Chapter 39: Pasabog

189 14 0
                                    

Pati ako nanghihinayang para sa kanya. Nagulat pa nga ang lahat ng marinig iyon, may ilan pang nag-iiyakan. Sobra talaga ang pagmamahal eh. Iba din.

"Mr. Alvarez, I'm sorry to know na hindi pala pwedeng maupo sa pwesto ang sinuman sa inyo. Baka pansamantala lamang ito, ngunit kinakailangan nating sundin ang nakasaad para na rin sa ikabubuti ng lahat." Sabi ng principal sa kanya.

Nakakadismaya ang mga kaganapang ito. Support din kasi ako sa kanya, nang dahil sa issue nauwi ang lahat sa wala. Sana talaga hindi ko nalang naisipang puntahan si Aubrie kanina. Haaayyyysss... Parang 'Wrong Winner' lang din ng Miss Universe ang peg.

Muling nagsalita si Dustin.

"I'll respect their decisions po, hindi naman po nila gagawin 'yun kung hindi rin sa ikabubuti nating lahat."

"Who are willing to volunteer para sa bagong presidential race?" Tanong naman ulit ng Science teacher namin. Wow, agad-agad talaga dito sa labas?

Mga ilang seconds ang dumaan pero walang ni isang nagtaas ng kamay, kaya inulit ni mam ang tanong.

"Who are willing to volunteer para sa bagong presidential race?"

Yung iba nagtuturuan na, pero wala pa rin talaga sa kanila ang buo ang desisyon eh. Kaya naman si Dustin na ang pinapili kung sino ang pwede sa pagiging presidente. Pag-uusapan pa naman ng lahat kung talagang deserve ng mapipili niya ang position.

Pero bakit parang kailangang madaliin? Bakit 'di na muna siya bigyan ng time para makapag-isip isip?

"Dustin, hindi ka naman namin minamadali pero tatanungin na kita. Handa ka bang pumili ngayon?"

"Handa po ako, ngayong oras na 'to mismo." Confident niyang sabi.

Kaya kami naman lalong kinabahan.

"Alam kong kaya niyang gawin lahat ng responsibilidad na ibibigay sa kanya, kung sakaling maging official president na siya ng school natin. Nakikita ko ang dedication at passion niya kapag may mga ginagawa kaming mga importanteng tasks. Naniniwala ako na karapat-dapat siya sa pwesto dahil alam ko sa sarili ko na ako ang nagpabago sa personality niya. Kung sinuman ang mababanggit ko, I'm always here to guide you. (Bigla siyang napatingin sa direksyon ko! Lalo akong na-tense!) Ang tinutukoy ko ay si.... Callie Sandoval." Panaginip ba ito? Ano ba talaga ang nangyayari? Lalo akong naguluhan! Pangalan ko talaga ang binanggit niya?

"Inuulit ko, si Callie Sandoval ang napili kong maging president ng Student Council." Inulit na talaga niya ngayon, kaya naging malinaw na sa akin.

Nabigla naman ang lahat na sa dinami-dami ng pwede niyang piliin, ako pa! Nilalamig ang buong katawan ko, I feel na para akong masusuka!

Nakatayo lang ako, blanko ang reaction ko sa lahat ng mga narinig ko mula sa kanya. Sa boses ng taong minsan muntik ko ng sukuan, na sa tingin ko pinapaasa lang ako.

Sa isang iglap, masasabi niya lahat ng hindi ko inaasahan. Is this for real?

"Ms. Sandoval, ikaw na ang napili bilang president. Maari bang pumunta ka rito sa harapan?" Request ng principal.

Buong school, sa akin nakatutok. For the first time and forever..... Ano pa namang gagawin ko alangan namang tanggihan ko. Nagpunta na ako sa stage, nanlalamig  pa din ang buong katawan ko habang naglalakad.

Hanggang sa makapunta na ako sa itaas, si Dustin kaagad ang nakita ko. Nilapitan naman niya ako bigla...

"Callie, alam kong kaya mo. 'Wag kang matakot."

Biglang nag-blur ang paningin ko, nawawalan ako ng balanse.

_____/________/________/_______/
Lance's P.O.V.

Nabigla na nga kami na si Callie ang napili niyang pansamantalang maupo sa pwesto, nagkagulo namang ngayon ang lahat dahil nahimatay si Callie habang kaharap niya si Dustin. Tumakbo kaagad ako para matulungan siya.

Imbes na inasikaso na siya agad ni Dustin, mas inuna niya pa si Hazel na talaga namang may kasalanan sa mga nangyayaring ito.

Nang makaakyat na ako sa stage, may mga nagtatawag na ng medic pero ang tagal nila, wala pang nakakarating.

Binuhat ko na ang walang malay na Callie.

"Lance." Tawag sa akin na galing sa likuran ko. Nakita ko namang si Dustin iyon.

"Ako nang bahala rito, mas inuna mo pa 'yang ex mo kaysa sa kaniya. Hayaan mo na akong tulungan ang kaibigan ko." Buong tapang kong sagot sa kanya.

Dadalhin ko na siya sa clinic ngayon, kahit na malayo, kakayanin ko naman.

Mga ilang metro na rin ang natakbo ko, at nakasalubong ko na yung mga medic na dapat kanina pang nakarating.

Hinatid na siya ng mga iyon, sumunod nalang ako ngayon at hihintayin kong magkamalay siya ulit. Sana maging maayos ang lagay niya mamaya.

Mga ilang segundo lang ang nakalipas, nakarating na rin kami dito sa clinic. Chi-neck muna siya ng mga school nurse para malaman kung mababaw lang yung effect nung pagkatumba niya kanina.

Naghintay ako ng mga resulta na inaasikaso nila, at mabuti na lang pagkalabas nila, stable lang daw ang lagay ni Callie.

Dumating naman si Aubrie at Kath para makita siya, kung ano ang lagay niya ngayon.

"Lance, ano? Ayos lang ba siya? Nag-aalala na kami baka kasi mamaya malala ang kondisyon niya." Tarantang tanong sa akin ni Aubrie.

"Wala na kayong dapat pang ipag-alala dahil maayos lang daw ang lagay niya ngayon, sabi ng mga nurse."

"Haaayyy, salamat naman. Salamat kuya Lance sa pag-asikaso mo sa kaniya. Nakakabigla ang mga nangyari ngayon eh." Sabi naman ni Kath.

"Wala 'yun. Kaibigan namin ang ate mo kaya ginawa ko na ang pwede kong gawin. Hindi ko matitiis na tignan lang siya roon." Sagot ko.

"Kita ko nga na hinila pa ni Hazel si Dustin kanina habang magkaharap silang dalawa ni Callie. Talagang obsessed na ang babaeng 'yon. Ang sarap sabunutan at isahod ang mukha sa ilat. Kung pwede nga lang nagawa ko na 'yon kanina." Talagang kunwari siga si Aubrie.

"Ang importante, ayos na si Callie ngayon. Hintayin na muna natin siyang maka-recover ng kaunti. Baka mamaya lang din magising na siya. Nasaan na yung ibang mga estudyante?" Tanong ko.

"Pinapasok na po sila kanina dahil sinisigawan nila si ate Hazel. Napahiya tuloy... I think she deserves that naman po. Matapos niyang guluhin ang tahimik na pamumuhay ng ate ko. Napakasama niya para sa akin, sana naka-resbak po ako kanina para makaganti." Kuwento ni Kath.

Naghintay na lang kami ng ilang minutes pero may time limit na pala ngayon. Mamaya babalik na raw muna kami sa room.

Mag-iinform na lang daw sila sakaling may malay na si Callie.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon