Isang nakakagimbal, nakakakaba, nakakahilo, nakamamatay at nakakalokang araw ang sasalubong sa akin ngayon. Nag-prepare talaga ako kahapon for this day, dahil hindi pwedeng pa ewan-ewan ako mamaya sa harapan nilang lahat.
Think positive nalang ang dapat kong gawin, napabaunan naman na ako nina Lance ng mga ala-MMK na advices kahapon.
Para sa ating Text Mo, Title Mo Promo, i-text lang ang iyong title at i-send ito sa 2366. Upang makakuha ng load.... Naku, hindi ko pala memorize yung line na iyon. Hahahha... Sana maging okay ang lahat.
Habang kalat-kalat pa ang mga kaklase ko sa room, papalapit naman itong si Lance sa akin.
"Callie, mamaya na raw ang paglipat natin. After nung big announcement mamaya."
"Ano? As in pagkatapos?"
"Oo. Sabi ni Ms.Lopez pagkarating niya. Ang aga nga niyang pumasok ngayon eh."
"Nasaan si mam?" Natataranta kong tanong sa kanya.
"Nandoon, kasama nung ibang teachers na nag-aasikaso ng gagawing announcement mamaya."
"Jusko. Kinabahan ako, dobleng kaba dahil lilipat na pala tayo."
"Kaya nga eh, dapat daw kasi matagal na tayong na i-transfer noon."
"Bahala na nga. Kaya natin iyan ni Aubrie. Nasaan na nga ba siya?"
"Wala pa eh. Hindi pa nakakarating."
Maya-maya naman biglang may pa-voca effect na ulit ang school.
"Attention to all students, kayo po ay inanyayahan na magpunta na sa quadrangle."
Naku, ano bang sasabihin ko sa kanila? Hindi ko alam ang gagawin.
Habang naglalakad na kami papalabas, ramdam kong namamanhid na ang buong katawan ko. Tapos may lumapit sa aking estudyante.
"Callie, pinapatawag ka po ni mam Katelyn sa gilid ng stage."
"Sige, pupunta na ako."
Naku, nakaka-pressure talaga ang umagang ito. Sana maayos ako mamaya.
Nakapunta na rin ako sa harapan ni mam.
May iniabot siya sa akin na papel.
"Callie, ito yung plataporma ni Dustin. Maaari mo iyang sabihin mamaya. Teka, may naisip ka bang pwedeng idagdag diyan?"
"Uhmmm... Opo." Pero sa katunayan wala talaga.
"Great, mag-relax ka muna para hindi ka na masyadong kabahan mamaya."
Tumayo nalang muna ako habang nag-iisip ng sarili kong plataporma.
Tapos bigla namang nagsalita na si mam Katelyn sa stage. Dahil mukhang ayos na ang pila ng lahat ng estudyante.
"Good morning to all of you. I'm glad to say na kumpleto na ang ating newly elected officers para sa Student Council this year."
Dumating na yung ibang officers nilapitan nila ako at mukhang kabado rin sila. Napansin kong nandito rin yung lalaking nagkamali ng tawag sa akin. Sino nga ba ulit iyon? Nakausap ko na siya nung birthday ni Dustin.
"Congrats sa'yo." Biglang may nagsalita at mukhang ako yung kinakausap niya.
Paglingon ko naman siya na nga 'yon.
"Salamat... Ikaw si?"
"Hubert. Diba nagkausap na tayo nung birthday celebration ni Dustin?"
"Oo. Sorry nakakalimutan ko palagi yung name mo."
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...