Ilang araw na rin ang lumipas simula noong parang gusto ko ng mawala sa mundo na parang pinagkakaisahan ako. Jusko, ano ba itong pinasok ko sa buhay?
Mabuti nalang sinuot ko na ulit yung kwintas kong napakahalaga para sa akin dahil, ito ang nagpapagaan ng problema ko kasi parang kasama ko palagi si mama ngayon. Best in advice kasi siya eh. Ilang years na rin ang lumipas noong huling sinuot ko ito.
Nabigyan na nila ako ng mga papers kung saan free kong mapirmahan anytime kung buo na ang desisyon kong maging president ng Tyrone U. Humahanap nalang ko ng mga signs para makita ko kung talagang papayag pa ako sa usapang ito dahil, hindi ko ma-penetrate ang buong kaluluwa ko sa mga nangyayari ngayon.
Parang natural lang naman ang mga pangyayari matapos ang remarkable scene ng buong school, at alam niyo na iyon. Ang kaibahan nga lang, hindi pa kami nagkaka-usap ni Dustin eh. Nga pala, bukas na ang paglipat namin sa section nila. Thankful naman ako na suportado kami ng mga kaklase namin. Kasi nga naman, kung aatras kami sa nauna naming decision, ipinapakita lang namin na naduduwag kami sa kanila. Aba, matatapang yata ang Section B 'no, walang atrasan ito.
Habang nagtatapon ako ng basura sa labas, nakita ako ni Kyan. Mukhang napansin niya yung kwintas na suot ko ngayon.
"Callie, parang ngayon mo lang ulit nasuot iyan." Tanong niya sa akin.
Ibig sabihin, nakita niya na ito dati pa?
"Paano mo naman nalaman?"
Parang hindi niya alam ang sasabihin niya ngayon.
"Ah, wala napansin ko lang. By the way, puwede ba tayong mag-usap mamaya regarding sa nangyari sa'yo?"
"Uhhhmmm... Sige. Anong oras ba? Lagi naman akong free sa ngayon eh."
"Mga after lunch na lang siguro. Bukas nga pala ang lipat niyo sa amin, hope na maging okay kayo doon. Pagpasensiyahan mo na kami noong mga nakaraang araw, sana makabawi kami sa iyo."
"Wala naman kayong dapat ibawi eh ayos naman na ako. Sige pasok na ako ha."
Matapos iyon, nakaalis na rin siya. Sana naman hindi maging magulo ang araw na 'to. Kasi nakakasakal na ang mga kaganapan, ayoko ng mangyari pa ulit iyon sa akin. Nakakahiya na siyempre sa mga kaibigan ko lalo na kay Lance. Ang dami ko ng utang na loob sa kaniya, baka kasi isipan niya na deserve kong matulungan niya ako palagi.
Nag-start na kami ng klase sa Music. Kaya focus naman kaming lahat sa teacher namin.
"Give me a band na ma-ilalarawan niyo sa inyong sarili noon. Meaning, kung makulit kayo dati dapat mag-isip kayo ng paraan para maging connected iyon. Gets niyo?" Sabi sa amin nung teacher namin.
Pero yung BTS ang pinaka-nakakatawang sagot na narinig ko sa mga kaklase ko. Bigla ko tuloy naalala.
Biglang tumaas ng kamay yung kaklase kong lalaki.
"Ako po mam. Ang sa akin po One Direction."
"Bakit naman?" Tanong ni mam.
"Dati po may direksyon pa ang buhay ko, simula nung loko-lokohin, saktan, at paasahin ako, wala. Hindi ko na alam kung may one direction pa ang nakalaan para sa'ken. Ang sakit."
Wow, nahugutan pa talaga niya iyon? Sa bagay, uso na yung mga ganyan eh. Kahit yung mga wala namang lovelife yung iba sa totoong buhay, nakiki-hugot nga rin.
Sunod naman akong natanong ni mam, medyo kabado pa nga ako dahil biglaan yung pagtawag niya sa akin.
"Ms.Sandoval, can you answer my question?" Tanong niya.
"Opo mam. Kaya ko pong sagutin iyan." Confident kong sabi sa kaniya para hindi halatang hindi ko alam ang sasabihin.
Ngayon, halos ipag-patayan ko na ang utak ko sa ala-murderer na tingin as akin ni mam. Basta tahimik ko, naka
'Silent Mode' yata ako ngayon. Ayun, Silent.... Silent alam ko yun May ganoong banda eh.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...