Naputol na rin ang usapan dahil nagsalita na yung teacher na nasa stage.
"Bukas na ang election." Ang tipid niyang nag-announce.
"Ano?" Bulong naming lahat.
"Naka-rush tayo ngayon dahil may mga ilang adjustments kaming mga faculties para sa school. Kaya may mga room na gagamitin bukas. Ang building ng mga 4th Year students ang siguradong magagamit. Ipapa-transfer muna namin kayo sa mga rooms na vacant habang bumoboto sila."
Ano 'yun? Squatters na pala ang dating namin bukas. Pupunta lang kami sa mga room kung saan habang bumoboto lang sila? Nakakapagod 'yun. Pero no choice naman kaming lahat eh, mapipilitan kaming mapasabak. Jusko.
Ang bilis nga naman ng mga kaganapan, akalain mo 'yun bukas na matatapos ang paghihirap namin sa hall.
"Lahat ng may participation sa mga preparations para sa campaign at election week, may meeting tayo mamaya sa office."
Bahala na, nakakatamad maglalabas ng room tsaka nakaka-antok.
"That's all."
Ang ikli naman ng announcement na 'yun pero 'di bale na, makakawala na kami sa initan. Hahaha... Hindi kami lugi sa mga lotion namin.
Maya-maya lang, pinabalik na kami ng room dahil wala na ngang dapat pag-usapan pa.
Yung mga kaklase ko naman, back-to-work sa mga trip nila. Mahaba pa ang oras para tumulala sa bintana. Parang nananamlay ako eh, gusto ko ng pahinga. Maka-ubob nga muna, ka-antok na araw.
________/_________/_________/_________/
Lance's P.O.V.
I'm feeling great na nakapag-usap kami kaagad ni Callie, naging malinaw na sa akin na wala siyang problema sa akin. Salamat naman. At isa pa, naituturing niya na ako as friend. Masarap sa pakiramdam ang mga nangyari dahil kahit papaano, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Nawawala naman 'yun kapag nakikita ko siyang masaya eh.
Mabuti na lang nabago niya ang sarili niya mula sa pagiging total silent girl ng room namin.
Ang ewan ko pala, dapat hindi na ako nagsulat noon, sana nakausap ko na lang siya ng personal pero ayos na rin na nakapag-kwentuhan kami kanina.
Nanibago lang ako sa kanya ngayon, dahil natuto na siyang pumansin ng mga ilang bagay like kanina.
No matter what happens, kung saan siya masaya I'll support her. Lalo na't nagsisimula pa lang ang friendship namin. Marami pang pwedeng mangyari, but still hindi ko siya susukuan.
Bukas siguro ang magandang time para makasama ko siya pati na rin si Aubrie dahil wala naman kaming gagawin. Hihintayin ko na lang siyang umasikaso ng mga bagay sa election bukas dahil part siya do'n eh.
Napansin kong tulog si Callie kaya lumabas muna ako para magpahangin.
Habang palabas naman ako, nagkasalubong kami bigla ni Dustin. Pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Wait, Lance si Callie?"
"Ah... Tulog siya."
"Okay."
Umalis na ako sa harapan niya matapos iyon pero bigla niya akong kinausap ulit.
"Lance, I'm still hoping na magkaka-ayos pa tayong dalawa. Alam kong nagtatanim ka pa rin ng sama ng loob sa akin dahil sa nangyari noon, pero puwede naman nating maayos 'yun eh."
"Bahala na." Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya, dahil ayokong mapag-usapan ang mga ganoong bagay. Baka mawala lang ako sa mood.
Umalis na rin siya pagkatapos, siguro na gi-guilty pa rin siya sa mga ginawa niya sa akin matapos ang ilang taon.
Naging kaibigan ko siya noon, nagtiwala ako sa kanya. Pero sa huli, ako pa itong minasama niya. Akala niya siguro gano'n siya kadaling pakisamahan, hindi ko lang napagtuunan ng pansin yung mga problema niya dati, biglang sumama ang loob sa akin? Nakakapagod yung mga ginawa niya kaya nagsawa na rin ako.
Hindi ko na matitiis yung ugali niyang parang wala lang yung mga ginawa kong paraan para mag-enjoy siya na hindi puro problema ang iniisip niya. Hindi nga niyang magawang mag-appreciate sa mga bagay eh. Kaya siguro, hinayang na hinayang siya, choice ko rin na huwag ko na siyang pansinin noon dahil wala naman akong sinayang eh. Hindi ako manghihinayang na nawalan ako ng kaibigan na katulad niya dahil sa tingin ko naman ako yung sinayang niya.
Marunong akong umintindi pero ginawa ko naman lahat. Masyado lang niyang isipin yung mga bagay na parang napakalaki ng kasalanan niya at ako naman ang sumuporta do'n. Ilang beses akong nagkaroon ng choice na talaga bang kaibigan ko pa 'to?
Hindi ko masabi ang specific problem niya dahil naguguluhan ako. Napagod din kasi ako eh, hindi naman masisira ang connection namin, kung na-realize niya lang ang lahat ng nagawa ko na sa tingin ko namang tama.
Yung samahan namin nawala dahil napagod na nga ako. Siguro naman ngayon, alam niya na kung bakit. Pero hindi ko na yun iisipin, yung mga kaklase ko naman ang nagpapasaya sa akin ngayon eh. Mas okay na ako.
_________/________/________/
Callie's P.O.V
Malay ko bang next subject na?! Nakatulog ako ng mahaba-haba dahil inantok talaga ako ng sobra, tsaka malakas ang hangin mula sa bintana. Magsisimula na ang math session namin sa oras na ito. Kunday-kunday ni sir, yung laptop niya. Palibhasa bago, naka-bonus yata siya eh.
"Good morning sa inyo..." Bati niya sa amin kaya nag-greet back na lang kami.
"Ms. Sandoval..." Tawag sa akin ni sir.
Nag-abot siya ng black na flash drive na STC ang tatak.
"Ikaw ang napili kong mag-hold ng mga files na kakailanganin para sa botohan bukas. Nakalagay na diyan ang mga format na gagawin kaya ingatan mo sana. Alas-dose ng tanghali ang simula ng election kaya kayo, maglinis ng room bago umalis. Nakakahiya sa mga gagamit."
"Okay po sir."
"Natatamad na akong mag-print dahil sandamakmak ang mga pirmahin na gagawin ko mamaya. Baka ma-misplace ko pa iyan sa sobrang ka-busyhan ko."
"Sige po." Sagot ko.
"Nga pala, sa mga susunod na buwan, magkakaroon ng mga activities ang school na halos kasali kayong lahat. Recreational activities iyon kaya dapat active kayo. Pati ang mga elected na officers ng Student Council ay bibigyan raw ng mga bagong rules para maging effective ang mga gagawin nila."
Ano kayang mangyayari bukas? Hahaha...
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...