Chapter 66: Alala

125 12 0
                                    

Bawas na lahat ng contestants sa Music Fest. Habang tumatagal hindi makapaghintay ang lahat para sa mga mag pe-perform. Kailangan ko na ring mag-adjust kahit papaano, gumawa ng mga bagay na makakalimutan ko yung mga eksena nilang dalawa. Nung prinsipe at prinsesang walang iwanan sa maghapon ng buong school days namin.

Mamaya na rin ang simula ng art exhibit. Sayang nga lang at hindi ako nakapunta nung last day nung eliminations ng Battle of the Bands dahil sa mga bagay na pinagawa sa akin. Kaya ako naman, no choice kundi ang sumunod. Ang alam ko lang, puro magaganda't gwapo ang nanalo. Hahahaha... Aabangan ko nalang sila sa last day ng fest.

Papunta ako ngayon sa hall para sa isang maikling meeting. Pinapatawag na kasi kami, mas pinili ko munang mapag-isa ulit para makaiwas sa lahat. Hindi pala, kay Dustin lang.

Kinapa ko ang bulsa ko habang naglalakad at na-notice kong nawawala yung phone ko. Mabilis akong naglakad pabalik ng classroom para kuhanin 'yun. Siguro, nasa bag lang.

Makaraan ang ilang minuto, at naramdaman kong wala yung mga kaklase ko sa loob. Except kay...

May nangingialam ng bag ko! Teka, si Hazel ba 'yun? Nakatalikod kasi. Ang tangi kong ginawa is tawagin siya bilang...

"Hazel" Sigaw ko sa kaniya. Nilingon niya ako at tumpak na siya ngayon. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung nangingialam ng gamit.

"Anong ginagawa mo?" Pagtataas ko ng boses sa kaniya.

"Ahmmm, nothing. Pinaiwanan ako ni mam dito para maglinis."

"Maglinis? Bakit bag ko iyang ginagalaw mo?" Pag-uusisa ko sa kaniya.

"Hindi naman, ano lang inaangat ko lang yung mga bag para malinisan ko rin yung mga upuan."

Lumapit ako sa bag ko ngayon para tignan yung phone ko. Ang nakakainis, hindi ko makita!

Sa palagay ko, siya ang kumuha. Imposible kasing meron pang ibang magkakaroon ng interes doon. Ngayon lang 'to nangyari at kita ko namang kinalikot niya itong mga gamit ko. Tinigil ko ang paghahanap para tanungin siya ulit pero pagtunghay ko, nawala na siya na parang bula.

Huy, matagal na sa akin yung phone ko kailangan ko pa naman 'yun!

Lumabas din ako at talagang tumakbo na 'yun. Sinasabi ko na nga ba, bait-baitan lang siya. Dumiretso ako pababa ng room tapos, kita-kita ko na siyang kasama si Dustin. Ang nakakapagtaka nga lang ay parang umiiyak pa siya ngayon habang magkausap sila.

Malayo-layo ako ng konti kung saan sila nag-uusap pero tumigil ang pag-andar ng oras. Tumingin na sa akin si Dustin bigla. Ngayon ko lang na-feel 'to, para akong mamatay sa talim ng mga mata niya sa akin.

Nakatayo lang ako habang lumalapit na siya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin kasi, parang sinasabi ng isip ko na huwag siyang takbuhan.

Nang makalapit na siya, dito na ako kinabahan ng todo-todo. Parang may ibang taong sumasanib sa katawan niya dahil sa expression ng hitsura niya ngayon.

"Ano? Akala ko ba okay ka na kay Hazel?" Galit niyang pagsasalita sa akin.

Hindi na ako makasagot dahil talagang natatakot na ako sa kaniya.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit kaya doble-doble na ang kaba factor ko.

"Are you getting out of your mind? Callie akala ko nung una, napakaayos ng ugali mo. Hindi ka pa ba nakuntento? Gumaganti ka pa ngayon? I'm very disappointed! Kaya pala umiiwas ka na sa akin dahil sa kaniya! Ang babaw mo naman." Sigaw niya sa akin.

Pinilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko at nagawa ko 'yun.

"Gumanti? Umiwas? Teka, Dustin hindi ko magagawa na gumanti at akala ko ikaw pang may sabi na umiwas ako sa inyong dalawa. Ginawa ko lang yung sinabi mo."

Bigla ng sumabat si Hazel sa usapan namin.

"Napakasinungaling mo! Ang ayos ng pakikitungo ko sa'yo tapos nagawa mo pa akong sumbatan kanina? Na ahas ako. Oo marami akong nagawa sa'yo pero bakit kailangan mong gawin sa akin 'to? Kung sorry lang din ang gusto mong makuha mula sa akin edi sorry."

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya. Tapos dinuro ako ni Dustin.

"From now on, hindi na kita kilala. Ang galing mong magpanggap, pinagkatiwalaan pa naman kita tapos ito yung igaganti mo sa'kin ngayon? Hindi ikaw ang Callie Sandoval na nakilala ko noon. Sayang din ano? Akala ko ikaw..." Hindi niya natapos yung sinabi niya dahil dumating si Lance.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo siya sinasaktan?" Pag de-defend sa akin ni Lance.

"Sabihin mo sa babaeng 'yan napakawalang kwenta niya! Manglokoko, sinungaling." Sagot ni Dustin.

"Anong sinasabi mo? Ang yabang nito ah. Baka ikaw, mas wala kang kwenta. Alam mo sayang, ipapaubaya ko na sana sa'yo si Calle eh. Tapos malalaman kong ganiyan ang inaangas-angas mo?"

"Ipaubaya? Wala akong pakialam sa inyo."

Nang narinig niya iyon susuntukin niya na sana si Dustin pero ako na mismo ang pumigil sa kaniya. Dito na bumagsak ang mga luha ko, hindi ko inaakalang magkakaganito. Bakit?

"Lance, tara na." Mahinahon kong sagot sa kaniya.

Ayaw pa niyang umalis pero inulit-ulit kong sunabi sa kaniya na umalis na kami. Kung hindi ko pa hahatakin ang kamay niya, hindi kami kaagad makakaalis. Lumingon ako kay Dustin bago 'yun. Nakita kong pati siya napapaluha ng kaunti. Ayoko na.

Dumaan ang ilang minuto at napansin kong dumami bigla ang tao rito sa labas, nakikita nila yung mga luha ko sa mukha kaya binilisan namin ang paglalakad. Parang sa mga nangyayari, alam ko na yung dapat kong gawin. Ayoko nang umasa sa kaniya, nakakapagod. Napakasakit isipin na biglang nagbago siya. Tapos sa rami ng pinagsamahan namin, sasabihan niya akong walang kwenta?

Ang tanga-tanga ko! Bakit sa dami ng tao sa kaniya pa ako nahulog? Na-realize ko na dapat ko ng alisin yung pakiramdam ko palagi sa tuwing magkikita kami.

Then, Lance is always there para sa akin. Siya lang yung taong tunay na nagparamdam sa akin na mahalaga akong tao.

Nung makarating kami ng room at wala pa ring tao at kaming dalawa lang, kinausap niya na ako ngayon.

"Callie, I know that you're not okay. I'm sorry, hindi kita agad napuntahan."

Napaiyak na lang ako sa sinabi niya sa akin dahil ramdam ko yung pag-aalala niya para sa'kin.

"Salamat." Tanging sagot ko habang humahagulgol.

"Well, alam kong mahirap para sa'yo ang sitwasyong 'to. It's okay." Bigla niyang hinawaka yung pisngi ko sabay sabing...

"I'm always here for you. Poprotektahan kita palagi, you're more than a friend of mine." Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko ma-describe ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari.

Unti-unti ko na ring nalalaman ang signs para makapili ako. Sa kaniya ko lang nakita yung pasensya niya para sa'kin. I always feel his presence kapag nakakulong ako sa sitwasyong hindi ko kakayanin.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon