Nakarating na kami ni Lance ng room, yung tingin sa akin ng mga kaklase ko ibang-iba sa napaka-usual na tingin nila sa akin, kaya naman bigla akong nanibago sa kanila.
"Uhmmm... Bakit?" Tanong ko sa kanila.
Pare-pareho pa rin silang nakatingin sa akin.
"Bakit?"
Sabay may lumapit sa akin na kaklase kong babae.
"O...M...G... Callie! Ano? Kinilig ka ba?"
"Hindi naman." Inosente ko uling sagot.
"Sa tingin mo ba kapani-paniwala iyang sagot mo sa amin? Callie, uuuyyy... Luma-lovelife ka na nga!" Sabat nung lalaking classmate ko sa usapan.
"Totoo naman eh. Bakit ba gusto niyong itanong sa akin yan?"
"Syempre, kauna-unahan kang babae na nalapitan ni Dustin ng gano'n. Prinsipe namin siya eh."
"Malay ko ba? Tsaka hindi ko naman inasahan na mangyayari iyon."
"Ang lucky mo. How to be you po?"
"Siya, siya. Tama na, maglinis na lang tayo."
"May gusto ka ba kay Dustin?" Tanong nung nasa likuran ko, nakakabigla at si Lance mismo ang nagtanong sa akin ng gano'n.
"Uhmm... Wa-w--a--la naman." Mautal-utal kong sagot sa kanya. Halatang seryoso siya eh.
"Okay. Tapos na ang usapan nating lahat, kaya maglinis-linis na tayo." Sabi niya ulit.
Nag-agree naman ang lahat nung time na maglilinis na sana kami, may biglang nagsalita sa pintuan namin.
"Pwede bang makausap sandali si Callie?" Pagkalingon ko, si Dustin na naman.
Talaga bang ayaw kaming paglayuin ng destiny. Hahaha... Lakas ko talagang mag-assume.
Walang nakasagot ni isa sa kanila dahil pare-pareho silang natulala, except sa boys alangan namang maki-'stop the moment' sila.
Jusko, inaasar na nila ako.
"Callie, lapitan mo na. Nandiyan na ang sundo mo."
"Oo na." Padabog kong sagot.
"Ayyyiiieeehhh.." Sabay nilang asar sa akin habang naglalakad ako papunta ng pinto.
Para silang army ng kapatid ko sa pang-aasar sa akin. Ano ba naman kasing trip nila?
"Callie, inaasar ka pala nila. Nakakatawa yung itsura mo." Sabi sa akin ni Dustin.
"Pati ba naman ikaw?"
"Joke lang naman. Baka makabawas pa sa ganda mo. Mahirap na."
"Bahala ka na nga diyan." Umalis na ako.
Pero.....pero....perooooo-o-o...
Napigilan niya ako, time 'yon na hinawakan niya ang kamay ko na naman.
Yung reaksyon ng mga kaklase ko ah. Halos patalon na patalon na sila eh, nagpipigil lang talaga. Natulala na naman ang mga ewan. Napatingin naman ako sa direksyon ni Lance, kita ko sa mukha niya na parang biglang na-disappoint. Napahawak kasi siya sa noo niya.
Nung magkatinginan kami, biglang iwas-tingin naman siya sa akin. Nag-aalala ako sa kanya, pero kailangan ko na muna yatang kausapin si Dustin.
"Bakit ba aalis ka kaagad? Hindi pa naman tayo tapos eh. Ikaw ha, ang bilis mo namang mapuno."
"Masanay ka na dapat. Ano ba kasing sasabihin mo sa akin?"
"Nga pala, cancelled ang pagpunta natin sa hall mamaya kaya, stay in lang tayo sa mga kanya-kanya nating rooms."
"Ah, okay. Hindi ko naman ma mi-miss ang pang-aasar mo sa akin."
"So ako yung ma mi-miss mo?"
"Asa ka naman." Nakasimangot na ako ngayon.
"Siya, makaalis na nga. Baka mamaya haggard ka na naman niyan."
"O sige na."
Nagpaalam na siya pero ang isa pang nakakainis, parang tawang-tawa siya sa mga sinabi niya sa akin. Agang-aga niyang mangloko, jusko at nasabayan pa ng mga kaklase ko.
Si Lance nga pala, kakausapin ko muna siya.
Naglilinis siya ng mini laboratory ng room namin kasama yung mga ka-group niya.
"Lance, tara mag-usap." Sabi ko sa kanya.
"Bakit?"
"Basta. Tara na." Sa pagkakataong 'to ako na ang humila sa kanya. Baka kasi may nagawa akong mali eh.
Nung makalabas na kami, tinanong ko na siya ulit.
"Lance okay ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit mo naman natanong sa akin 'yan?"
"Napansin kasi kita kanina, bakit parang disappointed ka?"
"Ha? Ako? Disappointed? Hindi naman."
"Alam kong disappointed ka. Huwag mo ng itanggi."
"Nagbago ka na." Sa sinabi niyang 'yon, nabigla na ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi dati, wala kang pinapansin sa aming lahat na para bang papel at ballpen lang ang kausap mo. I'm glad na nagpapakita ka na ng concern sa akin, sa amin."
"Ah... Wala naman 'yon. May mga problema ba?"
"Wala naman eh."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman."
"Alam kong may problema ka, pero 'pag may time ka sabihin mo naman sa akin."
"Okay. Salamat sa concern."
"Napansin lang kasi kita kanina, kaya gusto ko lang malaman kung bakit gano'n ang reaksyon mo."
"You have nothing to think about me."
"Okay. Sige magpatuloy ka na sa paglilinis, alam mo naman yung mga kaklase natin, mga sigurista."
After no'n umalis na siya, kaya pumasok na rin ako.
_____ /_______/______/
Lance's P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit nga nagkaganoon na lang 'yung reactions ko about what happened a while ago. Maski ako, naguluhan na pero nagulat ako nung nilapitan na ako ni Callie. Talagang nakita ko sa kaniya yung malaking pagbabago. Hindi ko inasahan na lalapitan niya ako at tatanungin kung bakit iba yung itsura ko kanina habang pinipigilan siya ni Dustin.
I've never felt this things before pero bakit nangyayari ito? Bakit kapag nakikita kong magkasama sila, kung anu-ano ang nararamdaman ko.
Si Callie. Mula nung una, nasanay na ako sa ugali niyang para bang walang pakialam sa mundo. Gusto lang niya pumasok para mag-aral lang at wala ng iba.
Aaminin ko sa sarili ko na, mula noon until now hindi pa rin nagbabago ang feelings ko sa kanya. Oo, alam ng lahat na wala akong lovelife, dahil hinihintay ko na magbago si Callie, kasi kung gano'n pa rin siya katahimik, mawawalan ng saysay lahat ng efforts ko para sa kanya.
Nalulungkot lang ako. Nung dumating na ang time na nagbago na siya, ayun parang lagi na niyang kasa-kasama si Dustin. Minsan natanong ko sa sarili ko, nagseselos ba ako? Bakit ako magkakagano'n eh, wala namang kami at wala namang sila.
Ewan ko ba. Baka umasa lang ako sa kanya eh.
Marami ng time na nagkausap kami pero halos lahat 'yon parang napaka-ordinary lang. Pero ngayon, may flow na sadya. Nahihiya lang ako na sabihin sa kanya na matagal ko na siyang gusto, ilang taon akong naging loyal sa kanya. Pero kung ano man ang kalalabasan ng lahat I have a choice to accept all of these.
May pag-asa kaya ako kay Callie?
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Roman pour AdolescentsMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...