Ngayon, dumaan na ang mga days. Natapos na ang preparations at nakapag-ikot ikot na ang lahat ng mga candidates. Hindi ko na sila kinilala, basta na lang ako boboto. Nasa sa kanila naman 'yun kung mananalo sila eh, kung gagawin ba nila lahat ng sinabi nilang plataporma.
Bukas na nga pala ang birthday ni Dustin. Makakapunta na ako dahil nakapagpaalam na ako kay mama nung isang araw, at napayagan naman niya ako.
"Bbbzzz...."
"Bbbzzz...."Nag va-vibrate itong phone ko ngayon. Number lang ang nakalagay kaya hindi ko muna sinagot, baka stranger 'yan.
Pero nagpaulit-ulit lang 'yung pagtawag niya kaya sinagot ko na. Nakakainis, ang kulit.
"Pwede ba, hindi kita kilala kaya 'wag ka ng tatawag."
Hinintay ko 'yung sagot niya sa sinabi ko. Sumigaw talaga ako sa sobrang inis.
"Huwag mo naman akong sigawan, nababawasan ang kagwapuhan ko."
Nung marinig ko 'yun pamilyar siya pati 'yung pagmamayabang na sinabi niya. Jusko, si Dustin pala 'tong tawag ng tawag.
Hindi ako ngayon makasagot, hiyang-hiya ako sa kanya dahil, malay ko ba namang siya 'yon? Tsaka bakit alam niya ang phone number ko?
"Callie. Si Dustin 'to, parang high-blood ka ngayon ha? Baka pumangit ka lalo niyan."
Nako. Pati pa ba naman sa telepono? 'Di pa rin siya nagsasawang mang-asar?
"Bakit ba napatawag ka?"
"Wala lang."
"Ano? Matapos mong hindi tantanan ang pagtawag sa akin, wala lang?"
"Bakit masama ba?"
"Oo. Bakit nga napatawag ka?"
"Maaga tayo bukas. Hindi ako masasamahan ng mga ka-tropa ko."
"Bakit daw?"
"Basta. Maaga tayo bukas, wala ka ng marami pang tanong. Natawagan ko na rin si Aubrie tungkol dito."
"Ah... Gano'n ba? Anong oras naman, tsaka saan tayo magkikita-kita?"
"I te-text ko na lang sa'yo kung saan. Ang oras eh baka mga 2 ng hapon."
"Ano? Akala ko ba maaga?"
"Maaga kaya ang 2 PM para sa akin. Basta, ako ng bahala. At wait, ako na ang susundo sa iyo."
"Nako. 'Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko, tsaka mapapagod ka lang."
"Hindi na. Basta susunduin kita, bakit ka pa mahihiya eh hindi ka namang ibang tao sa akin." Close na ba talaga kami? Naka fast forward yata ang mga ganap ah.
"Wow. Sige ikaw na ang bahala."
"How's life sa bahay?"
"Ayos lang naman. Eh ikaw? Kamusta na yung pag mo-move on mo sa kaka-asar sa akin."
"Hala. Hindi pa, kulang pa nga 'yun eh."
"Sobra ka na ha. Ba-bye na."
"Okay. I te-text na lang kita. Kita-kits bukas. Bye. Magpaganda ka bukas ha, hindi pwedeng haggard pa rin ang itsura mo."
"What do you mean? Na parang haggard ako palagi? 'Kala mo naman ang gwapo mo talaga."
"Ha? I mean na magpaganda ka, ayokong mapag-iwanan ka ng ka-gwapuhan ko."
"Siya. Oo na, ako ng bahala sa sarili ko."
"Okay, ba-bye."
"Bye."
Naka end call na ako. 1st time ko lang mag-gagala bukas, kaya wala akong idea sa mga OOTD na kailangan ko. Nakakahiya sa mga kasama ko kung mukhang beggar ako, aasarin na naman ako ng mga 'yon lalo na si Dustin.
Tinawag ko muna si Kath para magtanong.
Dali-dali naman siyang lumapit para makinig.
"Bakit ate? Kailangan mo ng load? Alam mong said na yung 1 million-worth pocket money ko sa ka lo-load sa'yo. Maghanap ka kaya ng trabaho, para naman umasenso ka rin gaya ko. Masyado kasi akong masikap kaya maraming dumarating na blessings sa buhay ko. Kaya naman shi ne-share ko na lang sa mga taong nangangailangang tulad mo ate." Wow, ang daming sinabi.
"Nako. Shut up. Wala 'kong balak magpalibre ng load."
"Eh ano ba kasi 'yun ate?"
"May alam ka bang magandang OOTD na susuotin ko bukas?"
"Sa birthday ni kuya Dustin?"
"Teka, paano mo naman nalaman?"
"Ahhh... Wala ate. Ano ulit? OOTD ba kamo?"
"Oo nga."
"Maganda siguro 'yung ano tastas na t-shirt pati tastas na pantalon. Lagyan mo rin ng plastic bag na sira-sira. Diba? Ang ganda ng naisip ko?"
"Nako. Wala ka naman palang maitutulong sa akin eh."
"Okay. Pwede na akong umalis?"
"Wait naman. Ano ngang maganda? Magseryoso ka muna this time."
"Mag-start tayo sa color combinations."
"Okay. Anong pwede?"
"Red and black or white. Pwede na sa iyo 'yun."
"Okay. Anong klase or style ang susuotin ko?"
"Pwede 'yung ano, 'yung long sleeve na white tas may design na red. Simple pero babagay sa'yo."
"Ang pambaba?"
"Skirt na white?"
"Ha? Ayoko no'n!"
"Edi magpajama ka! Gusto mo?"
"Osige na nga."
"Ayaw pang maniwala, eh diyan yata ako expert. I'm proud of myself ano."
"Okay. Simplehan ko na lang, 'di naman party ang pupuntahan ko. Jusko."
"Tsaka mag-kwintas ka na rin para mas maayos tignan."
"Okay."
Marami pang dagdag advices si Kath kaya naman sinunod ko na. Siya kasi 'yung halos laging wala sa bahay. Kaya siya 'yung napagtanungan ko, 'di naman ako gala gaya niya eh.
Naghanap na kaagad ako ng susuotin, tinulungan na rin niya ako sa paghahanap sa cabinet.
"Ate, nakita ko na 'yung pang-itaas mo."
"Iyan naman pala, halos mamatay-matay na ako sa paghahanap."
"Eh 'yung shorts mo ate, nahanap mo na?"
"Oo. Nakita ko na kanina pa. Teka, may accessories pa bang babagay sa akin?"
"Pwede siguro na mag-relo ka na lang at hikaw na simple lang ang design. Maganda ka naman na kaya hindi na kailangan ng mga pa arte-arteng susuutin bukas."
"Ikaw ba 'yan Kath? Ano namang nakain mo ngayon?"
"Motivation lang para maging comfortable ka bukas. Lalo na at si kuya Dustin ang kasama mo."
"Si Aubrie rin kasama ko. Hindi lang naman si Dustin."
"Mabuti na 'yung maayos ang itsura mo bukas para dagdag points."
"Bahala ka nga diyan."
"Ate, oh ito na 'yung mga hikaw na bagay sa iyo."
"Wow, okay na ito para sa akin. Thanks sa pag-aabala. Sana maging okay ang lahat para bukas."
"Okay 'yun ate. Basta, 'wag kang pahiya-hiya bukas, awkward kung hiyang-hiya kang maglilibot kasama sila."
"Okay. Salamat sa pag-aabala ulit."
"Huwag ka ng magpasalamat ate."
"Hala. Bakit naman?"
"May bayad eh. Hahahaha."
"Baliw ka!"
"Joke." Sabi niya habang naka-peace sign sa akin.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...