Christmas Break na, salamat naman at makakapagpahinga na rin ako. May lakad sana kami ngayon ni Dustin pero nagbabadya namang umulan. Ilang buwan na rin ang dumaan matapos yung mga memorable days na nangyari sa akin. Let me enumerate all of those first.
Yung time na nag on-the-spot ako, hindi ko alam kung bakit ko nalusutan iyon. Doon na ako naging presidente ng school namin kaya todo kaba ako. Tapos yung School Fest, marami akong pinagdaanang hirap lalo na nung mga preparation days. Jusko. Kasama pa no'n yung Silent Sanctuary, doon ko na nalaman kung bakit sila yung guest kasi dedicated daw iyon sa mga taong tahimik dahil sa word na 'Silent' doon ko rin nalaman na may pagkababaw din si Hubert. Next is yung Gala Night na kung saan, nag-sorry na sa akin si Hazel. Sobrang saya ko rin no'n dahil makakatulog na ako ng mahimbing sa pagkaka-solve ng problema ko. Lastly ay yung kay Lance, grabe sobrang paasa ko na siguro. That time ko rin na-realize na si Dustin talaga yung gusto ko. Yung kay Lance parang pinagtagpo lang pero hindi itinadhana. Pasalamat nalang ako at naintindihan niya lahat ng nararamdaman ko na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa.
Nasa bakasyon grande si Lance ngayon kasama ang pamilya niya. Hindi siya magpapasko dito. Bihira na nga lang kaming mag-usap pagkatapos lahat ng nangyari, I hope na matatanggap niya iyon.
Mag-isa lang ako dito sa bahay, kasi nasa mall sina Mama para sa ihahanda namin para bukas. Kahit super late na, naglakas-loob pa rin silang bumili.
Yung mga kaibigan ko naman, may kaniya-kaniya rin sigurong lakad. Napadalas naman na ang pagluluto ko ngayon ng cupcake, nanalo kasi si mama ng oven mula doon sa pa-raffle last month. Tinuruan niya ako kung paano magluto dahil may experience siya. Gusto kong bumili tuloy ngayon sa bagong bukas na pastry shop malapit sa amin, naubusan na kami ni mama ng ingredients eh.
Wala akong maisipang gawin kaya nanood muna ako ng TV. May replay kasi ng Your Name anime movie. Papanoorin ko pa rin dahil gusto kong malaman kung paano yung flow ng story. At least, nakakapag-analyze ako kahit papaano.
(During the climax...)
Woahhh... Bilisan niyo mawawala na ang twilight!
Nakatutok pa rin ako na parang first time ko lang din nakapanood. Hindi ko na namalayang nag ri-ring itong phone ko. Si Aubrie pala itong tumatawag.
"Callie!" Mataas na tonong narinig ko mula sa kaniya.
"Bakit?" Curious kong tanong.
"Si- si Dustin..." Nauutal niyang sagot sa akin. Bigla namang nag-iba yung pakiramdam ko.
"Bakit? Ano bang nangyayari?"
"Nagkabanggan."
"Ano? Sige ano bang lagay niya?" Taranta kong sagot.
"Tumatawag pa kami ng ambulance eh. Bilisan mo."
Agad akong umalis ng bahay, ni hindi ko na nagawang patayin yung TV sa pagmamadali. Bakit? Sana walang mangyari pang masama sa kaniya, baka kasi hindi ko kayanin.
Sumakay na agad ako ng tricycle. Nag-text ulit si Aubrie sa lugar kung saan naroon siya. Magkakasama raw sila nina Kyan at Hubert.
Habang nasa sasakyan pa ako, nakita ko namang naka-motor si Lance. Wala man lang helmet, baka pati siya maaksidente. Pero bakit siya nandito? Bahala na. Si Dustin ang dapat ko munang unahin.
Pumunta na ako sa lugar kung saan iyon ang ti-next sa akin ni Aubrie. May mga taong dumadaan sa paligid ko na nagpadagdag ng pagtataka ko sa tunay na nangyayari.
BINABASA MO ANG
If I Were The President
أدب المراهقينMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...