Chapter 40: Blessed

189 13 0
                                    

Callie's P.O.V.

Bigat na bigat ang mga mata ko sa pagmulat. Parang latang-lata ang pakiramdam ko ngayon habang nakahiga. Nakakasilaw, puro ulap ang nakikita ko ngayon. Huni ng mga ibon lang ang naririnig ko. Huli ko ring napansin na puting-puti ang suot ko ngayon...

Teka, nasa langit na ba ako? Kung babagsak kaya ako sa lupa? Sino namang sasalo sa'kin? Ang assuming ko talaga. Joke lang, hahaha.

Ilaw, puting wall at cabinet lang ang nakikita ko ngayon. Nasa clinic na pala ako, wala akong masyadong maalala sa sunod na nangyari kanina habang kaharap ko si Dustin.

Ang alam ko lang kagimbal-gimbal yung tinawag niya ako para maging president dito sa Tyrone U. Wow, bawing-bawi ang ilang taon kong pananahimik rito. Kahit anong iwas ko ngayon na magkagulo, nangyayari pa rin. Siguro nga nangyari lang ang dapat mangyari sa akin. Tsaka ko nalang pag-iisipan kapag ayos na ayos na ang kondisyon ko.

Maya-maya nakita naman ako ng nurse namin. Anong oras na kaya? Uwian na ba? Kaya tinawag ko muna si nurse.

"Miss nurse, pwede na po ba akong makalabas rito? Hindi naman po masyadong masama ang pakiramdam ko ngayon." Sabi ko.

"As long as you can, pwede. Ayos ka na ba talaga?" Tanong niya.

"Opo. Okay na po talaga ako."

"Infairness sa naghatid sa'yo kanina. Talagang dala-dala ka para ma i-sugod ka kaagad niya rito. Mabuti nalang, na salubong namin siya."

Wow, pati nurse ha. Nakiki-update sa akin.

"Eh, sino naman po iyon?" Tanong ko.

Ang mahirap nga lang sa akin, hindi ko kayang i-describe ang mga tao ng complete.

"Lalaki siya, alam kong kaklase mo iyon eh. Si Mr. Al---- (Alvarez o Alcantara?! Sino sa kanila? Jusko.)
-cantara."

"Si Lance po?" Gulat kong sabi kay miss nurse.

"Oo. Siya nga."

"Ah... Thanks po sa pag-aasikaso niyo sa akin." Pagpapasalamat ko.

"Naku, duty lang talaga namin na asikasuhin ka. Medyo natagalan pa nga kami eh, mabuti na lang mabilis kang nadala ni Lance. Baka kasi mamaya baka mapa'no ka, kaya sa kanya ka magpasalamat."

"Thank you po ulit. Aalis na po muna ako."

"Sige, mag-ingat ha. Huwag masyadong ma-stress."

Nakaalis na rin ako sa clinic, habang naglalakad na ako ngayon, iniisip ko kung paano ko ulit mapapasalamatan si Lance. Grabe, ang dami ko ng utang na loob sa kanya. Nakakahiya na eh, hindi ko alam ang sasabihin ko kung magkita kami mamaya sa room.

In what way ko ba sasabihin?

"Lance thanks." Ay, ayoko niyan parang tipid.

"Lance maraming salamat at naasikaso mo ako kanina." Pwede na ba ng konti?

"Lance, thank you dahil hindi ko inakala na nagawa mong dalhin ako kanina papuntang clinic. Hindi ko rin akalain na mistulang savior na kita kapag nasa sitwasyon akong parang 'di ko kakayanin." Eto, siguro mas okay dahil malinaw.

Naku, mukhang uwian na. Kailangan ko siyang makita.

Tumakbo na ako papuntang room. Lance, nandiyan ka ba? Sana oo. Wala na akong pinapansing tao sa paligid ko, siguro gulat sila na nakakatakbo na kaagad ako. Pero sa totoo lang, hindi pa talaga ako masyadong okay.

Patuloy akong tumatakbo pero napa-preno ako bigla. Bigla akong lumingon sa likuran ko dahil feel ko na may tao akong nalampasan. Sa tingin ko siya yung hinahanap ko.

Same time kaming lumingon sa isa't-isa. 'Pag paling ng mukha niya sa akin, si Lance na pala 'yon!

Parang pamilyar sa akin ang eksenang ito. Hindi ko lang alam kung saan ko nahagilap ang ganitong scene.

Lumapit sa akin si Lance ngayon. Habang papalapit siya, parang umuurong naman itong dila ko, dahil 'di ko alam ang sasabihin sa kanya. Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon. Jusko, bakit?

"O-okay ka na?" Tanong niya.

"Ayos naman na ako, papunta sana ako sa room eh." Ginawa kong natural yung reply ko.

"Pupuntahan din sana kita sa clinic eh, tara na." Pag-yaya niya sa akin papunta sa room namin.

Tahimik naman ako habang naglalakad na kami.  Humahanap lang ako ng timing para masabi ko yung nakaplanong sasabihin ko sa kaniya. Sana naman mag-work, sa sobrang dami na ng naitulong sa akin gusto ko na kahit sa isang sentence lang, ma-feel niya yung appreciation ko.

Hanggang sa nakarating na ako sa room, at iilan na lang yung mga natira kong kaklase.

"Callie, okay ka na?"
"Aba, himala!"
"Ang bilis mo namang naka-recover sana pinagpabukas nalang. Joke."
"How na ang feel mo ngayon? Ang bilis ah, mas mabilis pa kay Flash."

May mga sumalubong kaagad sa akin, parang may artista lang na dumating? Hahaha... Kunwari ok na talaga ako.

"Ayos na ako, wala na kayong dapat ipag-alala." Iyon nalang ang nasabi ko.

Natuwa naman sila nung malaman nila iyon. Nagpaalam na rin yung iba dahil nagmamadali na silang umuwi.

"Callie, sure ka bang okay ka na. Kasi, halata kong parang hindi pa totally eh." Tanong sa akin ni Lance.

Nahalata pa talaga niya 'yon? Ang galing niyang makiramdam ha.

"Naku, ayos na nga ako. Lance, thank you nga pala dahil hindi ko inakala na nagawa mong dalhin ako kanina papuntang clinic. Hindi ko rin akalain na mistulang savior na kita kapag nasa sitwasyon akong parang 'di ko kakayanin." Mabuti nalang magaling ako makatanda ng mga bagay-bagay pero siyempre from the bottom of my heart naman yung mga sinabi ko sa kanya.

"As usual, wala 'yon. Baka kasi mas lalo kang malagay sa panganib kapag nanood lang ako. Kaya naman, pinuntahan na kita kaagad."

"Panganib talaga? Lalim no'n ah." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

"Haaayyy... Hindi ko mabilang ang mga pangyayari sa araw na ito. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan, first time akong naka-experience ng ganito eh."

"Ako rin. Baka nga lahat ng estudyante, hindi makakapag-move on sa mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ang ma co-conclude ko sa day na 'to."

"Basta. Ako na ang magsasabi, mag-expect ka nalang na kapag nasa sitwasyon ka na parang 'di mo kakayanin, isasalba na kaagad kita."

"Naku, sobrang daming pasasalamat na ang binibigay ko sa'yo. Salamat sa lahat ng efforts para do'n ha. Thank you 999². I-compute mo nalang kung ilan niyan."

"Naku, okay na yung nakikita kong okay ka."

Napalunok ako sandali habang nag re-refresh ako ng isip dahil narinig ko 'yun mula sa kanya.

"Basta salamat. Pa'no ba iyan, aalis na ako." Paalam ko sa kaniya.

"Okay, mag-iingat ka. Lakad ka ba?" Tanong niya.

"Oo. Hindi na ako nag ba-bike eh."

"Siya, sumabay ka nalang sa motor ko. Turo mo nalang ang papunta sa inyo. Baka lalo kang samaan ng pakiramdam niyan."

No choice naman si ako. Nauna na yata si Kath sa akin dahil kasabay niya yung iba niyang kaklase. Pero baka naman, hinintay pa niya ko?!

"Si Kath." Sabi ko.

"Naku, nagpaalam na siya sa akin kanina. Tara na."

Nagsabay nalang kami pauwi. Feeling blessed naman ako ngayon dahil sa kanya.


If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon