Chapter 55: Divisoria

146 13 0
                                    

Malaking achievement na rin na nakaraos kami ng mga meetings at kung ano-ano pa matapos nitong nakaraang week. Ngayon ang isa pa naming dapat gawin ay bumili ng mga kakailanganing gamit para sa decorations sa darating na school fest.

Kailangan naming mabili ang mga ito para hindi kami pa ewan-ewan mamaya sa pamimili. Kasama ko sina Aubrie at Kyan. All girls kami dahil mas magagaling yata kaming pumili ng mga bagay na kailangan namin mamaya.

Today's Checklist

[] Wrappers (Optional)
[] Sinamay strings (Red & Blue)
[] Styrofoam (Flat)
[] Pisi
[] Crepe Papers (Red, Blue & Green)
[] Straws (Strings)
[] White & Pink Cloth (Table use, Plain)
[] Garlands (White & Pink)


Jusko. Mga nasa 30+ pieces bawat isa ang kailangan naming bilhin sa mga ito. Para namang kayang-kaya naman naming bitbitin lahat eh.

Binigyan kami ng pahintulot na mamili mula 9AM hanggang 1:00 PM. Kami nga lang talaga ang pinayagan na bumili dahil yung mga co-officers ko pinagbawalan na. Kaya ayun, sila na lang ang nag-aayos muna ng mga bagay na gagamitin para sa registration mamaya na gagawin sa hapon.

Dahil nga sa hindi namin kayang dalhin lahat ng bibilhin namin mamaya, nagpaalam na rin kami kay mam tungkol rito.

"Mam, marami po ang mga ito siguro po kailangan namin ng masasakyan kung saan mailalagay namin lahat ng mga nabili namin." Sabi ni Aubrie.

"Oo nga 'no? Sa bagay, rush na talaga kayo. May alam ba kayong masasakyang kahit ano na mayroon ang mga kaklase niyo?"

Napaisip kaming tatlo, hanggang sa naisip kong...

"Si Dustin po!" Wow, sabay pa kaming nakapagsalita. May ilang nakapansin pero ni-never mind nalang nila.

"Oo nga, isama niyo na si Dustin. Paano niya makukuha yung kotse niya? Wait tatawagin ko muna siya para mapag-usapan."

Dapat talaga planado na ito eh, kaya lang hindi ko alam na kumpleto na pala yung checklist para sa mga decorations. Kanina lang din nila naibigay sa akin.

Maya-maya lumapit na sa amin si Dustin matapos siyang tawagin ni mam.

"Bakit? Anong meron?" Tanong niya sa amin.

"Marami silang bibilhin for the school fest. Malapit na kasi, tapos biglaan pa yung pamimili nila. Wala silang mapaglalagyan ng mga bibilhin tsaka napakarami pala no'n. Kung okay lang sa'yo Dustin, pwede bang samahan mo sila?" Sabi ni mam sa kaniya.

"Sige po mam, ipadadala ko lang po rito yung sasakyan."

"Salamat." Sabi ni Kyan.

Dali-daling tinawagan ni Dustin yung driver yata nila para dalhin yung kotse dito sa school.

Kami namang tatlo, lumabas na rin sa room dahil magka-klase pa si mam.

"Sobrang nakakabigla naman yung checklist na 'yan. Ang dami-dami pala." Angal ni Aubrie.

"Kaya nga, maski ako nagulat nung nakita ko 'yun. Akala ko kasi uunti-untiin yung mga gamit." Sabi ko.

Lumabas na rin si Dustin ng room matapos siyang magpaalam sa subject teacher namin na kararating lang ngayon.

"Doon na tayo mag-abang sa gate, mga ilang minutes na lang din darating na iyon."

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon