Matapos ang meeting namin kahapon, balik normal na ulit ang mga buhay namin. Hindi yung normal na as in ha, yung tipong kakaunti lang ang mga kailangan naming gawin for today.
Maya-maya lang kasi mag su-survey lang kami nung idadagdag na sports sa volleyball at basketball. Ang hirap kayang mag-isip baka kasi hindi naman ma-eenjoy ng lahat.
By the way, nakapag-isip na ako para sa 4th week ng school fest. Maganda kung mag-gagala kami sa labas. Yung parang camping, tapos ang magkakasama ay yung magkaka-grade level para masaya. Lalo na kami dahil ilang buwan nalang din ang ititigil namin rito sa Tyrone U.
Pansamantala muna akong nagpunta dito sa Student Council Hall para makapag-gawa ng simple notes mula sa naging meeting namin kahapon para nakaayos. Hindi naman gano'n kahigpit ang mga klase namin eh.
"Huy, anong ginagawa mo diyan? Simula na ng klase uy." Tawag sa akin mula sa labas. Pinaling ko ang tingin roon at si sir lang pala. Yung teacher namin sa Math nung nasa Section B ako.
"Ahmmm... Sir, may inaayos lang po ako. Teka, subject teacher rin po ba namin kayo?" Tanong ko.
"Oo naman. Puro nasa 4th Year Class ang tinuturuan ko."
"1st period po ba namin kayo?"
"Hindi mamaya pa naman. Sige na, tapusin mo na muna kung ano man iyang pinagka-kaabalahan mo."
"Sige po."
Itinuloy ko nalang ang pagkumpas ng tinta nitong ballpen ko. Habang nagsusulat naman ako, may mga napansin akong pictures na nakapaskil rito sa wall. Tumayo muna ako at umusisa ng kaunti.
Wow, parang 1st Year yata kami nito. Mga school activities kasi karamihan ang mga nasa litrato kaya naaalala ko pa. Kahit pa tahi-tahimik ako noon hindi naman ako nagpapaka-total stranger masyado.
Ipinagpapatuloy ko lang ang pagmamasid ng mga pictures then, may isang nakaagaw ng atensyon ko.
Namumukhaan ko kasi itong dalawang lalaking 'to eh. Sino kaya?
Tinitigan ko ng mabuti yung picture kung saan magkatabi sila. Hanggang unti-unti kong naipon sa isip ko na kahawig ng mga ito sina Lance at Dustin. Hindi ako puwedeng magkamali, 3 years ago lang naman ito eh. Pero infairness, ang expression ng mga mukha nila parang walang away ah. Hahaha... Ang masasabi ko lang din, cute sila pareho.
Ma-picturan nga. Kinuha ko yung phone ko sa aking bulsa at kinuhanan ko na sila ng litrato para may copy ako.
"Cutting ka!" Sigaw ng isang lalaking nasa likuran ko. Pamilyar naman kaya masasabi ko ng si Dustin iyon.
"Hindi 'no!" Sigaw ko pagkaharap ko sa kaniya.
"Hindi pa ba cutting ang tawag diyan? Eh anong ginagawa mo?"
"Wala, ano lang may sinusulat ako."
"Love letter?"
"Edi hindi. Notes lang mula sa meeting natin kahapon, para maayos."
"Ah... Pero anong ginagawa mo diyan?"
"Ah, nagtitingin-tingin ng mga pictures dito. Tignan mo, kayo ba ni Lance 'yan?"
Nilapitan nga niya yung pic na tinutukoy ko.
"Ano, kayo ba iyan?"
"Ah, oo. Nung school retreat yata ito when we are in 1st Year."
"Bakit ganu'n?"
"Aling bakit?"
"Parang napakalayo naman ng hitsura niyo diyan. Ibang-iba, kasi ngayon parang magka-away kayo eh. Pero labas na ako doon no."
"Ah, hindi naman. Anyway, nag su-survey na sina Hubert. Hayaan mo nalang daw sila ang maglibot."
"Ah, ang bilis naman nila. Ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"Gawin mo nalang kasi iyang mga notes na sinasabi mo. Para dumali ang mga trabaho natin."
"Okay."
Bumalik ako doon sa table para magsulat. Habang focused na ako rito, naiwan siya doon habang tinitignan rin yung mga pictures na inusisa ko kanina.
"Dustin." Tawag ko sa kaniya.
"Oy, bakit?"
"Ba't nandito ka pa?"
"Wala lang, tapos naman na ako sa activity na pinapagawa eh."
"Anong subject naman 'yan?"
"Edi yung sa Filipino natin, ako nalang yung gumawa at nag-present."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil ako, at humarap ako sa kaniya.
"Oo nga pala 'no? Jusko. Sorry talaga ha, nawala sa isip ko."
"Naku, okay lang. Alam ko namang nagiging busy ka na rin ngayon."
"Thank you!" Sagot ko.
Napansin ko namang habang kinakausap ko siya, busy siyang tumitig doon pa rin sa mga litrato. Maski ako, naguguluhan rin lalo na sa kanilang dalawa. Parang ewan lang.
I continued writing nalang para matapos na ang gawaing ito. Ilang minutes lang din ang lumipas at nakumpleto ko na yung target bullets ko. Mamaya ko nalang din i pi-print.
"Dustin."
"Oy, bakit?"
"Mukhang busy ka pa yata diyan. Sige maiwan na kita."
Doon na siya humarap sa akin.
"Natapos mo na?" Tanong niya.
"Oo, tapos na. Halika na dali." Pagyayaya ko sa kaniya.
Sumunod naman siya kaya sabay na kaming nagpunta ng room. Habang papunta, nasalubong namin sina Hubert kasama yung mga co-officers namin.
"Callie, tapos na kami. Pabalik na rin ba kayong dalawa sa room?" Tanong ni Hubert.
"Oo. Tara na." Sagot ko.
Habang pabalik na kami, naging okay naman daw ang pag-iikot nila.
"Ano nga palang results nung survey?" Tanong ni Dustin kay Hubert.
"69% ang pumili sa badminton. Kaya iyon na rin ang gagawin natin para sa last slot." Sagot niya.
"Edi ayos lang iyon, common na rin kasi tsaka hindi ganoon kahirap ang maglaro. Sure ako na maraming sasali diyan." Sabi ko.
"Siyempre, kaya nga iyon ang pinili nila." Sabi ni Hubert.
Maya-maya nakarating na rin kami ng room, kinabahan kami dahil wala kaming marinig na boses ng mga classmates namin except sa teacher.
Nalaman nalang namin, na nagkakaklase na nga talaga.
"Good morning mam." Bati namin sa kaniya. Science na nga yata dahil malimit raw na kahit hindi pa tapos ang first period namin, nagkakaklase na kaagad siya.
Bumati din naman siya pabalik. Alam niya rin siguro ang rason kung bakit ngayon lang kami nakarating.
Umupo na ako sa upuan ko at tinanong naman ako ni Aubrie.
"Callie, kamusta yung survey?"
"Sina Hubert ang nag-ikot at hindi na ako nakasama dahil may inaasikaso ako doon sa hall."
"Ah... May balita na ba?"
"Oo. Badminton yung may pinakamataas na bilang, kaya iyon na yung idadagdag namin sa sports fest."
"Get 1/4 sheet of paper for our quiz." Utos sa amin ni mam. Doon na rin naputol ang usapan namin ni Aubrie.
Anong isasagot ko ngayon? Stock knowledge na nga lang. Pero hindi pa rin ako maka-get over kina Dustin at Lance. Ano ba kasing nangyari?
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Roman pour AdolescentsMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...