Nangangalahati na ang proseso ng pag-aayos namin ng room. Kahit ayaw akong papuntahin ng mga co-officers ko para tumulong, ginawa ko na. Kaysa sa hindi ko alam ang gagawin sa room namin na may matinding atmosphere.
Parang gagamitin na yata nila ang first period para rito. Habang papunta ako, inaayos na nila ang ang setup ng stage. Blue at purple ang motif na ginawa nila.
"Callie, diba sabi namin, 'wag ka ng magpunta. Doon ka nalang sa inyo." Sabi sa akin ni Hubert pagdating ko.
"Jusko, dito nalang ako. Please na."
"Bakit ba ayaw mo doon sa inyo."
"Basta. Anyway, anong maitutulong ko?"
"Makakatulong ka kung hahayaan mo na kami rito."
"Sobra naman kayo sa'kin. Ipinagtatabuyan niyo ba ako?"
"Naku, sige na nga. Ayaw namin ng drama ha."
"Yes! Oh, anong gagawin ko?"
"Sound system ang susunod naming aatupagin. May sira daw na isang speaker, baka hindi natin magamit. Yung ibang teachers hindi marunong mag-ayos no'n."
"Ako ang gagawa?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ikaw."
"Edi sino?"
"Si Lance! Alam ko marunong iyon." At biglang tumigil ang mundo ko.
"Hala, paano mo naman nalaman."
"Minsan kasi nakapag-kwentuhan kami no'n tapos nabanggit niyang, tinuturuan daw siya ng tatay niya na mag-ayos ayos ng mga sirang DVDs at speakers nila sa bahay kapag free time daw nila."
"Gano'n ba? Anong gusto mong gawin ko?"
"Edi tawagin mo na siya sa room natin."
"Ano? Tatawagin ko pa siya? Ikaw nalang."
"Aba, busy ako. Ikaw na, president ka naman eh. Tsaka sabi mo gusto mo makatulong?"
"Kaya ako pa ang pupunta sa kaniya? Gano'n?"
"Oo naman. Teka, teka ano bang nangyayari sa'yo at ganiyan ka? Umiiwas ka ba..." Hindi ko na siya pinatapos.
"Ako? Iiwas kay Lance? Bakit naman huy?" Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Huli ka! Anong meron? Uusisain ko na rin."
"Wala, dali na ikaw nalang magpunta sa kaniya."
"Kung hindi mo siya pupuntahan, napipilitan kaming huwag ka ng patulungin dito." Nung sinabi niya ang dare na 'yon, no choice na 'ko.
"Jusko, oo na sige na. Pupuntahan ko na." Padabog kong sabi sa kaniya.
Ano ba naman 'yan, nagkataon lang ba ulit ito? Makailang ulit na rin na may eksena kami ng lalaking 'yun. Kainis, bakit kasi gano'n ang pang-aasar niya sa akin kanina bago ako makaalis ng room? Nakakapanibago tuloy. Bahala na nga.
Medyo hinihingal ako dahil alam niyo naman, ilang daang steps rin ang ginawa ko makarating lang sa room na 'to.
Nasaan na si Lance? Hinahanap ko siya sa room pero wala naman. Tumigil muna ako rito sa corridor para hintayin siya baka kasi kung saan lang nagpunta iyon.
"Anong klaseng buhay 'to? Baka lang kasi nag a-assume ako kay Lance eh. Malay ko ba kung anong meaning no'n. Ewan ko na, basta." Sabi ko sa sarili ko.
"Anong meaning?" May nagsalita bigla sa likod ko. Narinig yata niya yung mga pinagsasabi ko ngayon.
Pagkaharap ko, si Dustin naman.
"Ahmmm... Wala, si Lance nga pala?"
"Are you sure na wala?" Pagdududa niya.
"Wala iyon, nasaan na nga si Lance? Kasi, kailangan siya roon kasama ng mga co-officers ko para ayusin yung sirang speaker na gagamitin."
"Nasa room siya kanina."
Bigla kong napansing may tumatakbo pataas ng hagdan at nakita ko na ang hinahanap ko.
"Callie, nandiyan ka pala. Nagkasalisi na tayo, tara na." Sabi sa akin ni Lance, gaya ko mukhang hiningal rin siya.
"Saan kayo pupunta?" Tanong sa akin ni Dustin.
"Sa quadrangle lang." Sagot ko.
"Okay."
Umalis na rin kaming dalawa kaagad at minamadali ako ni Lance. Mabilis tuloy kaming nakapunta ng quadrangle para kay Hubert.
"Bakit 'di ka na bumalik kanina sa pagtulong sa amin?" Tanong sa akin ni Lance.
"Eh ikaw? Sinusundan mo ba 'ko?"
"Susundan ba kita? Malay ko bang nautusan ako ni mam tapos nakita ako ni Hubert."
"Okay." Tipid kong sagot.
"Hindi pa 'ko tapos, bakit nga hindi ka na nakabalik?"
"Ewan ko, hindi ko matandaan eh."
Nung nakita na kami ni Hubert naputol ang usapan. Niyaya niya na si Lance na ayusin yung dapat niyang gawin. Ako naman, sumama sa mga co-offs ko para ayusin yung tables dito sa stage at lagyan rin ng mga table cloths. Mabuti nalang tanda ko kung papaano yung mga type ng pagtatali nito. Naranasan ko ng matutunan ito, Grade 6 palang.
Habang nag-aayos kami, nakikita kong tulong-tulong na yung mga magkaka-grade level na ikabit at gawan ng paraan na maisabit lahat ng banderitas na ginawa nila. Napakabilis na talaga ng mga pangyayari, paano nila nagawa iyon agad-agad.
Then, bigla naman akong binati ni Ms.Lopez.
"Hi Callie! Great job itong mga ginagawa ninyo. Tignan mo, sama-samang nakikiisa ang lahat. Maganda itong naisip mong fest dahil maraming matututunan ang lahat ng mga students."
"Gano'n po ba? Maraming salamat po!"
"I'm hoping na magiging maayos itong fest na gagawin ng buong school. At least, makakabawi-bawi na rin tayo roon sa issue na nagawa natin noon."
"Kaya nga po, gano'n din sa'kin mam. Thank you po sa pag a-appreciate."
"Siyempre, ilang araw na walang tigil ang paghahanda niyo sa lahat ng 'to."
"Maraming salamat po talaga sa inyo."
"Sige, Callie pupunta lang ako sa office."
Nagpaalam na rin si mam sa akin. Nakaka-inspire tuloy lalo yung mga sinabi niya sa'kin. Mas lalo ko pang bibigyan ng efforts lahat ng 'to.
Dumating na rin sina Kyan at Aubrie para dumito muna. Siguro, tapos na sila mag-ayos ng classroom.
"Callie, nakita naming kinakausap ka ni Ms.Lopez kanina. Anong sabi sa'yo?" Tanong sa akin ni Aubrie.
"Ahmm... Ano lang naman, positive yung mga sinabi niya sa akin kanina regarding sa mga ginagawa ng lahat for the school fest."
"Naku, proud na proud iyon kasi first time na nagkaroon ng president na galing sa eskuwela niya, sa Section B." Sabi rin ni Kyan.
"Ang bilis talaga ng mga nangyayari sa paligid ano? Parang naka time lapse lang. Halos naka-setup na rin ang lahat." Kwento ko sa kanila.
"Nga pala, kailangan rin nating magkaroon ng ilang copies sa pinaka-magiging format ng fest."
"Oo nga 'no. Sige mamaya, magpapa-xerox na tayo." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...