Mabuti na lang at dalubhasa ang kapatid ko sa mga pananamit. Wala naman kasi akong hilig sa mga pag-gagala eh.
Maya-maya tinawagan ko si Aubrie, nalaman ko ang phone number niya dahil chi-nat ko siya kagabi. Kinakabahan na ako para mamaya, jusko ano kayang mangyayari?
"Aubrie, malapit-lapit na mag 2 PM."
"Uhhmm. Hello, Callie oo nga. Ako'y handa na para mamaya. Ikaw ba?"
"Okay na rin naman na ako. May balita ba kung saan tayo magtatagpo-tagpo?"
"Sa kanal daw eh."
"Nako. Saan nga?"
"Hindi ko rin alam eh, nag text na ba siya sa'yo?"
"Hindi pa, balitaan na lang tayong dalawa kung mag-text man siya."
"Oo nga. Teka, ginandahan mo ba ang gayak mo ngayon?"
"Pwede na siguro, nagpatulong ako kay Kath sa pagpili ng susuotin ko."
"Siya, sige. May pupuntahan muna ako."
"Siya, okay. Ingat."
"Bye."
Mga ilang minuto kong hinintay ang text ni Dustin. Habang naghihintay ako, umiglip muna ako dahil antok ako eh.
Ito na dapat, talagang tinatawag na ako ng mga unan ko pero tumunog bigla ang phone ko.
May text na pala si Dustin.
"Sa Avery's Groove muna tayo pupunta. Susunduin na lang kita mamaya o ngayon na. Magdadala ako ng pang-lunch para sabay na tayong kumain kasama sina Auntie Tessie."
Kakain? Dito sa bahay? Kasabay sina mama at Kath?
Teka naman, ang dumi ng bahay. Kailangan ko munang i-inform si Kath na maglinis. At saktong nagluluto na rin pala ng lunch si mama.
Ngayon, todo linis kami ng bahay. Bawat sulok pati 'yung sa labas para pulido ang lahat. Para namang ang daming pupunta eh si Dustin lang naman, nakakahiya naman kasi kung makikita niyang ang dumi ng bahay.
Habang nasa labas ako at nagwawalis ng konting kalat, nakarinig na ako ng busina ng motor. Paglingon ko naka-helmet eh, baka naman si Dustin 'yon kaya nilapitan ko na kaagad. Binuksan ko muna 'yung gate namin para naman ma-feel niyang welcome siya dito.
"Dustin, pasok ka. Ang bilis mo naman."
Hindi niya ako pinapansin kaya pinagmasdan ko na lang siya.
Nung tinanggal niya 'yung helmet, na-realize kong READER LANG NG ELECTRIC BILL yung lalaki.
Nanlumo ako sa kahihiyan, kaya inabangan ko na lang 'yung resibong i-aabot niya sa'kin.
Jusko. Nakakahiya talaga 'yung ginawa ko, nakakainis naman. Parang nagdilim ang paningin ko nung tinanggal niya ang helmet niya. Haaaayyyyssss....
Nung papasok na ako ng bahay, may busina akong narinig na naman. Kaya nilingon ko ulit. Hindi muna ako nag-assume na si Dustin 'yon, kaya tinignan ko na lang siya.
Nung tinanggal niya ang suot niyang helmet, biglang humangin ng malakas kaya mistulang hangin effect yung pag-aalis niya ng helmet. At-----a--t... Si Dustin na nga. Parang nasa slow motion world na naman ako, bigla akong natulala ng hindi ko namamalayan.
Nung kumaway na siya, bumalik na ako sa sarili ko. Jusko.
Binuksan ko na 'yung gate para makapasok na siya.
"Dustin, pasok ka. Parang ang aga mo naman yata?"
Nakatingin lang siya sa akin, at nararamdaman kong nagpipigil lang siya ng tawa.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Fiksi RemajaMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...