Nagpatuloy na rin kami sa pag-gagawa ng flyers. Jusko, halatang-halata nila na talagang wala akong alam sa mga pinapagawa sa’min. Minsan na O-O.P. na rin ako ‘pag may mga convo sila. Pero kahit gano’n kaya ko namang tiisin ang atmosphere dito so loob.
As usual, wala naman akong kinakausap sa ngayon. Hindi ko priority na makipagdaldalan sa iba. Speaking of kadaldalan, yung ibang babae dito sa loob, ang bilis ng break. Nakakainom na kaagad ang mga ‘yon ng kape. Habang tinitignan ko sila, unti-unti akong napapayuko dahil, parang ako ang topic nila. Bakit naman? Wow, ngayon ko lang na-feel yung pinag-uusapan ha. Natatakot ako, baka mamaya kung ano yung marinig ko paglabas.
Halos naituro naman na sa’kin ni Dustin ang lahat. Naghahalang na lang kaming dalawa sa pag ta-type. Nakakapagod din palang ilang oras kang nakaupo ano?
Habang ako pa rin ‘tong nag-aasikaso ng dapat ma i-print mamaya, nako, nakaubob na naman siya. Alam niya naman sigurong ngayon na gagawin lahat ng ‘to, eh bakit parang hinang-hina siya. Bahala na nga, keri ko namang matapos ‘to.
“Callie, break na!” sabi nung isang babaeng kasama namin.
Sa pagkakataong ‘to, parang instant gising si Dustin. Pag-usapang pagkain din ba, game na game siya? Hala, i-sa-sakripisyo ko yung katakawan ko ngayon. Pa’no na? Jusko.
“Callie, sige diyan ka muna. Lalabas lang ako.”
Wow. Alis kaagad ha. Samantalang ako halos pagpawisan sa mga pakanang ito. Kanina pa kaya akong gutom! ‘Di ko na lang pinapahalata, nakakahiya eh.
No’ng hindi ko na kayang gumawa, nagpahinga muna ako. Tutulog sana ako nung makita kong nag-blink yung phone ni Dustin. Accidentally kong nabasa yung message notification.
“Okay sige. Ayoko na rin. Pareho naman na tayong hirap ea. It’s better to end those connections we’ve made between us. Kasi, tapos na tayo.”
Naku, ‘di ko trip maging chismosa! First time ko lang maging usisa sa mga gano’ng bagay.
Pero ok din ha. At least nalaman ko kung bakit nanghihina siya kanina pa. Nag-patay malisya na lang ako na wala akong nakita para ‘di ako mapaghalataan. Nag-type na lang ulit ako.
Maya-maya nakarating na rin siya.
“Callie, oh ibinili na rin kita.”
“Ha? Kaya ko namang bumili ng sa’kin eh. Nag-abala ka pa,” pa-beauty kong sagot.
“Pabebe naman nito. No choice ka rin naman na kaya kainin mo na ‘yan.”
Ibinili niya ako ng isang balot na popcorn, piattos at nova, with extra sprite pa.
“Nakakahiya naman oh. Wait.”
Hinablot ko na yung pera ko sa bulsa para i-abot sa kaniya. ‘Di ako nagpapalibre sa kahit na sino.
“Oh, ito, kunin mo na. Bayad ko ‘yan. Hayaan nang may sumobra, ikaw naman ang bumili eh,” pagpupumilit ko.
“Jusko. ‘Wag na, para tapos ang problema...” Binuksan niya na ‘yong mga pagkain.
“Oh, kainin mo na ‘yan. Bukas na baka mapasukan ng hangin. Dali.” Demanding din pala ‘to, pati pagkain ko pinabibilisan.
Wala na ‘kong choice kundi kainin yung mga pa-libre niya. Habang kumakain na kami, doon niya na napansin yung phone niya. Maging suspicious kaya ‘yon?
“Nabasa mo?” bigla niyang tanong sa akin.
Bago ako nakasagot, uminom muna ako. ‘Di ko alam ang sasabihin dahil, kita ko sa expression ng mukha niyang nakakahalata sa’kin.
“Uhm... Nabasa ang alin? Wala ha, busy nga ako dito eh. Tsaka ‘di ko trip magbasa ng mga personal messages na ‘di para sa’kin.” Mukhang nagdududa pa talaga siya.
“Oo at hindi lang ang sagot, ang dami pang sinabi.” Bigla siyang tumalikod sa harapan ko.
Nako, mukhang galit yata siya sa’kin. Jusko.
“Oo. Nabasa ko.”
Pagkasabi na pagkasabi ko, wow. Talagang harap sa’kin. Akala mo kinuryente.
“Tapos?”
“Wala. Nabasa ko lang. Napansin kong nag-blink ‘yong phone mo nung ako’y magpapahinga na sana. Accidentally na nabasa ko. Sorry,” pag-amin ko..
“Alam mo na kung bakit?”
“Kung bakit parang nanghihina ka?”
“Oo.”
“Oo nga. Teka sino ba ‘yon?” Bigla siyang napatawa. “Oh, may nakakatawa ba sa sinabi ko?” dagdag ko.
“Wala. Yung nagsabi ng break kanina. Siya ‘yon.”
“Ano? Yung tumawag sa’kin na parang na misinterpret ko pa?”
“Oo.”
Jusko. Kasama pala namin yung tinutukoy niya. Malay ko bang siya ‘yon, pero ang galing. Totoo nga yung meaning sa akin nung sinabi niyang break na daw. Ang hirap gumalaw ngayon dahil nasa iisa kaming lugar.
Pero, mukhang mabait naman siya, panay ngiti sa’kin. Pero ako kahit ‘di ako makipag-usap, na o-observe ko naman ang ugali niya. Sana naman at tumpak yung first impression ko sa kaniya.
Ano ba ‘yan. Unang day ko pa lang dito, ang dami ko kaagad nalaman. Ang bilis ng mga pangyayari, ‘di ko ma-imagine na nandito ako ngayon. Ano ba kasing trip ng panahon, para ma-involve ako sa kaganapan ng mga buhay nila? Bahala na nga.
“Huy!” sigaw sa’kin nung katabi ko. Siyempre si Dustin lang naman ‘yon.
“Ayyy... Bakit? Sorry.”
“Ikaw? Wala ka bang balak magkuwento naman sa’kin?”
“Ano namang iku-kwento ko sa’yo? Eh wala namang nangyayari sa buhay ko diba.”
“Sure ka?”
“Oo naman.”
“Let me be the one to ask you. Walang nangyari sa’yo ngayong araw?”
“Wala naman. Bakit mo natanong?” Medyo weird to be honest.
“Tinignan ko lang kung may masasabi ka sa mga ginagawa nating preparation ngayon.”
“Uhmmm... Medyo mahirap at nakakapanibago. Baguhan lang eh.”
“Eh sa’kin?”
“Huh? Ba’t mo naman natanong ‘yan?”
“Wala lang,” tipid niyang sagot.
“Uhmm... Ok ka naman eh. Ang dami ko ngang natutunan.”
“Thankful akong nakasama ka namin dito, para naman may makilala akong bagong schoolmate.” Namamangha naman akong napatitig sa kaniya.
“Thankful ka pa doon?”
“Oo naman siyempre. Dahil nakaka-enjoy lang na may ma-meet kang bago. Bagong kaibigan.” Sa ayokong mahg-isip ng ganito, bakit nakukuha pa niyang magmukhang masaya sa kabila ng fresh issues?
“Siya. Kaibigan ha? Ang bilis naman, pero it’s okay. Sino naman ako para dedmahin ka?”
Napangiti naman siya nang malaki. “Sige, ubusin muna natin ‘tong pagkain. Baka biglang langgamin.”
“Oo nga ‘no. Baka masayang pa ‘tong unang pa-treat mo sa’kin. Kasi kahapon nung nagpa-exam si Ma’am Science, ililibre daw niya yung makaka-highest. Jusko. Asa naman akong may libre siya sa akin. Eh siya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.”
“Iyan dapat. Masarap ka namang kausap, ‘di mo lang siguro napapansin.”
“Ay, nako kakainin ko na lang ‘to.”
Sarap ko pala kausap? Sa bagay...
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Genç KurguMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...