Maya-maya nakarating na si mama sa clinic. Mabilis lang ang pag-uusap namin para naman makapagpahinga na rin kaagad si Kath.
Nag-decide na kaming dalawa ni Lance na bumalik na ulit, lalo na siya dahil mahuhuli siya sa klase.
“Lance, salamat ulit ha.”
“Nako, wala ‘yon. Ako bahala.”
“Babalik na ako, para makahabol sa mga ginagawa nila.”
“Hindi, ihahatid muna kita.”
“Kahit ‘wag na, kaya ko namang mag-isa eh.”
“No. Sasamahan na kita, wala na akong pakialam kung mahuli na ako sa klase. Valid reason naman na ‘yong nangyari eh.”
“Okay.”
Sinamahan na nga niya ako pabalik sa hall. Jusko, habang pabalik kami na-aalala ko pa rin ‘yong sinalo niya ako. Ano ba ‘yan, nakakahiya sa kaniya. Sa room kasi namin, parang ang taas-taas niya parang yung “unreach” kumbaga. Pero bahala na nga, hahayaan ko na lang na umandar ang galamay ng oras.
Nung nasa pintuan na kami ng hall, nagpaalam na siya sa’kin. Mukhang bibig ko na yung pasasalamat sa kaniya. Wala na akong maisip na iba pang sasabihin eh.
Pagkapasok ko naman, abalang-abala silang lahat. Kaya naman, agad na akong umupo para makasabay at baka mapag-iwanan ako.
“Anyare sa kapatid mo Callie?” tanong sa akin ni Aubrie.
“Okay na siya, pinasundo ko na kay mama. Hinintay namin siyang magising kanina, dahil nawalan siya ng malay. Sabi pa ng nurse, ‘di naman daw gano’n ka-severe eh.”
“Mabuti naman, alam ko namang palaban ‘yang si Kath.”
“Nagawa pa ngang magpatawa nung nagising eh.”
“Masanay ka na sa kapatid mo.”
“Jusko, sanay na sanay na ako sa kaniya.”
“Wait, kamusta ‘yong pagsama sa’yo ni Lance?”
“Okay lang naman eh.”
“Anong nangyari?”
“Wala, sinamahan niya lang ako sa clinic, tapos nagkausap kami ng konti.”
“Wala na? ‘yon lang?”
“Oo naman.”
Hindi ko na binaggit ‘yong epic na nangyari sa amin ni Lance kanina. Buti nga’t walang nakakita eh, patay ako niyan kapag may mga nakaalam no’n. Lalo na si Dustin, jusko.
“Kanina pala sumunod ako sa inyo.”
“Ha? Bakit ‘di mo kami naabutan?”
“Ano eh, kasi awkward kung sasabayan ko pa kayo lalo na’t gusto niya na siya na lang ang sasama sa’yo.”
“Huwag mo ng problemahin ‘yon. Maliit na bagay lang naman yung pagsama sa akin eh. Okay lang wala namang kayong mga kasalanan.”
“Gusto ko lang naman maki-usisa eh,” natatawa niyang sabi habang kinakamot ang batok niya.
“UC ka rin pala.”
“Oo naman, may nausisa nga ako ngayong araw eh. Wala kang sugat? May masakit ba sa’yo?”
What the... ‘Wag niyang sabihing nakita niya yung eksena kanina.
“Bakit mo naman natanong ‘yan sa’kin?”
“Nakita ko kasi kayo kanina eh.”
“Ha? Nakita mo?”
“Oo.”
“Malay ko bang masasalo niya ako. Sa lupa sana ang bagsak ko kanina.”
“Ah... Akala ko kasi kung ano na.”
“Wala namang meaning ‘yon sa’kin eh.”
“Sa akin din naman.”
“By the way, magkagalit ba kayo ni Lance?”
“Hindi. ‘Di ko nga ‘yon kilala eh.”
“Ang sama kasi ng tingin niya sa iyo kanina. Nagtaka lang ako, pero nung tinanong ko siya, wala din naman daw kayong problema.”
“Hindi ko rin alam kung bakit eh. Para hayaan na, pareho naman kaming okay.”
“I’m happy kung ganoon nga. Basta ‘pag may problema magsasabi ka lang sa akin.”
“Yes ma’am,” sabi niya habang naka-salute.
Habang dumaraan ang mga days, nagiging magaan ‘yong loob namin sa isa’t-isa. Si God na bahala kung matutupad ‘yong wish ko na sana siya na. Nakaka-overwhelm na gano’n siya makisama sa amin, sa akin.
Kaya kapag masaya siya, siyempre nahahawa na rin ako. Napansin ko din na hindi na rin ako masyadong tahimik. Parang nawalan ng konti dahil kay Dustin. Masaya kasi siyang kasama kaya siguro nagkaganito na ako.
“Callie, punta ka ha. Isama mo na rin si Aubrie.”
“Okay.”
“Pumapayag ka na?”
“Oo. Kasi kahit ‘di na ako magpaalam kay mama, papayagan rin ako no’n.”
“Kaya nga. Thanks.”
Jusko. Grabe ang ngiti niya sa akin. Parang nag so-slow motion ‘yong moment. Nako, pinipigilan ko na lang ‘yong sarili kong alam niyo na. Baka mahalata ako eh, ‘pag nalaman niya baka umiwas ‘yon.
“Callie?” bigla niyang tanong sa akin. Siguro lutang ako bigla.
“Ah... Oo. Ano ulit?”
“Ang gwapo ko ‘no?”
Jusko. Nanggigil ako ng ‘di oras, kaya hinampas ko siya nung workbook na hawak ko.
“Uyyy... Masakit ha. Bakit parang asar na asar ka?” realtalk niya ulit sa akin.
“Wala lang, nang-gigil ako sa iyo eh. Ang dami mong maitatanong ‘yan pa.”
“Kung alam mo lang, marami na akong natanong sa’yo pero yung question kong oo o hindi lang, nahihirapan kang sagutin.”
“Jusko, wala ka ng pakialam do’n.”
“Okay lang kahit ‘wag mo nang sagutin. Alam ko namang oo ang sasagutin mo. Ang gwapo ko di’ba?” Ngumiti siya ulit at kumindat pa sa’kin. May pagka-mayabang din pala ito. Sobra na eh.
“Hoy, para sabihin ko sa’yo. Hindi ang sagot ko, kahit ikaw na lang ‘yong natitirang gwapo sa mundo, hindi pa rin.”
“Talaga?”
“Oo.”
“Ang sabi mo kahit ako na lang ‘yong natitirang gwapo sa mundo. Edi oo ang sagot. Akala mo ha. Pabebe pa ‘to.”
“Bahala ka nga diyan!”
“Ang gwapo ko pala. ”
Nag-type na ulit ako, para makapag-format pa nung mga i pi-print. Tapos panira pa ‘tong si Aubrie.
“Siguro naman alam mo ng mag-resize ng image ano? May mouse naman diyan.”
“What? Pa’no mo nalaman?”
“Aba’y sinabi sa akin ng isa mo pang katabi.”
“Nako Dustin. Isa pa talaga! Anong nakain mo at nang-aasar ka ngayon?”
“Ano pa, edi ‘yong kagwapuhan ko. Di’ba?”
Jusko. Nakakapuno na talaga, ewan ko ba sa lalaking ‘to. Biglang nang-asar bigla, pero in the first place gwapo talaga siya. At oo ‘yong sagot. Bahala na, lalo akong mahahalata nito.
“Bahala kayong dalawa diyan.”
Back to work ang ginawa ko sa sobrang inis. Kulang na lang is ibato ko ‘yong mga gamit na nakikita ko ngayon sa harapan niya.
Naibalik ko naman ‘yong moment na naging busy ako sa pag ta-type. Pero sunod ng lumabas ‘yong mga pictures ni Dustin. Ewan ko ba at parang nag-hang ‘yong cursor sa screen nung lumabas ‘yong mukha niya.
“May virus na yata ‘tong computer.”
“Bakit naman?” tanong sa’kin ni Aubrie.
“Nag-hang nung lumabas ‘yong mukha ni Dustin.”
“ Pinamumukha talaga ng araw na ‘to na gwapo talaga ako. Bakit ‘di mo muna titigan ‘yong picture ko habang nag ha-hang pa rin?”
Ng marinig ko ‘yon lumabas na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...