Chapter 26: Help

273 27 0
                                    

Baka matapos ang araw na 'to, ng may problema sa kanya at lalo na sa'kin. Bakit ba ngayon ko lang nalaman 'yon? Ayokong maging paasa dahil ayaw kong may nasasaktan akong iba. Mahirap pagka-nagkano'n.

Pero ngayon naman, wala akong ka-lovelife. Hindi ko ibig sabihin na same din ako sa nararamdaman niya. Nako, bakit ngayon pa kasi? Sana nasabi na niya sa akin noon pa eh. Pero ang main focus ko naman kasi pag-aaral. Haaayyy... Nalilito na ako sa mga dapat kong gawin, ano kakausapin ko na ba siya tungkol sa notebook na 'to o dedmahin ko lang ulit?

Bahala na. Gusto ko naman na hindi kami magka-iwasan ng dahil sa notebook na ito.

Nung mga nakaraan na ang mga ilang subjects namin, hindi pa rin ako mapakali dahil naguguluhan ako sa mga dapat kong gawin. Kailangan ko muna ng makakausap para naman, makakuha din ako ng idea para naman malusutan ko ang problemang ito. Jusko.

May feel na akong pwede kong kausapin si Aubrie. Baka naman kasi matulungan ako no'n eh.

Nakita ko siyang nakatayo lang sa pintuan namin, nasa'n na kaya yung iba niyang kasa-kasama? Baka naman nasa labas lang, kaya dapat ko na nga siyang hingian ng tulong para naman dito.

"Aubrie." Natataranta kong tawag sa kanya.

"O, bakit? Mukhang hesitated ka naman yata?" Tinanong niya iyon sa akin habang nagtataka.

"Ano kasi, wala kang sasabihan tungkol dito ha. Atin-atin lang muna ito, hihingi ako ng tulong sa'yo."

"Para saan? May problema ba?"

"Iyon na nga eh, may problema."

"Ano? Dali, dali sabihin mo sa akin hangga't wala pang ibang nakatambay dito."

"Ano kasi, may nagsulat sa notebook ko. O eto basahin mo para klaro sa'yo." Inabot ko na yung math notebook ko sa kanya para malinaw.

"Sige akin na, babasahin ko."

Pinabasa ko sa kanya muna yung unang part.

"Anong meron dun sa late?" Tanong niya sa akin.

"Nabasa ko iyan matapos ang flag ceremony natin nung last monday."

"Nung na-mention ka sa pilahan? Hahaha..."

"Hindi ka rin maka-move on eh."

"Joke lang naman. Tapos anong nangyari?"

"Hindi ko na pinansin kung sino man ang nagsulat niyan, dahil baka pagka-aksayahan ko lang ng oras ang mga trip niya sa akin."

"Then?"

"Kanina naman, bago mag-start ang first class naten, napakwento naman ako sa mga katabi ko. Napag-usapan namin yung reaksiyon ng mukha ni Lance kanina nung pinipigilan ako ni Dustin nung aalis na sana ako sa harapan niya."

"Oo nga, nakita ko 'yun kanina pero hindi ko na lang tinanong kung bakit. Ikaw ba? Nakausap mo siya?"

"Oo. Sabi niya wala naman daw siyang problema eh, 'wag ko na lang daw isip-isipin."

"Ah... Balik tayo ulit. Nasaan na nga ba tayong part?" Tanong niya.

"Wait, iisipin ko. Alalahanin mo rin para ma-refresh ng konti."

"Okay."

Napatigil kami ng konti sa pag-iisip.

"Alam ko na! Nung bago magsimula ang first class natin kanina."

"Ya, oo nga. Edi napag-usapan namin siya, napunta naman kami sa usapan nung ballpen ko naman ang nawawala after recess that day na mag e-exam tayo sa Science. Diba na sa'yo yung ballpen ko no'n?"

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon