tulungan kang makarating doon. Maghintay ka muna dito."
"Sige po."
Umupo na muna ako sa bench kung saan matatanaw ko sa taas ang mga nagsasayawang dahon ng mga puno. Nakaka-refresh tignan at isa pa, napakalawak na rin nito dahil may pa-auditorium pa sila.
Maya-maya nakarating na yung officer na tinawagan kanina.
Agad niya akong sinamahan para dalhin ako sa guidance office. Medyo kabado ako sa mga oras na ito dahil nakakapanibago. Pero, maaga pa naman ang pagpunta ko dito. Tsaka na ako kabahan kapag natapos ko ng maka-graduate.
Nilapitan namin yung teacher na nakaupo at mukhang si sir Contreras na 'yun. Nang makita niya na ako, agad niya akong pinaupo para magkausap na kami.
"Oh, wait. Callie Sandoval ka nga ba?" Tanong niya sa akin.
"Uhmm... O-opo sir." Kinakabahan kong sagot.
"First of all I thought na Ms. Kyan Contreras and you, are classmates. Right?"
"Tama po. Teka, related po ba kayo sa kaniya?"
"Ah, oo. Pamangkin ko siya. It's nice to meet you."
"Same din po." Wow, sa exclusive family pala itong sina Kyan.
"There are limited slots pars sa scholarship exam. Nagulat ako dahil napakabilis ng respond mo mula sa pinadala naming offer certificate para sa'yo."
"Uhmm... Ngayon po ba ang exam ko?"
"No, matagal-tagal pa 'yun. Sinadya naming maghanap ng mga mag te-take ng exam ng mas maaga."
"Ah... Kaya nga po."
May inilabas siyang papel na mukhang kailangan kong fill up-an.
"Here, can you fill up this form para sure na isa ka sa mga mauunang kumuha ng test."
"Sige po. Pero, ano po bang cover ng test na 'yun?"
"Last year Abstract Reasoning, Advanced Algebra, Science at Grammatical Structuring ang binigay namin na scoop for exam."
Mabilis akong nag-fill up ng form to make all things quick.
"Sir, ito na po."
"Okay, thank you for being here. I'm expecting na makikita ka naming pumapasok na rito after graduating."
"Sana nga po mangyari iyon. Sige po sir, aalis na po ako."
"Okay, tatawagan ka nalang namin kapag may updates na kami regarding on this."
"Sige po, thank you po ulit for giving me this opportunity."
Lumabas na ako ng office, at buti nalang tanda ko pa yung mga dinaanan ko kanina rito. Mukhang mayayaman ang mga pumapasok dito dahil pang high class talaga ang type ng school na ito. Sana lang makapasa ako sa exam para maranasan ko ang buhay dito.
Pagkaalis ko ng school, nag-abang agad ako sa jeep para mabilis na makauwi. Pagkasakay ko naman, medyo traffic kaya medyo okay pa. Ilang mga minuto lang din naman ang dumaan para makababa na rin ako.
Sinubukan ko munang magpunta sa isang fastfood chain para kumain ulit. Iyon din ang hobby ko kapag nasa labas pero biglang may humawak ng kamay ko. Jusko, talagang grab the moment talaga? Pagkatingin ko, hindi ko ma-imagine na si Dustin pala. Ano ng gagawin ko.
"Bakit nandito ka naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Sinabi sa akin ni Auntie Tessie na may aayusin ka daw personally sa Vinyl International School."
"Tapos?"
"Naisip kong it's time for us to talk."
"Wala tayong dapat pag-usapan pa. Please, ayoko ng anumang gulo."
"Teka, alamin mo muna yung sasabihin ko."
"Sorry, pero I have to go." Pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Mabilis akong umalis para iwasan siya. Ramdam kong hinahabol niya ako, at sa dami rin ng tao nawala na siguro ako sa paningin niya.
Basta, hindi ko pa siya kayang kausapin. Kailangan ko munang unahin ang ibang bagay bukod siya. Basta, ayoko na muna.

BINABASA MO ANG
If I Were The President
Fiksi RemajaMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...