Yung last vacant time ko nalang yung ginamit kong time for the meeting. Paulit-ulit lang? Magkakasama kami nina Kyan at Dustin.
Alam naman na ng mga co-officers ko yung oras ng meeting. Dumiretso kaming tatlo sa hall para hintayin naman yung iba.
"Dustin, sana naman matupad yung mga plano. Nasabi ko na rin sa lahat eh, baka kasi sabihin nila na paasa ko kapag hindi natuloy."
"Naku, hindi iyan. Sure ako na matutuloy, nakaka-excite na nga eh. All day tayong magkasama."
"Huy isa nalang pala yung hindi pa nakakarating." Sabi ni Kyan.
"Eh sino naman kaya iyon? Tanong ko.
Tinignan ko lahat ng mga nandidito ng mga estudyante. Naalala ko naman yung point na magsasalita ako sa stage nung isang araw. Ayun! Si Hubert! Bakit wala pa siya? Vice president pa naman siya ngayon.
Ilang minuto rin ang pinalipas namin para makaabot siya sa meeting. Pinasundo ko na nga rin siya kay Dustin sa kung saan man siya naroon. Pero hindi naman daw niya makita-makita kung nasaan eh. No choice na kami kundi ang nagsimula na kahit wala pa siya.
Umupo na kami sa mga upuan, na medyo maalikabok na. Masyado yatang abala ang mga teachers kaya hindi na nila ito naaasikaso.
"Magandang hapon sa inyong lahat. Alam kong marami sa inyo ang nabigla na agad kong naisipang magpatawag ng meeting. Naisip ko kasing malapit na rin ang foundation day. Yung tungkol sa school fest yung pag-uusapan muna natin ngayon para maaga tayong makapag-handa kahit papaano." Sabi ko sa kanila.
"Mabuti kung gano'n, parang napakahaba ng time na kailangan nating igugol para diyan. Okay na rin yung mas maaga, for sure magiging okay yung plano naten." Sabi nung secretary naming babae, na parang nakita ko kanina nung nagulat ako sa butiki. Buti hindi niya na inalala pa.
"Speaking of plano, ayos lang ba na kada week may activity na gagawin ang bawat sections?"
"Okay na po iyon. Hahanapan nalang sila ng vacant time para makapag-participate rin. Room by room muna from Monday to Thursday then every Friday, dapat kumuha tayo ng tatlong representatives each grade level." Sabi naman nung Auditor ng aming organization.
"1st week para sa Music Fest, 2nd week para naman sa Art Exhibit, 3rd week para naman sa Sports Fest. Sa Sports Fest tayo masyadong mahihirapan dahil pihadong maraming sasali." Sabi ko.
"Kaya nga, papaano natin ma o-organize yung oras on that week?" Tanong ulit niya sa akin.
Bigla namang dumating si Hubert, mabuti at kahit late na siya, mas pinili niyang um-attend.
"Callie, so sorry ha. May pinapatapos kasi sa akin sa school publication eh." Sabi niya sa'kin.
"Ayos lang, sige maupo ka muna. Kasisimula palang naman namin eh."
Umupo siya sa tabi ni Dustin at parang nagtatanong pa kung ano na yung pinag-uusapan. Magaling lang din sigurong mag-rewind si Dustin kaya gano'n. Hahaha...
"Hubert, paano na nga pala natin mahahati ang oras sa sports fest?" Tanong ko sa kanya.
"Teka, anu-ano ba yung schedules?"
"1st week para sa Music Fest, then 2nd week para naman sa Art Exhibit, at 3rd week para naman sa Sports Fest. Sa Sports Fest tayo masyadong mahihirapan dahil pihadong maraming sasali niyan. Papaano na?" Tanong ko pa rin kay Hubert.
"Dapat sa Friday nung Art Exhibit, magkaroon na rin ng registration sa mga sports na gagawin. Tsaka okay lang kung kaunti yung laro, dahil hindi naman iyan katulad nung mga Intramurals eh."
"Oo nga, kahit mga tatlo or apat na sports pwede na. Gamitin na natin yung dalawang oras na hihingin natin sa mga teachers. Para naman sa foundation day iyan eh. Okay din kung may bayad ang registration kahit mga 15-20 pesos okay na. Mayayaman naman ang mga estudyante rito, lahat hindi kuripot. Para rin naman sa experience nila iyan eh." Singit ni Mr. Treasurer. Hindi ko naman kasi alam yung mga pangalan nila. Tsaka ko nalang alamin.
Unti-unting nag da-dive yung mga ideas na naiisip ko. Sana naman mag-work kahit papaano.
"I think kung three major sports nalang ang dapat nating gawin." Sabi ni Kyan.
"Eh, kung sa tatlo man 'yan, ano naman yung mga pwede? Yung tipong hindi nakaka-boring dapat para hindi masayang ang registration fee na binayaran nila." Tanong ko habang puzzled pa rin sa solusyon.
"Pwede na yung volleyball para sa girls, basketball para naman sa boys then..." Parang naguguluhan rin si Dustin eh. Kailangan ko ring mag-isip.
"Sige, given na yung two sports. Bakit hindi tayo gumawa ng survey sa mga schoolmates natin para mahanap natin yung last slot para dito. Then kung may majority na, edi iyon ang gawin natin." Sabi ko sa kanilang lahat.
"Oo nga, okay na rin 'yun kaysa sa maglagay tayo ng hindi pa sure." Sabi ni Ms. Secretary.
"Kailan naman yung pinaka-event ulit?" Tanong niya.
"Alam ko na, bakit hindi tayo magpaalam na gawing 3 days yung mga games? Mag-approach nalang tayo kay mam." Suggestion ni Kyan sa amin.
"Pwede rin naman siguro 'yon." Sabi ko sa kanila.
"Hayaan mo ng naka-pending muna yung sports fest. Ano nga pala dapat sa 4th week?" Tanong sa akin ni Dustin.
"Hindi ko pa alam eh, kailan ba libre yung iba?" Tanong ko.
"Ewan. Basta ang sigurado, 2 days on the coming fourth week ang culmination ng school fest." Sagot niya.
"Doon naman tayo sa mga decorations. Habang nagsisimula yung month bago ang last two days, dapat each section maghanda na ng ipa pang-decorate nila. Maayos kung each grade level, mabigyan sila ng tasks. Diba 4 divisions ang fest? Edi yung each week, mag-correspond mula sa 1st to 4th year." Sabi ko sa kanila.
"Dapat nating ma-meet yung mga class president ng bawat rooms. Para ma-inform sila sa mga plans natin." Sabi ni Ms. Auditor.
"Oo nga, para mas maayos yung flow natin. Ililista ko yung mga guidelines and formats na galing sa meeting natin ngayon at yung nasa isip ko. Unofficial pa iyon dahil may mga naka-pending pa rin eh. Malay natin may mga susunod pang suggestions mula sa atin at sa mga class presidents." Sabi ko ulit.
"I will do a research at dapat siguro tayo ng lahat, para may concept ideas na tayo kaagad. Mas mabilis tayong makaka-isip if may mga nalaman pa tayo." Sabi ni Hubert.
"Pwede na rin yung sinabi mo. May point ka. Sana naman at marami pa tayong pakanang maisip for the enjoyment rin hindi lang nila kundi natin." Sabi ko.
I hope na lahat ng efforts namin maging okay dahil nabalitaan kong ako ang kauna-unahang president ang nakaisip ng ganitong school event. Mas nakakakaba iyon para sa akin, pressured pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...