Walang paalam na pumasok si Kyan sa harap ng room namin. Sa bagay, tama sa hitsura ng mukha niya yung pagka-bad girl niya. Ang galing nga eh, mas nakikita yung aura niya na may pagkatapang. Maganda rin siya, pero siguro NLSB din 'yan. "No Lovelife Since Birth". Kasi siyempre, yung iba medyo matatakot, paglalakad palang alam mo ng mataas ang standards.
"I'm here, para sabihin sa inyo, kaya 'wag kayong mabibigla." Sabi niya sa amin.
"Ano?!" Gulat na sabi naming lahat.
"Sina Hazel at Dustin." Dugtong niya ulit.
"What?!?. OMG!" Parang mga bubuyog talaga ang mga kaklase ko. Hahaha...
"Kaya nga 'wag kayong mabibigla diba?" Sabi ni Kyan.
"Okay." Sabi namin, para kaming mga ewan. Hindi pa niya nasasabi ang main thing pero ang dami kaagad ang nag-react.
"Pakipatay mun ng tv. Please?"
Pinatay na namin ang tv para makapagsimula siya ng maayos.
"May confession na magaganap sa quadrangle mamaya. Dahil sa iskandalong kinabilangan ko, at ng iba pa. Siguro nalaman niyo na ang nangyari dahil sa isang post ng anonymous student sa facebook."
Sa katunayan nga diba, dalawang eksena yung nangyari pero again, buti na lang walang nakaalam nitong huli naming away.
"Tapos?" Sabi nung mga kaklase ko.
"Kaya kayo, lahat ng estudyante mamaya ay hinihikayat na magpunta sa quadrangle mamaya, dahil sa isang big announcement. Minamadali na talaga ang election upang medyo humupa ang issue."
"Okay. Pupunta kami." Sabi naming lahat.
Matapos iyon, umalis na rin siya kaagad. Mukhang nagmamadali eh, teka makausap nga saglit.
Hinabol ko siya palabas para magtanong.
Grabe nakakahingal pala talagang tumakbo pero nakakatanggal stress naman.
"Anong big annnouncement?" Tanong ko sa kanya matapos ko siyang maabutan.
"Basta. Mamaya pa naman, currently nagbibilangan na ng boto kina Hazel at Dustin. Ihahabol na lang namin yung mga nagbago ng boto do'n sa nag-back out." Parang nagmamadali nga talaga siya.
"Okay. Sige, mukhang nagmamadali ka pa yata."
"Sige, aalis na ako." Paalam niya.
Ano naman kayang big announcement iyon? Kinakabahan tuloy kaming lahat para mamaya dahil, pare-pareho na yata kaming hot topic sa labas ng school. Jusko. Ano ba naman itong pinasok ko?
Bumalik na rin ako ng room pero sinalubong naman ako ni Aubrie dito sa corridor.
"Callie, sorry talaga. Kung binilisan ko na lang siguro ang pagbili sa canteen kanina, edi sana hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ko talaga eh, hindi dapat ikaw ang napapag-usapan nila. Hindi man natin kita, alam kong hindi na mawawala ang mga intriga na na li-link sa iyo. Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya." Bigla siyang nanghingi ng tawad sa akin.
"Hindi, mo kasalanan. Huwag na nating sisihin ang mga sarili natin dahil pare-pareho tayong victims. Nangyari na eh, pero alam kong maaayos iyan."
"Sana nga at matapos na ito. Grabe, ang daming nangyayari each day sa atin." Sabi niya.
"Pansin ko nga rin eh, ang layo sa napakatahimik na buhay ko noon sa room natin. May mga nagbago nga, pero bakit sa ganitong paraan pa? Natatawa na lang tuloy ako sa sarili ko 'pag minsan. Pabago-bago ang mundo ko, ang dami na kasing nangyayari eh. Ibang-iba na talaga."
"Just go with the flow nalang siguro. Dapat nga lang talaga mangyari ang mga ito. May ilang bagay talaga na hindi natin kayang pigilan eh. Gaya ng pagkain ng sandamakmak na ice candy." Natawa naman ako sa sinabi niya. Na-divert niya kaagad ha.
"Hala. Paborito mo ba iyon?"
"Oo. Pagkauwi ko araw-araw galing school, bumibili talaga ako ng ice candy. Siyempre, katapat lang ng bahay namin yung tindahan kaya wala akong kapagod-pagod."
"Sa bagay mainit nga naman ngayon." Sabi ko.
"Speaking of mainit, pumasok nalang tayo sa room. Wala ng hangin rito sa labas." Pagyayaya niya sa akin.
"Oo nga, tara na. Marami namang electric fan sa loob para mawala ng kaunti ang init."
Pumasok na rin kami sa room pagkatapos naming mag-usap. Napansin ko namang iba na yung pinapanood nila, sa lahat ng mga puwede nilang panoorin bakit horror pa! Jusko. Tameme ako sa mga ganiyang palabas dahil duwag ako. Baka mapanaginipan ko pa iyan mamayang gabi.
Hinanap ko nalang 'yung phone ko sa bag, napansin ko namang may naligaw na kwintas ng kaklase ko dito sa desk. Pangalalaki eh, BTS ang design. Bigla ko tuloy naalala 'yung nagsabi nung OPM Boyband. Si Aubrie nga pala iyon. Hahaha... Isinauli ko na lang kung kanino 'yung nakita kong kwintas.
Isa pa sa mga naalala ko is yung gamit na itinago ko sa bahay. It's been 4 years na nung huli kong ginamit 'yun. Kwintas din siya na bigay sa akin ni mama, kapag nakikita ko 'yun, nawawala ang mga problema ko. Hindi actual pero nakakatulong iyon sa akin dati para hindi ko masyadong isipin lahat ng mga masasamang nangyari sa akin.
Itinago ko na iyon, kasi baka mawala pa. Tsaka pagkapasok ko naman rito sa Tyrone U, naging normal naman na ang buhay ko kung saan wala ng problema sa akin. Pero bakit sa araw na ito ko siya naalala bigla? Dahil sa may malaking problema ako? Jusko. Bahala na. Baka sign na ulit ito, ang creepy ha.
Nag-cellphone na lang ako ng ilang minuto, dahil 15% nalang pala. Luging-lugi naman tuloy ako sa pag cha-charge. Kahit hindi nagagamit, nababawasan ang battery percentage. Jusko.
Nung ma-low bat na, umubob nalang ako para makapagpahinga ng kaunti 'tong isip ko. Puro pasabog eh, hindi ko kinayanan ang blast. Hahaha...
------/------/-------/
Ilang minuto lang at nagising na rin ako. Pero hindi talaga "tulog" ang nararapat na term para do'n dahil putol-putol ang pahinga ko. Kasi naman, kung gusto nila manood ng horror movie siguraduhin nilang hindi sila titili. Tapang-tapangan eh. Hahaha...
Pagkatunghay ko sa tv, tapos na pala ang pinapanood nila. Yung mga linya ng cast nalang ang ipinapikita.
"Huy, may sunod pa. Love story naman, tungkol siya sa love." Sabi nung isa kong kaklase.
Tutal, about siya sa love kaya nga "LOVE STORY" eh. Iba din ang mga pakulo talaga.
Kaya ako may dahilan na para maki-nood. Ang tagal namang matapos nung cast viewing, hindi naman na importante sa'kin iyan eh. Maya-maya nag-black na ang screen, siguro tapos na. Yehey!
"Ahhhhhhhhhh!!!!!" Tili naming lahat, pero dama kong pinakamalakas ang sa akin.
Akala ko tapos na, 'yun pala naman may pahabol. Biglang may nag-appear na mukha ng white lady, nakakatakot talaga ang itsura. Sino ba namang hindi magugulat?
Yung kaunting pahinga ko ang nawala ng sobra. Jusko.
Ayan tuloy napagtawanan nila ako.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...