Ipinatawag kaming mga officers para sa isang short meeting. Sinamahan ako nina Kyan at Hubert. Hindi ko muna inimbitahan si Dustin dahil sure akong wala rin siyang masasabi mamaya dahil nagkakailangan kaming dalawa.
Nakapag-ayos na ako ng hitsura kaya para sa'kin presentable na ako sa mata ng ilan. Ilang minutes lang din at nakumpleto na kami. Ano na naman kayang mapag-uusapan? Sana naman bago para may magawa ako araw-araw.
"Good morning everyone. Nagpatawag ako ng meeting sa isang new event na gagawin ng ating school. Napag-usapan na rin namin iyon ng mga teachers."
Halos kabahan kami sa balitang iyon na galing sa Student Council Adviser namin.
"Sana matulungan niyo kami sa mga gagawing invitations para sa School Gala Night. Mga 4th Year High School ang inaasahang dadalo sa event na ito."
"Mam, kailan po ba gaganapin 'yan?" Tanong ko.
"Mga 3 days after ng foundation day."
Halos sunud-sunod ang mga gaganaping pakana sa school kaya mas exciting na ito.
"Tsaka nalang namin i a-announce sa lahat kapag kumpleto na lahat ng mga gagawing steps for this." Sabi niya ulit sa amin.
Nagdiskusyunan rin kami para sa ilang mga suggestions. Hindi naman siguro gano'n kamahal ang gagastusin namin dahil sagot na ng school yung ilang mga bagay.
Naalala ko tuloy yung papel na napulot ko noon, yung may party na nakalagay. Malay ko bang totoo 'yun? Akala ko kasi simpleng scratch lang tapos totohanan naman na pala.
Mamaya, sasabihan ko na yung mga kaklase ko tungkol rito. Pero hindi ko muna ipapaalam sa ibang sections dahil baka may mga mangyayari pa na nakakaapekto sa event na 'yun.
______/_______/_______/______/_____/
Days passed 'til we made it. Nakaraos na rin ang Art Exhibit at makakapagpahinga na ang mga future artists ng school namin. Ngayong araw gaganapin ang Sports Fest kung saan halos pagpawisan kami ng todo hindi dahil sa feeling maglalaro rin kami, kundi napagod kami sa paghahanda ng lahat ng gagamitin.Nagulat ang lahat dahil sa pag o-organize ng mga teams lalo na sa basketball tournament. Magkalaban kasi sina Lance at Dustin, jusko. Talagang hanggang dito pa naman? Baka kasi mamaya, magkagirian silang dalawa dahil alam kong may mga sama ng loob sa isa't-isa ang mga 'yun. Pero parang pareho pa silang natutuwa sa nangyari na magkalaban sila. Jusko, nakalimutan ko na hindidi sila maglalaban ni Lance, magkaiba namam daw ng game eh.
Lahat ay nagsikalat na sa buong paligid upang makapanood ng bawat laro. Limang games kasi ang panonoorin namin para sa araw na 'to. As what's inside the format, ang huling dalawang mananalo ay sobrang ma e-expose sa araw-araw dahil daily rin silang lalaban. Matira matibay na talaga dito. Nabigyan naman na sila ng maagang practice para sa day na 'to.
Kasama ko sa panonood si Aubrie. Samantalang sina Hubert at Kyan naman ay may kaunting inaasikaso sa room, sa bagay lagi naman ng magkasama ang dalawang 'yun eh. Lalo tuloy akong na cu-curious pero si Hazel naman, mamaya pa rin lalabas ng room kapag maglalaro na ang prinsipe niya. Siguro naman, mahihiya-hiya na siya ng kaunti lalo na't nababalitaan kong linked siya sa nangyari sa akin doon sa cr. Kainis na talaga! Subukan niya pa ako ulit, talagang lalaban na ako. Sa ngayon, ayoko munang isipin iyon dahil ayoko ring siya ang sumira ng araw kong ito.
Nang makaupo na kami ni Aubrie sa ikatlong level pataas ng big upuan, big talaga? Ay napansin kong wala nang halos nag ce-cellphone dito sa covered court.
"Aubrie, may wifi pa ba dito?"
"Wifi? Ang alam ko nakapatay dahil sa sports fest ngayon. Maraming manonood at bawal na munang mag adik-adik sa mga telepono na iyan. Huwag mong sabihing internet lang ang habol mo dito?"
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...