Chapter 73: Mala-mala

147 12 0
                                    

Walang nagawa ang iba kundi umalis sa court, nang humina-hina ng kaunti ang ulan. Nawalan kaming lahat ng gana dahil basa rin talaga dito sa loob.

Bumalik ako ng room kagaya ng ginawa ng iba. Sayang, excited ulit ako para makapanood ulit. Nandito na rin yung mga kaklase ko, halos lahat kami badtrip dahil sa ulang iyan. Wala rin naman kaming magagawa, jusko naman.

Pagkaupo ko, naglalaro ng minecraft yung dalawang katabi kong sina Aubrie at Lance. Para may magawa naman ako, nagwalis muna ako malapit sa pintuan ng room namin.

Habang kinukuha ko naman yung walis, bigla na lang nagpakita ulit sa harapan ko si Dustin.

"Calle, pwede bang mag-usap na tayong dalawa?"

Nagdadalawang-isip na ako ngayon kung papayag ako o hindi. Matagal-tagal akong nag-isip, at napagdesisyunan kong pumayag na. Handa naman akong makinig sa mga gusto niyang sabihin sa akin eh.

"Okay, saan tayo pwedeng mag-usap?" Sabi ko.

"Thank you ng marami. Siguro it's better kung sa corridor nalang."

"Pasalamat ka, pumayag pa ako."

Kahit na hindi ganoong buo ang loob kong kausapin siya, ginawa ko pa rin.

"Ahmmm... I don't know how to start."

"Niyaya mo ko, tapos..."

"Wait. Yung kanina, yung sa sobre. Huwag mo na rin munang sasabihin sa iba na si Hazel ang kumuha."

"Ano? Pagsabihan mo naman." Biglang tumaas ang level ng blood pressure ko.

"Calm down. Kinausap ko na siya kanina about that. Mabuti nalang ako ang nakakita sa kaniya kanina habang pinapalitan niya yung sobre na nasa file case mo."

"Ahh... Kaya pala. Para hindi siya ulit ma-expose gano'n?"

"No, para wala ng gulo ulit. Ayoko munang palakihin iyon. Alam ko rin naman na sa mga ginagawa niya, napapagod ka na rin."

Siguro, okay kung ngayon ko na rin sabihin yung nasa loob ko. Doon na kami nag-usap sa hagdan dahil nagiging seryoso na ang usapan. Alam kong magtataka rin ang ilan kung bakit magkasama kami.

"Buti naman, naisip mo 'yan. Naisip mong pati ako, matagal ng napapagod."

"And I'm sorry kung ganiyan ang nararamdaman mo. Alam kong sa tingin mo hindi na ako yung Dustin na una mong nakilala."

"Iyon na nga eh, alam mo ba nung time na sinabi ni Hazel na sinaktan ko siya, talagang naguguluhan ako. Bakit hindi mo na muna inalam yung nangyari. Gumising ka naman. Hindi ko magagawang saktan ang kahit na sino sa kabila ng mga kasalanang nagagawa nila sa akin."

"I don't know kung bakit ako nagkaganoon."

"Tapos, dinuro-duro mo pa ako ngayon. Pasalamat ka, kahit na ang dami mong nagagawang mali, nandiyan pa rin kaming mga sumusuporta sa'yo. Napansin mo ba 'yun? Yung mga estudyante ikaw pa rin ang laging hanap-hanap sa kabila ng mga nangyari."

"Callie, humihingi na ako ng tawad sa'yo. Sa mga kaibigan mo, kina Lance at Aubrie. Hindi ko rin sinasadyang pagbuhatan ka ng kamay nung mga araw na 'yun. Nagkamali ako."

"Oo, buti nasasabi mo pa 'yan. Bakit pa kasi kailangang sundan lagi si Hazel?"

"Kasi, gusto ko ring protektahan siya sa mga taong gustong gumanti ng masasamang salita against her. Hindi naman pagkukunsinti 'yun eh. Alam kong may chance pa siya to change herself."

"Pero, tignan mo yung ginawa niya kanina. Kung talagang pinoprotektahan mo siya, bakit hindi pa rin niyang magawang magbago? Naguguluhan pa rin ako sa'yo. Hindi ko makuha yung tunay na punto mo."

"Naisip ko na rin 'yan kanina. Kaya ko siya sinigawan dahil gusto kong malaman niya na bakit ikaw pa ang dapat niyang pagbalingan ng lahat ng galit. Kasalanan ko kung bakit kami nag-break. Sorry talaga."

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko pa alam. Pero gagawin ko lahat para mapatawad mo na ako. Alam kong mahirap pero I'll do all I can, para sa'yo."

Natahimik nalang ako sa sinabi niya.

"Sana mangyari iyon, bago ako umalis." Bigla nalang siyang napaiyak.

"Aalis ka?"

"Oo, pag-aaralin ako nina mama sa New York. Sama-sama na kami roon."

"Ano? Pero babalik ka pa?"

"Siguro, pero baka matatagalan pa."

"Okay."

"Kaya gusto ko bago mangyari iyon, maging okay na rin tayong dalawa."

"Hindi ako madamot sa pagpapatawad pero may mga kondisyon ako para sa'yo."

"Sige, ano ba 'yun?"

"Gusto kong magkaayos na muna kayong dalawa ni Lance. Kasi alam mo, nahahalata ko na talagang may gap sa pagitan niyo eh. Sabihin mo nga sa akin, ano ba talagang problema?"

"Iyon din ang hindi ko alam, siya ang tanungin mo tungkol diyan pero ang masasabi ko sa'yo, dati kaming magkaibigan, nawala iyon bigla sa rasong hindi ko pa alam."

"Okay. Sana gawin mo."

"Oo, salamat din sa time."

Pinipigilan ko lang ang sarili kong maawa sa kaniya. Baka kasi lalo na siyang ma-down pa kung ipahahalara ko pa.

"May gusto pa akong idagdag para magkaroon na rin ako ng peace of mind kahit papaano." Sabi niya.

"Ano?"

"Thank you dahil kahit na may nangyaring masama sa pagitan natin, nandiyan ka pa rin para makinig sa sympathy ko. I like you..." Tapos na ba yung pagsasalita niya. Napalunok nalang ako bigla.

"Ano?" Tanong ko.

"I like you as a friend."

"Ano? Seryoso ka ba?"

"Oo. Friend nga di'ba."

"Ahhh... Salamat din kung gano'n, pero huwag ka muna mag-expect na madali lang ang lahat para sa'yo. Mala-mala palang. Gawin mo muna yung dapat mong gawin."

"Tama ka, you have a point. Sorry na ulit."

"Siya, tara na."

Hindi ko ipinagdadamot ang pagpapatawad sa nagawa niya, pero naisip kong ayusin niya yung gusot sa pagitan nila ni Lance para ma-solve na. Hindi sa nangingialam pero hindi rin ako comfortable kung pinang-gigitnaan nila ako.

Una akong pumasok ng room para hindi mapaghalaataan. Hanggang sa makaupo na ako ng upuan, hindi ko inaasahan. I didn't expect na sa kabila ng mga nangyari, parang natural lang lahat ng sinabi niya.

"Makikilista raw ng pangalan." Sabi sa akin ni Aubrie. Lutang na ako.

"Lutang ka 'no?" Habang inaabot niya sa akin yung papel na paglilistahan ng names para sa Youth Camp.

"Ewan ko lang."

"Hay, by the way sana magkasama tayong bumili ng gamit for the camp."

"Sige ba."

Nakaka-excite na rin ang pakanang ito. Sana pagkatapos ng camp, ayos na ang lahat. Tsaka sana din maging okay na sina Lance at Dustin.

Tiwala lang tayo.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon