Chapter 18: Shadow Falling

306 32 2
                                    

Haayyy...
Nakakapagod ang mga pakulo ng araw na 'to. Hindi bale na nga, kakain na kami plus ako pa 'yung manglilibre ngayon.

"Sino nga ulit 'yung manlilibre?" Pagpapa-innocent ni Aubrie. Talagang pinaringgan pa ako.

"Yung isa diyan." Sakay naman ni Dustin.

"Oo na. Bilisan na natin baka mamaya takasan ko na lang kayo."

"Subukan mo. Hindi mo yata alam kung paano umuwi. Hahaha..." Pagbabanta sa akin nung kumag.

"Nako. Tara na, gutom na ako bilisan natin ang paglalakad." Inunahan ko na sila maglalakad sa mall. Ang babagal kasi.

Sa mahabang paglalakad na ginugol namin, mabuti na lang at nakahanap kami ng maayos na fastfood chain. Marami kasi, puno na. Mala-Quiapo ang dami ng tao, pati mga waiter hindi mapakali sa sobrang daming customers.

Humanap na kami ng mauupuan. Doon kami malapit sa bintana 'yung glass. Para kita namin ang view pababa.

Pagkaupo namin, kinuha na ni Aubrie 'yung menu.

"Ito, ito, ito pa, tsaka ito den, tapos ito rin siguro masarap, then this!" Pagtuturo ni Aubrie. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Ito! (Hinarap ko yung kamao ko sa kanya.) Mas masarap siguro ipang-sapok." Ganti ko sa kanya.

"Hala, ikaw Callie ha bad ka na. Ayaw ko niyan." Singit nitong si Dustin.

"Okay." Tapos nanahimik na lang ako.

Hinayaan ko na silang pumili ng gusto nilang kainin, pati rin ako. Hindi ako magpapahuli sa kainan, aba'y ako pa ba?

Ngayon, naghihintay na lang kami ng order. Pare-pareho kaming tahimik this time, si Aubrie nag ce-cellphone tapos si Dustin nakatulala sa bintana, at ako naman nakatitig sa lamesa. Anong nakain nila?

Hintay lang kami ng hintay dito, tapos bigla akong napatingin kay alam niyo na. Habang nakatingin ako sa kanya, jusko parang ayaw ng kumurap ng mga mata ko. Tapos na-realize ko ulit na lalo siyang guma-gwapo habang nananahimik.

Wala akong ibang nakikita kundi siya...

Siya...
Siya...
Siya...

"Huuyyy!!!" Sigaw sa akin ni Aubrie.

"Ha? Bakit? Ano 'yun?" Para akong ewan ngayon. Jusko, lutang na naman yata ako.

"Ayan na 'yung pagkain oh. Bayaran mo na, naghihintay si kuya waiter." Sagot naman niya sa akin.

Inabot ko na 'yung pera based sa receipt. Hindi naman pala masyadong kamahalan kaya afford ko pa pala. Hahaha...

Um-order kami ng fried chicken, alimasag, lemonade, tapa at ice cream. Hindi ko kinain yung alimasag, allergic kasi ako do'n eh.

Ang ewan ko talaga, baka nakita niya akong nakatitig sa kanya. Jusko.

-----/---

Hanggang sa natapos na kami, wala man lang usapan. Kaya ako tameme lang.

"Nakapag-decide na kayo?" Biglang bukas ni Dustin ng topic.

"Oo. Try kong lumipat." Sabi ni Aubrie.

"Ikaw Callie?" Tanong niya naman sa akin.

"Hindi ko pa alam Dustin eh."

"Okay. Hope na papayag ka din."

"Bahala na siguro." Sagot ko sa kanya.

Nung okay na at busog na kaming lahat. Lumabas na kami ng mall, dinala ko kaagad 'yung mga pinamili at baka makalimutan pa, mahirap na.

Pauwi na kami kaya dali-dali kaming bumalik sa kotse dahil mukhang nagbabadya ng pag-ulan. Baka ma-trap kami sa mall dahil wala kaming dalang payong.

"Uhhhmmm... Callie, yung damit mo. Ingatan mo 'yan." Sabi sa akin ni Dustin.

"Ha? Bakit?"

"Wala lang."

"Akala ko pa naman kung ano."

"Callie, tulugin mo muna 'yan. Mas masarap matulog kapag naka air-con. Tsaka 'yung view ng langit madilim." Sabat naman ni Aubrie.

"Well, may point ka naman. Makatulog na nga muna."

Choice ko na lang ang matulog kaya ginawa ko na. Nakakapagod din 'yung mga ginawa namin eh. Puro kabaliwan jusko.

_________/_______/______/

Aubrie's P.O.V.

Nakatulog na nga 'tong si Silent Callie. Ako rin parang patulog na patulog na but, I don't want to lay myself kahit malamig dito.

I'm feeling happy for Callie dahil, siya may chance siguro siya sa taong gusto niya, but me? Meron kaya? Kay "L".

Sana lang meron dahil lagi rin akong umaasa sa lalaking 'yun. Kahit na may pagkamaangas at arte ng kaunti, alam ko namang mabait din siya. Lalo na nung narinig ko 'yung usapan nina Callie and Dustin about nung sinalo niya si Callie when they're going to clinic in the reason na unconscious si Kath.

Hindi naman ako nagselos dahil parang hindi naman interested si Callie sa kanya. Pero kahit na anong mangyari, hindi ko iiwasan si Callie dahil gusto kong makipagkaibigan sa kanya. Kasi ako, lahat ng mga naging kaibigan ko, plastik sila lahat. Ayaw ko ng gano'n lalo na't gagawa'n nila ako ng issue? Baka magkagulo-gulo na naman ang mundo ko.

Masaya namang kasama yung dalawa, kahit minsan O.P. ako, okay lang wala namang problema eh. Pero 'di ko maiwasang kiligin sa kanilang dalawa. Maswerte si Callie at nahagilap siya ng taong pinapangarap niya. Dahil 'yang si Dustin, he's fond of refusing girls sa campus namin. Wala siyang pinapansin kahit siguro sa mga kaklase niya, pero happy din ako at nakakausap ko rin 'yun. Hahaha... Malay ko bang mabait ng konti 'yun.

Birthday niya ngayon kaya siguro may mga pakana siya.

_______/________/______/

Callie's P.O.V.

HAAAYYYY...

Tinignan ko 'yung relo ko. Halos isang oras ang lumipas nung nakatulog ako. 'Pag tingin ko naman ngayon, ang ganda ng tanawin sa taas. Maaliwalas na 'yung kalangitan na sumasabay sa paglipad ng mga ibong nagsasayawan sa himpapawid, dinarama ang sarap ng buhay na kanilang sinasalubong sa pamamagitan ng lakas ng simoy ng hangin sa taas.

Isa pa 'yung paglaglag sa kalupaan ng mga dahon malapit sa sideways ng kalsada. Nag si-swing sila habang bumababa mula sa napakakulay na punong nakikita ko. Ang ganda palang pagmasdan lahat ng nasa paligid mo.

Habang papalapit na kami sa bahay, nagbukas muna ako ng phone ko. May news notification ako! Lagi kong si ne-set ang daily news sa phone ko para laging updated.

"Comet Avery is expected to gaze again."

Comet? Hala. OMG. Kailangan kong basahin 'to! Excited akong makita 'yon.

"Comet Avery will once show again around 8:30 pm on this night, April 22, 2018. This comet have once visited planet Earth last 1,200 years ago, stargazers are expected to observe the comet that will show up to 30-45 minutes and it will make a new history. Because, a total lunar eclipse will occur around 9:00 pm on this night also. The combination of the comet and the lunar eclipse is the most unexpected phenomenon according from the astronomy's history."

Wow!!! Comet at eclipse magsasama at the same time? Sino bang mag-aakalang mangyayari iyon? Excited na ako.

"Dustin, Aubrie! May comet na magpapakita mamaya tapos magkakaroon din ng total lunar eclipse! Nakaka-excite!" Gigil kong sabi sa kanila.

"Whaattt???" Sabay nilang tanong sa akin.






If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon