Nagkalat na rin ang mga estudyanteng gaya namin na nagtitinda ng mga candy para sa basketball tournament mamaya. Magkasunod na raw ang laro nina Lance at Dustin kaya todo kaba na may halong excitement ako ngayon. Mauunang sasaabak si Lance ngayon dahil nakikita kong naghahanda na sila sa gilid. Hindi ko pa alam ang pangalan ng team nila dahil napakaingay na dito sa court.
Marami rin palang fans 'yun dahil napakalakas rin ng mga cheers ng other sections sa kaniya. Mamaya na ako makikisigaw kapag mga pahuli na.
"Aubrie!" Sigaw ko dahil hindi niya ako marinig sa sobrang ingay. Kinalabit ko nalang din para ramdam niya naman. Alangang pagurin ko pa ang lalamunan ko kakatawag.
"Hala, nandiyan ka na pala."
"Kanina pa talaga."
Biglang tumunog ang buzzer na go signal para sa mga players. Blue Panda ba name ng team nila? Bigla ko kasing napansin yung banner ng ilan at nakita kong royal blue ang suot na jersey ni Lance.
Hala. Ang baduy naman! Pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin. Sa bagay, may humor naman kahit papaano pero ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang klaseng pangalan ng team.
Kasama siya sa starters at siya rin ang captain ball. Magsisimula na ang laro para sa jump ball kung saan siya yung unang nakakuha. Dumagundong lalo bigla ang hiyawan. Humina nga lang ng biglang nag-remind yung isang commentator.
Lahat kami tutok na tutok sa laro, hindi maiiwasan ng ilan na sumigaw kapag parehong nakaka-shoot ang dalawang teams. Samantalang ako naman, hindi man ako nagtititili, abot-langit ang pagsuporta ko sa kaibigan ko.
May isang babaeng nakaagaw ng atensyon ko habang nanonood, nasa ibaba siya. Hindi ko mamukhaan kung sino pero pamilyar naman sa akin. Nag va-vlog ba 'to? Kainaman talaga oh. Tinitigan kong mabuti, at nasabi kong si Kyan na pala 'yun.
Grabe rin naman pala ang trip nito ha. Akalain mo 'yun? Ilan naman kaya ang viewers nito? Hahahaha...
Nang binalik ko ang atensyon ko sa laro, nakita kong tinatawagan ng foul si Lance. Siyempre, hindi naman na talaga maiiwasan ng lahat 'yun eh. Ipinagpatuloy ko ang panonood at napakalaking pasasalamat ko na napakaganda ng laban.
Maya-maya lang din at biglang nag-vibrate ang phone ko. Sa sobrang ingay, hindi ko masagot-sagot. Mukhang importante pa yata ito dahil mula ang tawag na 'to kay Hubert.
Hays, paano ko pa ba naman masasagot ito? Nevermind na nga lang. Pinatay ko pero makailang saglit at tumawag na naman siya ulit. May nag pop-up na message from him again.
"Callie, pinapatawag ka ni Ms.Lopez." Ito ang laman ng text message. No choice ako kundi ang bumaba ulit. Minsan na nga lang maglibang eh.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Aubrie. Binilisan ko na kahit napakasikip para makabalik rin kaagad ako sa panonood.
Pumunta ako ng room para hanapin si Hubert. Nakita ko naman siya kaya tinanong ko na kung ano yung kailangan ni Ms. Lopez sa akin.
"Hubert, anong meron?" Tanong ko.
"Callie, sabi ni mam huwag na daw pero may kailangan pa tayong gawin."
Na-curious ako bigla sa tanong niyang iyon.
"Ano?"
"Si Dustin."
"Anong meron sa kaniya?"
"Nandoon siya sa likod ng hall natin, nag-iisa hindi ko alam kung magmumukmok dahil nakakarinig ako ng pag-iyak kanina at alam kong siya 'yun. Napadaan lang talaga ako tapos narinig ko bigla."
"Tapos? Anong gagawin natin?"
"Bakit hindi mo na kausapin?"
"Para saan?"
"Sa nangyari, nabanggit niya 'yun sa'kin last time."
"Naku, ayoko nga. Bahala na, sige na manonood na ako."
Umalis na ako sa room para manood ulit. Wala na akong magagawa kung ganoon ang kinikilos niya, hindi ko naman kasalanan 'yun eh.
Nang naglalakad ako, biglang may tumawag sa akin. Si Ms.Lopez na yata 'yun kaya hinarap ko na.
"Callie, pwede bang pakidala ng mga ito sa hall?" Sabi niya sa akin habang may hawak siyang tatlong folders.
Naku, ayoko ngang magpunta roon eh. Sinasadya na ba talaga ng araw na 'to? Wala naman akong choice kundi ang sumunod nalang.
"Sige po mam."
Dali-dali akong nagpunta ng hall ngayon, baka kasi mamaya bigla akong makita roon ni Dustin. Ayoko na muna talaga siyang kausapin sa ngayon. Hindi pa ako handa sa mga masasabi ko sa kaniya.
Nang nakapasok ako, agad kong inilagay ang mga folders sa isang bakanteng table. Dito ko na narinig ang boses ni Dustin sa likod at nakikita ko siya sa bintana. Buti nalang nakatalikod at hindi niya ako makikita.
"Okay ma, siguro kahit pagkatapos na ng Foundation Day namin ako aalis kasama niyo." Hindi ko sinasadyang marinig ang mga iyon habang may kausap siya sa telepono.
Dito na ako napatigil dahil bakit parang napaka komplikado ng pagkakasabi niya? Bahala na nga.
Umalis rin ako pagkatapos no'n.
Sana naman dire-diretso na ako mamaya para straight ang panonood ko.
Mabilis akong nakabalik sa court pero sa kasamaang palad, may nakaupo na sa kinauupuan ko kanina. Nandito nalang tuloy ako sa medyo gilid, nakatayo habang pinanonood ang game.
Nakatingkayad nalang tuloy ako rito. Tumingin ako sa scoreboard pero kailangan pang maghabol nina Lance ng 5 points sa mga kalaban nila.
Nag-adjust ako ng kaunti para makalapit ng kaunti. Ang hirap-hirap naman kasi ng puwesto ko rito eh.
Dahil sa impluwensya ng mga katabi ko ay napapasabay na ako sa mga cheer nila. Parang masarap sa feeling na nangyayari na ito sa mga buhay namin kasi, bihira lang na mangyari ang mga ganitong event.
Halata rin sa hitsura ni Lance ngayon ang sobrang pagod dahil mapapatigil nalang siya bigla habang hinihingal. Pero alam ko namang kahit gaaano pa siya kapagod, ibibigay pa rin niya ang best niya.
Nakita ko namang sine-seniyasan ako ni Aubrie na tumabi sa kaniya at wala ng nakaupo sa pwesto ko kanina. Doon ako dumaan sa medyo gilid para makapunta ako roon ng ayos. Hindi ko alam ang gagawin dahil pimito bigla yung referee. Nagsimula na ulit ang mga players sa pagtakbo kaya ako naman tumakbo din ng mabilis.
Mukhang ewan na naman ako dahil nabangga bigla ako ni Lance ng habang nagmamadali ako sa pananakbo. 'Yun ang dahilan para pumalya ang mga paa ko at bumagsak pababa. Napapikit ako ng sobra pero napigilan iyon. Feeling ko sasayad na talaga ako sa lupa.
Nakita-kita kong si Lance rin ang mag se-save ulit sa akin sa katangahan ko. At mistulang tumigil ang mundo dahil nagkatitigan pa kaming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang hitsura niya eh, basta parang lalo siyang nag i-spark. Spark daw? Daming alam ah.
"Ayyiieehhh..." Sabi ng lahat sa eksenang kinabibilangan kong nakikita nila ngayon.
Tumayo na ako para putulin ang atmosphere.
"Okay ka lang?"
"Oo." Sagot ko.
"Mag-ingat ka kasi sa susunod. Lutang ka na naman." Pagbibiro niya sa'kin.
"Pasensya na ha." Ganti ko sa kaniya, matching ikot ng mata.
"Oh, magsusungit? Pasalamat ka naman."
"Tse! Makaalis na." Para kaming aso't pusa ngayon. Gantihan kami ng sagot, pero umalis na rin ako dahil nakatitig talaga ang lahat sa aming dalawa.
Nginitian niya ako bigla bago ako umalis. What's happening to the earth na? Pamihado at hot topic ang nangyari. Tumuloy ako sa pagtabi kay Aubrie pero 'di pa rin maaalis sa lahat ang eksena sa Day 1 ng tournament na 'to.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...