Treat daw eh. TREAT. Pa’no naman naging libre ‘yon? Biglaang ako ang dapat magbida sa Science Club para sa Student Council Campaign & Election. Ano bang mapapala ko kung ako man ang mangunguna-nguna? Sanay ako ng tahimik at ordinaryong estudyante dito. Sinasabi na nga ba, imposibleng manlilibre talaga si Ma’ampara sa’min. Sa isang iglap, magkakagulo-gulo na naman ang buhay ko. Kung alam kong ganyan ang sinasabi ni Mam, ‘di ko na masyadong ginalingan.
“Bbbbzzzz....”
“Bbbbzzzz....”Nag va-vibrate na ulit ‘tong phone ko siguro, ang iingay na naman ng kaklase ko sa group chat namin. Napaka payapa nga ng buhay ko pagkarating ko sa bahay eh, tapos iistorbohin nila. Gusto kong mag-leave sa GC na yan. Ang iingay! Daig pa ‘yong kaingayan ng kapatid ko. Yaaa... Teka, ang tahimik ni Kath ah. Siguro may nina-namnam ‘yon, ganoon siya kapag may kinakain, naka Silent Mode.
Mag l-leave na nga sana ako ng biglang may nag-chat na kaklase ko, at si Aubrie ‘yon.
“Guysss... Bali-balita lang ‘to ha. Narinig ko kanina habang palabas ng gate, tatakbo daw na president si Prince Dustin Alvarez sa nalalapit na Student Council Election!!!” Wooowww... Kasali siya? At ako ang mangunguna sa preparation para sa nakatakdang day ng announcements ng mga new elected officers. Magki-kita kaya kami? OMG! EXCITED NA ‘KO!
“Talaga ba? Sure ka Aubrie?” nag-reply na ‘ko sa chat niya.
“Oh, Callie. First time kang nag-chat dito. Dakilang seener ka eh.”
“Kung totoo nga?”
“Gaya nung sinabi ko, bali-balita pa lang. Wait, diba ikaw ang mamamakana sa campaign at election?”
“Oo. Sa’kin in-assign ni Ma’amkanina as her treat daw.”
“Ahhhh... Akala tuloy namin pagkain o anuman ang ililibre sa’yo. Nag-abang pa kami kanina eh.”
Bahala na sila mag-usap, kung nag-leave talaga ako pamihado ‘di ko malalaman na puwedeng tumakbo si Prince Dustin. Biglang nawala yung frustration ko na maging part ng school activity na ‘yon. Sana naman maging ok kasi nga baguhan lang ako. Wala pa ‘kong kaalam-alam kung aling mga bagay ang dapat kong gawin, usisain at kung anu-ano pa. Di bale na, nandun naman siya kaya gaganahan akong magbida.
Kailangan ko nga palang i-check si Mama kung magaling na siya, nasa’n na ba kasi ‘yang si Kath. ‘Di ko na narinig yung mala-bossy niyang boses. Aha, akala niya siya lang, paglilinisin ko siya ng kwarto ko ngayon. Nalimutan yatang nagkalat siya dito.
Pumunta na ko kay mama at nakita kong kumakain si Kath sa kusina.
“Kath!!! Tama na yan. Tignan mo yung kwarto ko, napakakalat ng dahil sa’yo. Linisin mo na.” proud kong sabi sa kaniya.
“Kita mo ‘to ate?” Ipinagmumukhaan niya ‘yong fishballs na kinakain niya.
“Gutom pa rin ako no. Ang konti lang kaya ng kinain natin kaninang umaga.”“Oo na. You have point naman. Bumawi ka sa pagkain para may energy ka sa paglilinis mamaya. Is this all clear?”
“Yes boss!” Sabay irap niya sa’kin.
Nung pinasok ko na ang kwarto ni mama, halatang ok naman na siya. Nakakangiti at nakakatawa na ulit habang nagku-kwentuhan na kami.
“Sino si Prince Dustin anak?” Yung mukha ni mama, parang chismosa talaga.
“Uhhhmmm.. Wala ‘yon ma. Schoolmate ko lang siya, tsaka ‘di niya ‘ko kilala.
“Ahhh... Okay,” tipid kong sagot.
“Bakit mo ma naitanong?”
“Wala. Gusto ko lang.”
“Gusto mo siya ma?” Gulat kong tanong sa kaniya.
“Ano? Sabi ko gusto ko lang itanong sa’yo. Dapat nga ikaw ang tinatanong ko niyan eh.”
“Hala mama. Ano ba ‘yan, wala akong gusto ‘don. Kahit siya na ang ituring na pinaka-hearthrob ng buong school namin, wala akong interest sa kaniya. Walang-wala po. At wala naman po akong dahilan para magka-crush ‘don, gusto ko lang pong manatiling tahimik ang mundo ko. Yung walang pino-problema po gano’n lang. Ayoko po ng mga lovelife na ‘yan. Puro pagpapaasa lang at sakir ‘yan ma.”
“Halata naman anak no. Ang dami mo pang sinabi ang simple lang ng tanong ko sa’yo.”
Magsasalita pa sana ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko.
“You have one new message request.”
Nakita ko sa notification ng messenger ko. Akala ko tuloy ‘yong GC na namin, baka may kinalaman ulit kay Dustin eh.So, tinignan ko na yung request.
Oh so Dustin? ‘Di na ‘ko nagpaligoy-ligoy kaya in-accept ko na. Tinignan ko na ‘yong message niya.
“Oh. Part ka na pala ng preparation for Campaign and Election for Student Council. Ako ang in-assign na mag-assist sa’yo bukas. See you!” Jusko. Bukas? Mag a-assist siya? Sa’kin? Totoo ba ‘to?
“Oo nga. Teka, running for president ka rin ba?” Reply ko kagad sa kaniya habang online.
“Oo Callie. Ang galing ‘di naman tayo magkaklase, ikaw pa ang napiling sumama sa’min. First time na galing sa Section B ang isang member namin, at ikaw ‘yon.”
“Ahhh... Sige. See you din!” Iniklian ko na sa sobrang kilig, at baka madulas ako sa kaniya.
Pagkapaling ko kay mama, bigla siyang ngumiti.
“Ma ano yan?”
“Wala ano ba. Gawin mo na yung dapat mong gawin.”
“Okay ma. Tutilungan ko na lang si Kath sa paglilinis po ng kwarto ko. Ang dami niya po’ng kalat eh.
Umalis na ako at pinlano ko ng magpunta sa kwarto ko para tignan kung naglilinis na siya. Ang bagal ng bawat hakbang ko kakaisip kung anong meaning nung pinag cha-chat niya sa’kin kanina. Pero naputol ‘yon ng nakita kong tumatawa si Kath habang nag ce-cellphone sa pintuan ko.
“Kath ano ba ‘yan ha? Diba pinaglilinis na kita.”
“Wait lang ate ano ka ba? This is the moment. Lilinisin ko din ‘yan.”
Nagtaka na ko sa mga ginagawa niya. Ano kayang dahilan kung bakit tawa siya ng tawa ngayon? Kaya inagaw ko na yung phone niya.
“Akin na muna ‘to! Maglinis ka muna. Tawa ka ng tawa diyan. Ano ba’ng pinagtatawanan mo?
“Sige ate. Tutal, nasa’yo na ang phone kaya JUST READ, NOTHING TO DO SOMETHING ELSE.”
Tinignan ko na. Tinignan. Tinignan. Pero, jusko ano ba’ng trip ng kapatid ko? Nalimutan kong mag log-out sa phone niya nung nakaraan pa. Tinamad ako dahil wala naman akong ka-chat eh, wala naman siyang mababasa. Kaya lang pinagbabasa na pala niya yung chat ni Dustin sa’kin kanina. Buti wala siyang pinag se-send ‘dun. Patay sa’kin ‘tong kapatid ko.
“Ikaw talaga. U-C ka!”
“Anong U-C?”
“Usisa! Gets mo? Next time ‘wag kang mangingialam ng mga usapan na ‘di mo nanan dapat basahin.”
“Ikaw kasi, ang careless mo. Malay ko bang may ka-chat ka na ate. Ang ganda mo pala, ngayon ko lang napansin. Crush mo si kuya Dustin ano? Ayieehh....”
“Hindi ha. Maglinis ka diyan.”
Naglinis na nga naman siya. Ang baliw ko ba’t di ko naalala yung account ko sa phone niya. Loko pa naman ‘yon, ang dami niyang ninja moves eh.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...