Chapter 11: Check

501 40 4
                                    

Wala na akong sinayang na oras kundi ang makita kaagad ang kapatid ko. Mapapagalitan ako ni Mama ‘pag nalaman niya ang nangyari, malalagot ako. First time lang ‘to nangyari kay Kath, kasalanan ko ‘to eh.

Tumakbo na ako ng mabilis kasi malayo nga ang distansya between hall at nung classroom niya. ‘Di ko naman inasahan na matitisod ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa mga susunod na segundo ng moment na ‘to. Pumikit na lang ako for expectating whatever happens.

Bumagsak ako....
Pero hindi sa bagay na inaasahan ko. Nasalo na pala ako ni Lance, kitang-kita ko sa mga mata niya yung sobrang pag-aalala. Nung nakita ko siya, napalunok ako bigla.

“Callie, okay ka lang?” sinabi niya iyon habang hawak pa rin ako. Kaya naman tumayo na ako para makasagot ng maayos.

“Oo. Okay na ako, akala ko talaga sa lupa na ang bagsak ko. Salamat ha.”

“It’s okay. Whatever happens, I’m just here.”

Ano daw? Ano ba ‘yan, ba’t gano’n siya magsalita? Close ba kami? Pero I’m thankful na kahit maarte siya, mabait din pala siyang tao. Hindi ko inakalang magagawa niya ‘yon sa’kin, pero salamat pa din.

“Salamat ha. Naku, tara na!”

Sabay na kaming nagpunta sa clinic. Maya-maya nang makarating na kami, nandoon ‘yong kapatid ko, tulog pa din siya kaya kinausap ko muna ‘yong school nurse.

“Ma’am ano po kayang lagay ng kapatid ko ngayon?”

“She’s fine. She is remaining unconscious right now, but there’s no severe results in her case.”

“Mabuti naman po kung gano’n. Hihintayin na lang po namin siyang magising.”

Kaming dalawa ni Lance, naupo do’n sa upuan na malapit kay Kath. Habang hinihintay namin siyang magising. Nag-usap muna kami. Grabe talaga ang pag-aalala ko kay Kath kanina, buti na lang ‘di gano’n ka-lubha ‘yong lagay niya ngayon.

“Callie, okay naman pala ‘yong kapatid mo. Maghintay na lang tayo.”

“Mabuti nga kung gano’n eh. Salamat sa pag-approach at dun sa kanina.”

“Maliit na bagay lang ‘yon ano.”

“Pa’no mo nalaman, na nawalan ng malay ang kapatid ko?”

“Kasi in-excuse ako nung isa niyang kaklase, tapos sinabi na sa’kin.”

“Ah... Dapat ako ‘yong unang pinagsabihan.”

“Alam nila sigurong nasa hall ka rin kaya, ako na ‘yong sinabihan.”

“Salamat talaga ha. Malay ko bang may side ka palang ganyan.”

“Nako, dati pa naman akong mabait eh. Akala mo lang siguro puro ako yabang.”

“Hindi naman sa gano’n pero salamat pa din.”

Maya-maya natahimik siya bigla. Parang nag-shutdown lang ang style, kaya naman ako nanahimik na rin.

Pinagmamasdan ko siya habang nakatingin sa bintana. Naalala ko tuloy nung Grade 8 ako, bumili kasi ako noon sa canteen tapos nabangga niya ako. Ang yabang niya do’n kasi imbes na tulungan niya ako, sinabi pa niyang ‘wag ako paharang-harang sa daan niya.

Pero sa totoo lang talaga, first crush ko ‘yan mula pa nung grade 7 ako. Nawala yo’n bigla nung nabangga niya ako, na-realize ko kasing ang sama ng ugali niya.

Pero ngayon naman, may pinagbago din pala.

Tapos naalala ko bigla ‘yong eksena niya kanina kay Dustin. ‘yong parang galit siya, bakit kasi? Wala namang ginagawang masama sa kaniya ‘yong tao. Kaya nakahanap bigla ako ng topic.

“Uhmmm... Lance, bakit parang ang sama ng tingin mo kay Dustin kanina?”

“Wala ‘yon. Minadali lang talaga kita, kasi baka ‘pag sumama siya, baka ‘di tayo kaagad makapunta sa kapatid mo.”

“Ahhh... Okay. Sure ka ha? Baka may galit ka do’n?”

“Wala ha. Teka bakit parang apektado ka pa yata?”

“Hindi ‘no. Masama bang magtanong? Nakaka-curious lang kasi.”

“Okay. Pero may itatanong lang ako sa’yo. Huwag ka sanang ma o-offend.”

“Sige, ano ba ‘yon?”

“May gusto ka ba sa kaniya?”

“Kanino?”

“Edi kay Dustin.”

“Ah... Doon ba? W-Wala naman.”

“Bakit parang nauutal ka? May gusto ka doon ano.”

“Wala talaga.”

“Nako. Alam ko na, crush mo siya halata naman sa mga kilos mo eh.”

“Bakit naman natanong mo ‘yan?” natatawa kong sabi sa kaniya.

“ Uhhmmm... Wala lang naman. Masama bang magtanong? Na-cu-curious lang kasi ako.”

“Mang-gagaya ka din ng linyahan eh. Nasaulo mo kaagad ‘yon?”

“Yes. Kahit nga periodic table nasaulo ko na pati yung electronic configurations ng each element.”

“Sus, yabang mo naman.”

“As usual. Pero kamusta naman ‘yong stay mo do’n? May nang-aaway ba sa’yo?”

“Wala naman. Okay lang, nakakasabay na rin ako sa kanila.”

“Anong nakakasabay?”

“Nung una kasi, wala akong kaalam-alam sa mga gagawin ko. Tapos ayun na, medyo gets ko na dahil natuturuan ako ni Dustin.”

“Ah... Okay naman pala kayo eh.”

“Huh?”

“I said, ok pala kayo ni Aubrie doon.”

“Teka, edi naka-missed ka ng klase natin?”

“Iyon na nga eh. Pero hayaan na, ‘di naman cutting ‘yong ginawa ko.”

“Salamat ulit. ‘Di ko makakalimutan ang araw na ‘to.”

“Ako din, nakatulong naman ako kahit papaano. Gutom ka na ba?”

“Hindi pa eh. Ikaw ba?”

“Medyo, pero mamaya na lang.”

Ngayon naman, biglang mulat na si Kath.

“Ate...”

“Huuyyy... Pinapakaba mo naman ako eh. Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Saan banda?”

“Ate, quiz ba ‘to? Ok naman ako, nahilo lang ako ng sobra kanina.”

“Pinuntahan ako ng mga classmates mo para makasama ko yung ate mo para makita ka,” sabi ni Lance.

“Salamat kuya Lance. Sorry, kung nag-alala kayo ng sobra.”

“It’s okay. Kalimutan mo na ‘yong nangyari. It’s great na medyo ayos na ang lagay mo ngayon.”

“Thank you talaga,” sabi ko naman kay Lance.

“Huuyyy... ate anong meron? Ikaw ha, ‘di ka nagsasabi.”

Napatawa kami ni Lance sa sinabi ng kapatid ko. Walang kupas ang kakulitan niya, masigla man o hindi.

“Siya, magpapasundo ka ba kay mama?”

“Hindi na ate. Siguro mga lunch ako lalabas dito. Pahinga lang ako ng kaunti tapos back to work na.”

“Sure ka? Hindi. Ipapasundo na kita, nawalan ka ng malay kaya hindi puwedeng magpagod ka.”

“Ikaw na bahala.”

“Tatawagan ko si mama para sunduin ka ha. Para makapagpahinga ka ng ayos.”

“Okay, sabi mo eh.”

Tinawagan ko na si mama. Nung magkausap na kami, talagang nag-aalala siya. Kaya naman pinasundo ko na, baka kasi mamaya mangyari ulit. Mahirap na, mabuti na yung sure.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon