“Hoy! ate Callie-maw bumangon ka na! Haba ng beauty rest mo ah,” pambubulahaw ng nakababata kong kapatid na si Kath. Nakakainsulto talaga ‘to. Ang sarap sarap pa naman ng itinutulog ko.
“Sa tingin mo ba, makakabangon pa ko sa pakana mo?” manginig-nginig kong sagot sa napakagaling kong kapatid.
“Na-stress ka ba ate? Ginamit ko ‘tong dalawang galon ng water dispenser natin. Inihampas ko sa sahig, para magising ka kaagad,” proud niya pang sabi. Kahit kailan talaga hindi na siya nawalan ng mapag-t-trip-an.
“Ano ka ba naman Kath. Puwede mo naman akong kalbitin. Ang dami mo pang naiisip. Akala ko tuloy may sumabog. Teka, ang aga naman. 6 am pa lang oh. Panira ka ng tulog ko,” untag ko habang nakatitig sa pulang orasang nakasabit sa itaas ng aking cabinet.
“Malamang ate may pasok tayo. Monday ngayon. Ayokong ma-late. Hindi ako katulad mo. Kaya bangon na diyan,” sabay sara niya ng pinto. Akala ko Sunday lang. Tinignan ko naman yung phone ko at tama nga, Monday ngayon. Hays. Panibagong araw na naman. Ano kayang bagong mangyayari sa buhay kong ito? Nakakasawa na kasi.
Halos paulit-ulit na ‘tong mga kaganapang nakikita ko. Papasok, maglilinis, kakain, mag e-exam, projects, reports... Ang hirap mag enumerate. May ihahabol pa pala akong isa. Paulit-ulit na lang akong pinapaasa ng crush kong si Prince Dustin Alvarez of my life. Haaayyy.... Nakakainis na pamumuhay, pero okay na rin. Let’s always see the good things in everything. Naniniwala na lang ako dito. Kahit buong buhay akong aasa sa kaniya, wala pa rin akong mapapala. Naku, buti na lang ayos na ayos ang performance ko sa school. Honor student yata ito.
“Ang tagal! Bilisan mo naman, anong oras na.” May pagpitik pa siya. “Faster!” dagdag pa niya. Wow ang demanding talaga nakalabas na ng kwarto ko, patuloy-tuloy pa rin. Pasalamat siya mas bata siya sa akin. Kung hindi, baka mapalayas ko na siya dito.
“Ano ba? May balak ka?”
“Oo na po. Madam,” padabog kong sagot.
No choice na ako. Kaya wala akong rason para hindi lumisan sa napakalinis kong kwartong laging pinagkakalatan ng magaling kong kapatid. Pati balat ng candy nasa ilalim pa ng unan ko. Hindi na rin ako magugulat kung laging nilalanggam ang paligid ng kwartong ito. Minsan nga doon ko pa nakita ang sandamakmak na papel na may lamang bubble gum sa cabinet ko at doon pa talaga sa ilalim ng mga damitan. Nakakadiri talaga yung ginagawa niya. Wala na akong magagawa. Mahal ko pa rin naman siya kahit papaano. Lagi naman akong libre sa load eh.
“Ate. Puwedeng humingi ng favor?” pa-innocent niyang tanong sa akin pagkalabas ko ng kuwarto. Akala mo dinaig pa ang kuting sa pag papa-cute sa akin. Sa totoo naman ala-tigre ang datingan dito sa bahay.
“Ano ba? Lagi ka namang may favor,” angal ko habang nag-p-pony tail ng aking buhok.
“Si mama hindi makakapagluto ngayon. ‘Di ba masama ang pakiramdan niya kagabi pa? Eh hindi naman ako marunong magluto. Kaya ate ikaw na lang muna.”
“Ay oo nga pala. Pupuntahan ko lang siya sa kwarto niya. Kaya ikaw behave ka lang diyan ha. Mabuti pang ihanda mo na lang yung mga ingredients para sa almusal natin.” Agad naman siyang tumango. “Sige. Aba’y ako pa ba? Puntahan mo muna siya at maghahanda na ako.”
“Teka teka, ano nga bang available na lulutuin?”
“Pancake na lang ate.”
Pumunta na ‘ko agad sa kwarto ni Mama. Pagbukas ko ng pinto, kitang-kita ko ang himbing ng itinutulog niya. Pero ginising ko pa rin dahil wala siyang kasama sa bahay eh.
“Mama,” malumanay kong sabi habang kinakalbit siya upang magising.
Nag-iinat-inat pa siya sa pagkakagising.
“Oh anak? Pasensya na ha. Hindi ko muna kayo maaasikaso ngayon. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ko mula pa kagabi. Nahihilo pa ako eh.” Hindi pa siya ganoon kalakas kaya hindi ko rin maiwasang mag-alala. “Sige Ma. Kami munang bahala. Basta pag-alis namin ‘wag kang makakalimot uminom ng gamot. Nasa medicine cabinet naman po ‘yon.”
“Ok ‘nak. Sige na baka ma-late na kayo, maghanda na kayo ni Bebe Kath.”
“Sige Ma. Pagaling ka ha. Pasasalubungan ka na lang namin. Magpahinga na lang po ulit kayo.”
Umalis na ‘ko ng kwarto niya at dali-daling nagpunta ng kusina. Pagpunta ko naman eh, ayos na ayos yung ginawa ni Kath. Mala-restaurant style pa. May future siya bukod sa pagiging janitor.
“Wow. Handang-handa na pala. Kahit papaano eh may pakinabang ka sa’kin,” pang-aasar ko.
“Anong sabi mo?” pataray niyang sagot sa akin. Tutal, gutom naman na ako, bibilisan ko na nga lang kumilos.
Pinaglalagyan ko na agad ng mantika yung kawali. Timeless na lang ‘tong pagluluto ko dahil timplado na yung para sa pancake. Nahalo na niya yung dapat ihalo. Dinagdagan ko na rin ng harina, parang kulang pa kasi yung iniligay niya. Hooooo... Budbod pa more! Talagang nalalasap ko na yung pagkain. Aroma pa lang, takam na takam na ‘ko.
After few minutes, inilagay ko na yung pinaka-pancake sa kawali. Nakakapagtaka lang bakit ang tagal nang nakasalang, hindi pa rin naluluto. Kaya dinagdagan ko ng oil. Talagang pa-suspense pa ‘tong niluluto ko.
Namumuti na ang mga mata ko, jusko. Anong oras na? Hindi pa rin naluluto. Kaya tinawag ko na si Kath.
Pagkatawag ko sa kaniya, agad naman siyang nakarating.“Ang tagal namang maluto nito. May problema kaya sa paghahalo mo?” tanong ko sa kaniya.
“Wala naman ate. Sure ako.”
Bigla kong napansin yung plastik sa harapan ko na harina ang laman. Ang alam ko kasi yung mga flour, nasa box lang palagi. Eh plastik naman ‘tong nakuha niya. Tinignan ko naman. Pero...
“Tara na. Linisin na natin ‘to!” padabog kong sabi sa kaniya.
“Bakit ate?”
“Giniling na bigas yung inilagay mo. Hindi harina. Jusko naman.” Kakamot-kamot sa ulo akong nagpatianod papuntang kwarto.
“Ay gagi, sorry ate.”
Nagbihis na kami pareho para makaabot sa first class namin. Nagmadali talaga kaming nag-bike para mas mabilis, muntik ko pa ngang malimutan yung helmet sa pagmamadali. Bumili na rin kami ng pagkain at coffee para pagkapasok ng gate, makakain kami ng saglit.
Nakakainis na umaga ‘to. That pancake made my day so epic!
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Genç KurguMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...