Chapter 48: Ako?

195 13 0
                                    

Doon kami nagpunta ni Dustin malapit sa pintuan sa likod. Maliwanag kasi roon tsaka comfortable naman kami.

Kami namang dalawa parang mga ewan, hindi kami umiimik. Umisip ako ng paraan para makapagbukas ng convo.

"Huyyy... Anyare sa'yo? Naka-shut down ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhmmm... Wala lang." Tipid naman niyang sagot.

"Sure ka ba? Tungkol saan ba ito? Share mo naman sa akin." Sinabi ko iyon sa kaniya pero may kutob akong may connect ito kay Lance.

"Hayyy... By the way, okay ka na ba talaga nitong mga araw na wala ako?"

"Oo naman, wala akong cancer cells based sa observation ng mga nurse."

"Ano ba naman 'to, joke ba 'yun?"

"Naku, isa pa." Ganti ko sa kaniya.

"Inaano ba kita? Masyado itong seryoso."

"Nang-aasar ka na ulit eh. Makabalik na nga sa amin." Binalik ko lang sa kanya para makaganti ako.

"Hala. Huwag naman, joke joke lang 'yun. Hindi ka na mabiro."

"Ehe? Anyway, okay naman pala dito mukhang magiging masaya kami rito."

"Sana nga."

"Ah? Bakit naman?"

"Sabi ko oo, bingi ka na ba?"

"Nagkamali ba ako ng dinig? Pasensya na, lutang na naman yata ako. Kailangan ko ng bumili ng eye glasses."

Yung itsura naman ng lalaking 'to nakakainis. Pilit yung tawa, parang sa loob-loob niya, baka marinig ng buong school yung hagikhik niya sa pagtawa.

"Bakit ka naman natatawa?" Tanong ko.

Hindi siya makasagot, nakaiinis na! Ang matindi pa rito, tumawa na talaga siya ng malakas sa harapan ko. Bigla namang napatingin yung iba sa akin sa lakas ng tawa niya.

"Huy, nakakahiya. Hinaan mo naman iyang tawa mo, nandito tayo para mag-isip ng gagawin natin."

"Bingi ka na ba talaga? Paano magagamit yung eye glasses sa mga bingi?"

Ay, ang ewan ewan ko. Pinigilan ko nalang tumawa sa sinabi niya, pero hindi ko napigilan. Nakakadala rin kasi yung expression ng mukha niya eh. Nagmukha kaming baliw sa oras na ito.

"Tama na nga itong kalokohang 'to. Tara na mag-isip."

"Okay, pero hindi ako maka-get over sa sinabi mo. Jusko."

Wow, may pa-word 'jusko' na rin siya ngayon ha. First time kong narinig iyon sa kaniya eh.

"Tara na, bago pa ako mag-walk out rito."

"Bakit naman? Baka makakita ka ng binging naka-eye glasses mamaya pag-alis mo." Pang-aasar niya ulit sa akin.

Sa sobrang inis ko tumayo ako at nagplanong umalis sa harapan niya.

Pinigilan niya naman ako.

"Huy, sorry na. Kaya nga joke lang diba? Sige ka, manlilibre pa naman sana ako."

"Naku. Hindi mo ako madadaan sa libre." Pero gusto ko naman eh, kaya lang ang pabebe ko naman.

"Please, sorry na. Sorry ikaw naman kasi, hindi na mabiro, sorry na please." Nilingon ko siya at naawa ako ng konti dahil mukha siyang maamong kuting ayon sa itsura niya.

"Sige na. Mag-isip na kaya tayo ng unang linya, ilang minutes nalang ang natitira."

"Okay. Mag-iisip na rin ako."

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon