Solved na ako ngayon, kailangan ko na rin munang bumalik sa quadrangle para samahan yung mga co-officers ko roon.
Nagmadali ako sa pagbalik at parang wala pa ring pagbabago sa dami ng mga nakapila. May nagtutulakan pa yata mula sa likod ng pila, dahilan para bilisan ko pang maglakad.
"Callie!" Sigaw sa akin ni Kyan.
Tumakbo ako para lapitan na siya.
"Oh, nagkakagulo na ah. Kanina pa ba ito?"
"Oo. Tara, dapat nating matigil ito."
Pumunta kaming dalawa sa pinakalikod ng pila para usisain ang nangyayari.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanila.
"May isa pong estudyanteng walang tigil sa panunulak. Parang nasa gitna po, marami pang nainis sa kaniya kaya medyo maingay na." Sabi nung estudyanteng nakausap ko.
"Siya, try naming masabihan iyon. Lalaki ba?" Tanong naman ni Kyan.
"Opo."
Nagtanong-tanong kami sa mga nadadaanan namin, hanggang sa makaharap ko na yung tinutukoy nila.
"Ano ba? Paunahin niyo nga ako, hindi niyo deserve na mauna. Excuse!" Aba, aba. Lakas ng loob magsisigaw.
"Kuya! Pwede ba, tumigil ka na. Nakakahiya sa mga ibang nakikipagsiksikan dito oh. Kung gusto niyong mauna edi sana, nakagawa ka na ng paraan." Sabi ko. Masyadong nasagad kaagad ang stress mode ko kaya nasabi ko iyon sa kaniya.
"Kukunin po namin ang pangalan niyo at section. Hindi po namin kinukunsinti yung mga gaya niyong hindi sumusunod." Sita din ni Kyan.
Pinigilan ko na muna siya.
"Kyan, huwag na muna. Minor lang naman, tandaan nalang natin ang mukha niya. Mahirap na, baka lumaki pa ang gulo."
Hindi na namin tinuloy na kuhani ang pangalan nung estudyanteng nagyayabang sa kasagsagan ng pila. Jusko. Mukhang 3rd Year pa yata. Hindi ba siya nahiya dahil halos nung mga katabi niya mukhang mas bata. Buhay nga naman oh.
Bumalik kami sa unahan para mag-assist. Tinulungan ko na sila para makatapos kami kaagad.
Talagang nakakapagod ang kaganapan sa hapong ito. Pero hindi namin kailangang ipakita na napapagod na kami dahil nakikita ng lahat yung mga ginagawa namin dito.
Ilang minuto lang din ang pinalipas namin para unti-unting mairaos ang pilang ito. Medyo lumuwag naman na kaya naging okay na rin ang lahat. Ang gagawin pa naming next is yung pagde-decorate.
"Grabe, ang daming nagsisalihan ano?" Sabi sa akin ni Hubert.
"Kaya nga, medyo nakakapagod pero worth it naman kung magiging maganda ang kalalabasan sa pagsisimula ng School Fest."
"Oo nga pala, malapit na ang opening."
"Kaya nga eh, pero mag de-decorate na muna tayo. Baka bukas din daw, magsimula na tayo."
"Panibagong hirap na naman."
"Okay lang iyan, I'm believing na magiging okay rin ang lahat. May kalalabasan na maganda ang lahat ng efforts natin para sa school."
"May point ka naman nga. Teka, yung sa school camp?"
"Ah, oo. Room-to-room nalang iyon, yung mga teachers na daw mag a-announce sa mga students nila para daw gumaan naman kahit konti yung trabaho natin."
"Gano'n ba? Ikaw, sasali ka ba?"
"Oo naman, nagsisimula na rin akong mag-ipon para doon. Tsaka, sayang naman kung palalampasin ko pa. Mga graduating na rin kasi tayo eh."
"Ako rin, at sana naman makasama sina Kyan."
"Huy, napansin ko lang mukhang-bibig mo yata si Kyan ngayong araw na ito. Ayyieeehhh..."
"Ha? Hindi naman."
"Sus, pabebe pa eh. Totoo naman siguro yung napapansin kong gusto mong mangyari sa inyo."
"Hindi ko gets."
"Jusko. Basta, feel ko na may ano ka sa kaniya. Ikaw na bahalang mag-isip."
"Ako? Sa kaniya?"
"Oh, tignan mo. Siya, una na ako goodluck sa points mo sa kaniya. Hahaha..."
Umalis na rin ako dahil maayos namang natapos ang lahat. Plano ko na ring bumalik ng room, at ilang minutes nalang din ay uuwi na kami.
Mag-isa ulit akong naglalakad, uso ba talaga ang pagsesenti ngayong araw? Ano bang meron? Bahala na.
Matapos ang ilang milyang paglalakad, ang layo rin kasi ng room namin sa quadrangle. Buti nalang at naabot ko na rin ang finish line.
Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Hazel na naglalakad sa aisle ng room namin. Napansin kong nagsusulat sila ng lecture at mukhang siya pa yata ang nagsulat sa board. Pumasok nalang ako ng walang imik, kumbaga parang na-tripan ko lang na pumunta agad sa upuan ko para makahabol.
Ang bilis naman, sa bagay maaga silang nakapag-register kanina pwera lang doon kina Dustin.
Inilabas ko na yung notebook at ballpen ko para makahabol sa lecture pero wrong timing at mukhang tinatawag ako ng banyo ngayon. Bakit ganitong oras pa?
Lumabas ako at dumiretso sa CR ng building namin. Nasalubong ko si Aubrie na galing rin siguro sa CR, nginitian niya ako. Nung marating ko na, napansin kong naka-lock yung dalawang pinto sa loob. Dati naman laging bukas lahat ah, hindi kami nag la-lock simula nung lumipat kami dito sa Section A.
Ayun! May bukas na isa. Binuksan ko na yung pinto at nabigla ako sa mga sunod na nangyari. Pagkabukas ko...
"Aaaarrggghhh!!!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilang sumigaw dahil nabuhusan ako ng tabong may lamang tubig. Kaya pala, hindi nakalapat ng maayos yung pinto!
Isa pa, parang nilagyan ng Surf at Zonrox yung tubig dahil naamoy ko na kaagad. Nakakahiya lang na lumabas dahil ganito ang hitsura ko. Ano ng gagawin ko ngayon? Pamihadong mapagtawanan ako ng mga makakakita sa akin kapag lumabas pa ako.
Mabuti nalang at yung phone ko nasa bulsa ko pa rin. Mas pipiliin ko ng umuwi na agad. Magpapasundo nalang ako kay mama, ipapadala ko na rin yung damit ko.
Tinatawagan ko ngayon si mama para madalhan na ako ng damit. Pero talagang malas ako dahil nakapatay ang phone niya. Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil hindi ko alam kung papano ko matatakasan ang sitwasyong ito. Sinusubukan ko pa ring tawagan si mama pero wala pa rin eh.
"Callie?" Tawag sa akin ni... Ni... Lance mula sa pinaka main door ng CR. Hindi ako makasagot sa kaniya.
"Callie, anong nangyari? Basang-basa ka na. Kailangan mo ng damit na pampalit."
"Kaya nga eh, pagpasok ko kasi hindi ko alam na may tabo sa itaas ng pinto tapos ayun nabuhusan ako. May sabon pa nga." Pilit kong inaalis yung luha ko dahil ayokong nakikita niya akong ganito.
"Wait, may alam akong makukuhanan ng damit. Hintayin mo ako rito."
Umalis na siya pagkatapos no'n. Pasalamat pa rin ako dahil kapag nasa ganitong sitwasyon ako, lagi siyang dumarating. Instant siya palagi para tulungan ako. Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa kaniya. Pero maiba lang sino ang may pakana nito.
Hindi ko malaman kung sino dahil wala naman akong idea eh.
Maya-maya dumating na rin kaagad si Lance. Dala niya yung white T-Shirt, halos blouse ko lang din ang nabasa pati ulo ko.
"Ito, bilisan mong magbihis iuuwi na kita sa inyo."
"Sige, salamat Lance."
Nagbihis na kaagad ako at sabay kaming lumabas ng CR. Nagpaalam na siya bigla sa adviser namin, sinabi niya rin ang reason kung bakit. Mukhang kakausapin yata ni mam yung mga kaklase namin tungkol dito. Ang mahalaga makauwi na ako at si Lance ang tutulong sa akin para matakasan ko na muna itong school namin.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...