Nakalabas na kaming lahat ngayon, inunahan na namin sina Dustin dahil gusto ko ng makabalik sa room kaagad.
Lumingon ako sa likod ko, nakita kong parang lalapit sa akin si Hazel. Nakita rin siya nina Lance at Aubrie.
"Callie, tara na baka manggulo na naman iyan." Sabi sa akin ni Lance.
"Sandali." Sabi ko.
"Pero..." Pagpipigil niya ulit.
"Ayos lang ako Lance, huwag kang mag-alala." Paliwanag ko sa kaniya.
Mukhang wala namang masamang balak si Hazel sa akin kaya hahayaan ko muna siyang kausapin ako.
Paglapit niya, kita ko sa mga mata niya ang sobrang lungkot. Paluha na siya ngayon, siguro kahit ako yung nasa sitwasyon niya, ganiyan din ang mararamdaman ko.
Tapos, bigla na siyang nagsalita.
"Callie, alam mo..." Doon na siya napaiyak ng tuluyan.
"Ano?" Kinakabahan pa ako niyan.
"Simula ng dumating ka sa buhay ko, nagkagulo-gulo na ang lahat para sa akin. Bakit ba kasi, hindi mo na lang ipinagpatuloy iyang katahimikan mo. Para matahimik na rin ang mga buhay naming lahat." Medyo mahina pa naman ang boses niya ngayon.
"Teka, hindi ko naman ginustong mangyari ito eh. Tsaka wala ka ng karapatan para ipagmukhaan sa akin ang ugali ko. May kanya-kanya tayong personality, kaya 'wag mo akong diktahan. Nagsasabi lang ako."
"Aba. Bakit? Sino ka ba para sabihin iyan sa'kin." Pananagot niya sa akin, beast mode na naman siya kaya nabigla ako.
"Sorry. Pero ayoko munang magkagulo ngayon." Sabi ko sa kanya.
Paalis na sana kami ng bigla niya akong hinila pabalik.
Bigla namang napasigaw si Aubrie. Siya na ang humarap at kinuha na ako ni Lance papuntang likuran niya.
"Sabi ko sa'yo eh." Sabi niya sa akin.
Maya-maya, dumating na sina Dustin at Kyan.
"Pwede ba, huwag kang maglabas ng totoong kulay mo rito. Nananahimik lang naman ang kaibigan namin tapos gagawa ka ng isyu ng dahil lang sa nasagi ka niya? Ang childish mo naman." Galit na sabi ni Aubrie.
"Aubrie, tara na." Sabi ni Lance.
"Hoy, FYI, tignan mo muna kung sino ang kinakalaban mo. Mas napili kong dito maglabas ng sama ng loob diyan sa kaibigan niyong napaka-walang kwenta. Umalis ka sa harapan ko." Ganti ni Hazel.
"Bakit ako aalis? Ano ka dito? Reyna, gano'n? Pwede rin naman eh. Reynang impakta na naubusan ng lovelife. Hindi na kasalanan ni Callie, kung nag-break kayo ni Dustin." Sabi ulit ni Aubrie.
Sumingit na rito si Dustin para pagsabihan si Hazel.
"Hazel, pwede ba? Tama na. Walang kasalanan si Callie dito, nahihiya ka ba? Tsaka ikaw ang unang umayaw sa ating dalawa, kaya kahit ano pang gawin mo, wala ng tayo." Angal ni Dustin.
Natulala na lang ako sa lahat ng nasabi niya.
"Callie, pasensya na. Hindi naman magkakaganito kung hindi rin dahil sa akin." Pag so-sorry naman sa akin ni Dustin.
"Uhhmmm... Mas okay kung aalis na tayo rito. Aubrie, Lance dalhin niyo na si Callie sa room para na rin makapagpahinga na kayo. Pasensya na sa inyo." Pagpapaalam ni Kyan sa amin.
Pero hindi pa rin maka-get over sa akin si Hazel.
"Sandali. Ano ba! Bitawan niyo muna ako." Nagpumiglas na siya ngayon.
"Ito ang tatandaan mo, hindi pa tayo tapos at maaaring nanalo ka ngayon. Pero hinding-hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo. Pagsisisihan mong nakilala mo 'ko Callie." Galit niyang sabi sa akin.
Umalis na rin sila pagkatapos. Kami naman, blangko ang isip. Bakit naman kasi ako ang sinisisi niya sa nangyari sa kanila?
"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Lance.
"Oo. Huwag niyo ng alalahanin. Tsaka 'wag na nating pag-aksayahan ang oras natin sa mga nangyaring ito. Jusko."
"May point ka, bakit pa natin pagkaka-abalahan ang babaeng hindi naman dapat pinapansin. Bahala na siya sa buhay niya, pero sigurado ako na baka dumami ang impaktang katulad niya." Singit ni Aubrie.
"Naku, let's go na lang. Sa room na lang tayo mag-usap usap para makapahinga rin tayo ng kahit kaunti." Yaya sa amin ni Lance.
"May nakakita ba dito sa labas?" Tanong ko.
"Baka naman wala. Tara na bago pa ako mag-halucinate." Dagdag ni Aubrie.
Bumalik na kaming tatlo sa room habang ipinagdarasal na sana kung oras na niya, sa langit siya mapunta. Joke.
Halata namang wala pang alam ang mga kaklase namin sa nangyari kaya medyo okay sa akin.
Umupo na muna kaming tatlo do'n sa row na walang nakaupo para kami lang tatlo ang nakakapag-usap. Tutal, busy naman ang iba sa mga trip nila habang walang klase sa araw na ito.
"Haayyy... Panira ng beauty ang babaeng iyon. Nakaka-stress na sadya, pwede bang paypayan niya muna ako dahil kumukulo na talaga ang red blood cells ko sa kanya eh." Himutok ni Aubrie.
"Siguro naman..." Hindi makapagpatuloy ng pagsasalita si Lance dahil may kaklase kaming kumukuha ng headset sa bag na sinasandalan niya.
Maya-maya naman nakaalis na rin.
"Siguro naman madadala na siya sa mga narinig niya sa..." Naputol ulit kasi naman, may nanghihiram ng ballpen sa amin.
"Pwede pahiram ng ballpen." Tanong ng kaklase namin.
Inabot ko na yung ballpen para makaalis na siya at makapag-usap na ulit kami.
"Lance, tuloy mo na." Sabi ko.
"Siguro naman madadala na siya sa mga narinig niya sa atin. Obserbahan na lang natin siya sa mga susunod na araw." Sa wakas at nawala na ang mga asungot.
"Sa akin naman, ang ewan niya dahil problema nila iyon ni Dus--...." Ano ba iyan, putol na naman. Nakakainis na talaga.
May biglang nag-aayos ng gamit sa bag. Nakakainis na, may pag-upo pa habang kinakain yung Piattos niya.
"Uhmmm... Pwedeng du'n ka muna? May pinag-uusapan kasi kami eh." Sabi ko.
"Ahh... Okay. Ano bang topic niyo?" Tanong sa aming tatlo.
Jusko. Ang kukulit eh, mga usisa talaga. Nakakainis na.
"Can you?" Seryosong tanong ni Lance.
"Okay. Sabi ko nga, aalis na si ako." Salamat naman at nakaalis na ang asungot.
"Siguro naman hindi na sila mang-iistorbo sa usapan natin. Sa akin naman, ang ewan niya dahil problema nila iyon ni Dustin eh. Bakit idadamay ka pa niya?" Sabi ni Aubrie.
"Ewan ko ba, basta nalaman ko lang sa text message yung breakup nila. Kung gano'n siya mag-isip wala na akong magagawa." Sabi ko.
"Basta, if you need help, nandito naman kami para sa'yo." Sabi sa akin ni Lance.
"Salamat sa inyong dalawa." Masaya kong sagot sa kanila.
At least alam ko na ngayon yung mga mapagkakatiwalaan ko. Looking forward sa mga susunod na araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...