Masarap-sarap naman 'yung inihain sa amin sa lamesa. Carry ko pa naman 'yung namnam eh, minsan lang 'to sa buhay kaya susulit-sulitin ko na. Habang paubos naman na itong mga nina-namnam ko, nakarating na ulit si Lance.
"Masarap ba? Mukhang gutom ka yata ngayon ha."
Nagpunas muna ako ng bibig dahil mukha nga akong isang buwang hindi nakakakain.
"Ah. Oo."
"Ako'y busog pa, kaya 'di muna ako kakain."
"Anong oras ba kayo nakarating dito?"
"Mga 6:30 na. Saan ba kayo galing?"
"Nag-yaya lang si Dustin na mamasyal, kasama ko rin si Aubrie. Birthday nga naman niya kasi ngayon."
"Ahhh... Masaya ba?"
"Oo naman. Nakapag-enjoy naman kami."
"By the way, edi bukas transferred na tayo?"
"Ewan ko ba. Hindi ko alam eh."
Habang nag-uusap pa kami, may mga dumating na mga bisita din yata. Ka-edad lang sila ni mama.
"Lance, anak." Dad pala ni Lance 'yung isa baka mommy niya yung babae.
"Dad. Si Callie po pala, classmate ko po." Sabay pinatayo niya na ako.
"Ahh. Nice to meet you Callie." Bati sa'kin ng dad niya.
"Nice to meet you din po." Sagot ko naman.
"Alam mo Callie, lagi kang kinukwento niyang anak ko." Nagsalita na yung mommy niya.
"Ano po? Kinukwento po niya ako sa inyo?" Tanong ko.
"Oo. Ang tahi-tahimik mo daw tapos may..." Hindi siya nakatapos dahil parang sumenyas si Lance.
"May ano po?"
"May...may kapatid kang napa-clinic nung isang araw." Medyo naguluhan ako ng kaunti doon ah.
"Ah... Oo nga po, pero okay naman na po siya."
"Okay. Talagang nagmana ka sa mama mo, pareho kayong magaganda."
"Tsaka talaga bang tahimik ka pa rin?" Sumingit na rin ulit yung dad niya.
"Hindi naman na po masyado. Nahahawa po ako sa kaingayan ng anak niyo eh." Proud kong sagot.
"Hindi naman ako maingay ah." Pag de-defend sa akin ni Lance.
"Naku. Maingay ka naman." Ganti ko.
"Hindi no. Gagawa ka pa ng story."
"Totoo lang yung sinasabi kong maingay ka sa room natin."
Hanggang sa napansin kong parehong tahimik yung parents niya.
"Ahhmm... Sorry po. Ganyan po ang panghahawang nakuha ko sa kanya." Sabi ko sa kanila.
"Mukha nga. Haahaha." Sagot nung mommy niya.
"Wait, mag mi-meet lang kami nung papa ni Dustin." Paalam nung dad niya.
"Sige po." Sagot ni Lance.
May kakulitan naman sadya ang lalaking 'to, tapos itatanggi pa niya. Pabebe talaga.
"Nasaan na nga pala si Aubrie?"
"Ewan ko eh. Kanina ko pa siyang hindi napapansin."
Tapos hindi siya nakapagsalita, nakatingin siya sa isang direksyon. Kaya naman, lumingon na ako.
Pagkakita ko, nag-uusap pala sila ni Dustin. Ayos din ang trip ng dalawang 'yon eh.
"Tara. Puntahan natin sila." Yaya ko kay Lance.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Roman pour AdolescentsMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...