Nagpatuloy-tuloy naman ang mga pangyayari, nakita ko rin na nandito pala sina Hazel at yung isang sumundo sa akin sa room dati. Ano nga uling pangalan no'n?
Pilit kong inaalala yung pangalan niya. Hindi ko naman maalala eh kaya lapitan ko na lang kaya siya. Wala naman sigurong masama kung may makilala akong bago.
Nilapitan ko na 'yun para naman makilala ko ulit. Ang epic din kasi nung nangyari sa kanya no'n.
"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko matapos ko siyang kalabitin.
"Ah, teka diba ikaw yung si Callie Al---"
"Sandoval." Inunahan ko na siya ngayon.
"Sorry, Alvarez yung nasabi ko dati."
"Okay lang 'yun."
"By the way, I'm Hubert ulit."
"Teka, sinong kasama mo dito?"
"Mga kaklase ko, sina Hazel. May nabanggit sa amin si Ms. Lopez nung mga nakaraang araw. Yung lilipat daw kayo sa section namin."
"Ah, oo. Yung dalawa kong kasama na sina Lance at Aubrie, pumayag na sila."
"Ikaw? Payag ka rin ba?"
"Oo. Ayaw kong maiwanan nila ako."
"Okay naman ba ang mga kaklase niyo?"
"Oo naman, madalang lang kaming magka-problema."
"Iniutos nga talaga ng principal natin na mabigyan kayo ng opportunity na makalipat sa amin."
"Siguro nga."
"Kamusta naman yung stay ninyo sa hall?"
"Ayos lang naman, hindi naman nagkaka-problema."
"Sa bagay, matitino naman yata ang mga kasama niyo. Hahaha..."
"Oo nga eh."
"Close na nga ba kayo ni Dustin?"
"Sino namang may sabi?"
"Wala narinig ko lang sa topics ng mga classmates ko."
"Hindi naman kaming totally close kasi hindi naman kami gano'ng katagal magkakilala."
"Ganoon talaga siya, friendly sa mga taong hindi niya kinakitaan ng mga ayaw niya."
"Nagulat na nga lang ako nung dinadaldal niya ako sa unang day ng campaign week."
"Magaling siyang makisama, kaya pasalamat ka na lang. Dahil yung ibang girls diyan, kahit magpapansin ng magpapansin sa kanya, hindi naman papansin no'n. Ayaw niya kasi ng mga ganoong tao eh."
"Tanong ko lang, may mga kaibigan ba si Dustin sa inyo?"
"Sa ngayon, hindi ko masabi ng exact dahil may mga past friends siya dati. Sa amin naman, kahit sino naman napapakisamahan niya. Hindi naman din siya ganoon kayabang eh."
"Kaya pala ayaw niya raw na maka-lose ng mga kaibigan."
"Ano ulit 'yon?"
"Wala, wala 'yon."
"Okay."
"Kamusta naman si Hazel?"
"Okay naman 'yun. Minsan nga lang pabago-bago yung mood niya kaya naguguluhan kami. Pero ang lagi niyang sinasabi is wala naman daw siyang mga problema."
"Ahhh... Okay."
"Pa'no ba 'yan Callie, uuwi na rin ako eh. Kita-kits na lang. Nice meeting you."
"Siya, sige ingat."
Umalis na rin maya-maya si Hubert dahil nga naman gabi na rin. Hahanapin ko na lang muna sina mama at Kath ngayon.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...