[Callie's P.O.V.]
Hmmm... Siguro nga naman, kung may gusto man siyang sabihin sa akin sasabihin naman niya siguro 'yon. Baka lang hindi pa siya ready na kausapin ako about sa mga iniisip niya. Hintayin ko na lang muna na magsasabi na siya sa akin.
Matapos naming linisan ang kwarto kung saan nabibilang ako, nakarating na si Ms. Lopez. Sadyang pakitang tao talaga yung iba sa amin, kapag nandiyan na si mam, tsaka lang papasok sa mga isip nila ang maglinis. Nag fo-focus na nga lang ako sa assigned area ko at hindi ko na lang sila pinapansin.
Habang hinihintay namin siya na bumati sa harapan, kanya-kanya namang bida ang mga kaklase ko ng mga topics na gusto nilang mapag-usapan.
Tapos bigla akong pinasali nung katabi ko sa pinag-uusapan nila. Sa ngayon, hindi ko muna kailangang i-setup ang auditory device ko para lang makasagap na patay malisya lang.
"Balita namin, nakausap mo daw si Lance?" Sabi nga nung seatmate ko.
Mga apat kaming nag-uusap ngayon, kaya hindi ko alam kung sino ang kakausapin kaya nakinig muna ako bago ako makasagot. Malamang para may communication kami. Jusko.
"Oo. Tinanong ko siya kung may problema ba o kung ano, ang sagot niya sa akin wala naman daw."
"Bakit mo naman natanong?"
"Nakita din kasi namin yung itsura niya kanina. Parang ewan eh, basta negative. Ang hirap i-explain."
Dito, sinagot ko ulit yung question nila.
"Oo. Tama kayo, gano'n nga din ang napansin ko sa kanya kanina."
"Baka alam mo na, diba nung nangyari yung pinipigilan ka ni Dustin, tsaka siya nagkagano'n?"
"Anong ibig niyong sabihin?" Curious kong tanong sa kanila.
"Baka naman... Wait. Kilala natin siya, never siyang nagkaroon ng lovelife, hindi namin sure ha baka lang kasi nagseselos siya."
"Huh? Magseselos ba 'yon? Sa akin pa? Baka naman mali lang kayo ng hinala." Sabi ko.
"We all know naman na ikaw, matipid makipag-usap sa amin, but may mga pinagbago ka naman eh."
"Hala."
"Tsaka isa pa, nung monday yata last week na na-late ka? Nakita ko, namin na sinusulatan niya ang notebook mo, sa desk niya. Nung magsisimula na rin nung exam, nasa kanya ang ballpen mo then ipinasa niya kay Aubrie."
"Ano? Si Lance yung nagsulat sa notebook ko?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Baka nga. Kaya siguro binigay niya kay Aubrie yung ballpen kasi nga, mahilig 'yon sa collections."
"Bakit 'di niyo sinabi sa akin?"
"Kasi nga, diba tahimik ka. Tsaka ano namang pake mo do'n eh, routine mo na nga ang manahimik."
"Ah, gano'n ba? Wala naman sigurong meaning yung sulat niya sa notebook ko."
"Hindi natin alam."
"Pero linawin natin, may nagsulat nga sa notebook ko at first class na natin nung makita ko 'yon. Pero yung ballpen ko nasa akin pa."
"Oo tama ka Callie."
"Then, after recess naman nawala yung ballpen ko." Sabi ko.
"Edi baka...."
"Ano 'yun nagsulat ulit siya sa notebook na 'yon?" Singit nung isa.
"Baka nga Callie dahil napansin kong nasa ibaba lang yung notebook mo no'n."
"Oo nga. Mahilig kasi akong maglagay ng notebook sa baba ng upuan eh. Edi meaning nga na after recess niyo siyang nakita?"
"Baka, kasi halo-halo ang pangyayari last monday."
"Nako, dalawang beses niya yatang pinake-elaman ang notebook ko."
"Tignan mo na lang mamaya."
Naputol na ang usapan nung nakarating na si Ms. Lopez sa harapan. Teka, wala bang flag ceremony? Bahala na nga, baka hindi pa rin sila maka move-on sa epic na nangyari.
"Good morning class."
Syempre bumati na lang kami para walang problema.
Maya-maya may mga binanggit siyang pangalan mula sa amin.
"Alcantara, Laureano and Sandoval, please stand."
"For the prayer?" Malakas na sinabi nung isa naming classmate.
Nagpigil kaming lahat ng tawa sa sinabi niya, except si mam. Halatang na-insulto siya sa sinabi nung kaklase namin. Hindi na lang siya nagsalita eh.
"Nakapag-decide na ba kayo?"
"Yes or No?" Bumanat ulit siya, dedma pa rin naman siya ni mam.
Nag-oo na yung dalawa at ako na lang yung hinihintay na magsalita. Napabuntong-hininga na lang ako bago ako maka-imik.
"Opo mam."
"Great, ano namang napagdesisyunan niyo?"
"Pumapayag na po kami." Unexpected kaming nakapagsalita ng unison.
"Kailan niyo balak lumipat?"Tanong niya ulit sa aming tatlo.
"Pag-uusapan po namin eh." Si Aubrie na ang nakapagsabi no'n
"Sige, take your time very well."
Pinaupo na niya kami matapos iyon. Nagtaka lang yung iba kung bakit biglaan ang desisyon namin.
"Class, ipinag-utos ng school principal natin na ipa-transfer silang tatlo patungo sa Section A. Wala rin akong magagawa kundi ang sumunod, intindihin na lang natin siguro."
Mahirap at tsaka nakakalungkot na bigla kaming aalis sa section na ilang taon naming kinabilangan pero siguro nga kailangan talaga mangyari ang dapat mangyari sa amin.
Nakikita ko rin sa mga mukha ng mga kaklase ko na parang kung kailan, okay na ako, tsaka pa kami magkakahiwalay. Lalo na yung mga ka-barkada ni Lance, pare-pareho ang mga reaksiyon nila nang marinig iyon kay mam. Tanggapin na lang dapat siguro iyon eh, gaya ng sinabi ni mam.
Mga ilang oras na rin ang lumipas nang matapos na ang walang katapos-tapos na lessons ang itinuro sa amin nung first two class sessions namin dito. Bumili na kaagad ako nung mga pang-recess dahil uusisain ko na yung math notebook ko.
Dito na yata ako dapat magpaka-detective.
Pagkagaling ko sa canteen, diretso ako sa upuan ko ngayon. Agad kong hinalungkat yung ibang notebooks ko sa bag para naman agad ko ng makita.
Binalikan ko nga yung part na may
"Anong pakiramdam na na-late ka?"Ito yung sulat niya pagkatapos ng flag ceremony. Sabi nung mga kaklase ko,may time din silang nakita siyang nagsusulat sa isang notebook during recess. Ang baliw ko naman, ba't 'di ko napansin yun.
Binuklat ko lahat ng pages nag-dalawang ulit ako ng pagtitingin mula harapan hanggang likod.
Then at last, nakita ko na.
"I'm waiting for you from a long period of time. Kailan mo ba ako mapapansin? Loyal ako noon pa man, sana dumating yung time na magbago ka kahit kaunti lang, maghihintay ako sa'yo."
From: Me
Ano?!?!?! Halos pareho nga yung penmanship nila.
Paano kung siya nga 'yon? Maibalik ko lang, first crush ko siya dati eh. Sabi niya ayaw daw niya ng lovelife, kita ko naman 'yun dahil walang na li-link sa kanya.
Talaga bang ako yun? Kaya ayaw niyang ipahalata, dahil trip ko ang dedmahin lahat ng classmates ko?
O baka trip niya lang din?
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Roman pour AdolescentsMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...