Chapter 79: Gala Night

240 13 0
                                    

Nag-enjoy kaming lahat hanggang sa natapos na nga ang school fest kanina. Lalo na sina Dustin na naging champion ng amig basketball tournament. May ilan pang activities na ginawa kanina, pero sayang talaga yung color fun run. Pambihira naman kasi iyang si Hubert, walang sabi-sabi.

Paalis na ako ng bahay ngayon, hindi sa school magaganap ang gala night kundi sa auditorium na malayo-layo ng kaunti mula rito sa bahay namin. Tinulungan ako nina mama at Kath sa pagpili ng susuotin kong damit. Off-shoulder royal blue gown ang preferred nilang suotin ko. Si mama na rin ang nagsilbing hair stylist ko, hipster braid style yung ginawa niya.

Isinuot ko na rin yung kuwintas ni mama na matagal ng nakatago sa cabinet. Nagagandahan lang din ako eh. Nag white sandals nalang ako dahil hindi naman ako sanay mag-takong.

Maya-maya dumating na si Aubrie dito sa bahay para sabay na kaming magpunta sa auditorium. Nagpaalam na kami at agad humanap ng tricycle. Naglakas loob nalang ako pero habang nasa waiting shed kami, may kotseng huminto sa harapan namin.

Kotse yata iyon ni Dustin.

"Sakay na." Tawag niya, matapos siyang bumaba.

Sumakay nalang kami kaagad para iwas late na rin. Nandoon kaming dalawa sa likuran.

"You're looking so nice." Hindi kami makapag-isip kung sino sa amin ni Aubrie ang sinasabihan niya.

"Salamat." Sabay naming sagot.

Mabuti nalang at hindi traffic sa mga oras na ito kaya, nakapunta kaming tatlo ng nasa oras.

Pagbaba namin, hindi ko akalain na marami ang makakadalo sa event na ito. May ilang mga teachers akong nakikita, pabonggahan rin sila ng mga suot for this night.

Parang nagkakatotoo na yung ala-'Star Magic Ball' effect. May pa red carpet sa main entrance, na tadtad ng floral themed designs. Agad na kaming pumasok, pero pansin kong dapat may kasama ng partner pagpasok.

Hindi pa ako nakakabunot!

Nagpunta sa kami sa event organizers para magtanong, pero wala na raw. Ibig sabihin kami ng bahala sa sarili namin. Jusko.

Nakita ko na rin sa paligid sina Hubert, Kyan at Lance. Talagang pinaghandaan din nila ang gabing ito.

Nauna na kaming pumasok dahil baka magsiksikan pa.

Doon muna kami tumigil sa isang tabi, naghahanap ng upuan si Dustin para hindi kami naka-standing ovation. Habang kaming dalawa ni Aubrie ay naghihintay, dumating naman sina Lance.

"Huy, sinong inaabangan niyo?" Bati ni Lance.

"Si Dustin, naghahanap siya ng upuan." Sagot ni Aubrie.

"Ah, gano'n ba? By the way, ang ganda niyo ngayon ah. Anong nakain niyo?" Biro niya sa amin. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi niya.

Dumating na rin si Dustin.

"Saan ba kayo uupo?" Tanong ni Kyan sa kaniya.

"Banda roon (turo niya sa isang direksyon)."

Sumabay na sa amin yung tatlo para hindi kami solo-solo. Nung makaupo na kami, hinandaan na kami ng ilang waiter ng makakain. Kahit busog pa ang ilan, wala ng patumpik-tumpik pa at nagkainan na.

Pasta, lemon juice, bacon at marami pang iba ang mga klase ng pagkaing nakahanda sa mga tables na nandito sa loob. Paano naman kaya ito nangyari? Napakayaman na ba talaga ng school namin para dito?

"Good evening everyone..." Biglang bati ni Ms. Lopez sa aming lahat. Siya na rin pala ang emcee ngayon.

Nabanggit din niya yung pangalan ng mga sponsors, isa doon ay ang mayor namin. Kaya pala naman eh.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon