Garden feels...
Ewan ko ba, siguro naman hindi ito ang tamang time para isipin ko iyan. Nalilito ako sa kanilang dalawa dahil ito namang si Dustin, hindi ko pa nakakausap magmula pa noong ma-special mention niya ako. Bakit naman kaya?Matapos ang iba naming mga kaklase, muntik ko pang makalimutan yung pag-uusap namin mamaya ni Kyan. Hihintayin ko nalang muna siyang dumating.
Habang naghihintay naman ako, naisipan kong makipag-usap kina Lance at Aubrie para makausap namin ang mga kaklase namin tungkol sa paglipat namin bukas.
"Lance, pwede bang kausapin natin sila para naman maging pormal yung pagpapaalam natin sa kanila para bukas?" Tanong ko.
"Oo nga, para mas lalong maging okay sa kanila ang pag-alis natin." Sabi ni Aubrie.
"Pwede naman, habang wala pang ginagawa ang mga kaklase natin bakit hindi pa natin sabihin ngayon?" Tanong ni Lance.
"Ngayon na agad?" Tanong ni Aubrie kay Lance.
"Oo, para hindi sayang ang oras."
"Okay. Tara na." Pagyayaya ko.
Pumunta na kami sa unahan para masabi namin sa kanila ng maayos. Napakahirap para sa amin ito, pero dapat lang naming gawin eh.
Ipinaliwanag namin sa kanila kung bakit kami pumayag at naging buo ang desisyon namin, para mas klaro sa kanila.
Halata namang malungkot ang lahat, pero suportado naman daw nila kami. At masaya naman kami para doon. Para mas maluwag naming matanggap na kailangan naming gawin ito.
Maya-maya nung nakatapos na kami, biglang dumating si Kyan. Napagpasyahan ko namang mamaya nalang kumain pagkatapos naming mag-usap dahil ako nga ang sadya niya rito.
Lumabas na ako para makausap ko na siya.
"Callie, pwede ba munang doon tayo mag-usap sa hall?"
"Okay. Ano ba munang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Doon ko na lang sasabihin."
Pareho naman kaming nagpunta ng hall, wala namang tao kaya makakapag-usap kami ng ayos.
"Callie, pumapayag ka na sa pagka-president?" Nabigla naman ako sa tanong niyang iyon.
"Hindi ko pa rin alam eh. Naghahanap lang ako ng sign."
"Sana pumayag ka na, malaki ang tiwala namin sa iyo. Alam naming kaya mong magampanan iyan dahil may experience ka na diba?"
"Ano? Paano mo nalaman?"
______/_______/_____/_____/
[FLASHBACK]
Author's P.O.V.Four years ago, isang buwan matapos na manalong president sa Student Council noong elementary, hinarap ni Callie ang hindi kapani-paniwalang paratang sa kanya ng buong school. Grade 6 siya noon nung nangyari iyon, habang tumatakbo siya bilang presidente.
Active talaga siya sa lahat ng clubs, marahil kilalang-kilala siya ng lahat ng mga estudyante noon.
May oras na marami silang mga candidates sa loob ng convention hall para maglunsad ng meeting. At isa na rin doon si Kyan.
Habang nakatipon lahat ng estudyante, nautusan si Callie ng kapwa niya candidate na i-save ang isang file na naglalaman ng mga data para sa mga bilang ng boto na nasa Student Council Office. Sinabi nito na ipinag-uutos iyon ng isang teacher, dahil si Callie lang daw ang pinaka-mapagkakatiwalaang umasikaso no'n.
"Hala, siguro naman walang mawawala dito. I se-save lang naman eh." Sabi ni Callie habang nagpipi-pindot sa computer.
Eventually, kasama si Kyan sa nagkaroon ng masamang intensyon dahil kasama siya sa partidong pinakamainit na kalaban ni Callie.
Mas nauna siya kay Callie na pumasok sa office. Sa sobrang laki, maraming pwedeng pagtaguan. Habang binubuksan na ni Callie yung file na hindi naman talaga intended na buksan niya, kinukuhanan na siya ni Kyan ng video sa cellphone.
Iyon ang pinagmulan ng lahat. Nang makaalis na si Callie, siya naman itong nangialam sa computer.
"Paniguradong, sirang-sira ka na sa lahat. Ano kayang mangyayari sa'yo ngayon Callie? Mapahiya ka kaya?" Sabi niya sa sarili niya.
Pinalitan niya lahat ng number of votes ang mga candidates sa presidential race. Inilipat niya ito sa pangalan ni Callie para magmukhang napakalaki ng lamang niya sa mga kalaban.
Nagpatuloy naman ang meeting sa labas, ngayon na sasabihin ang nanalo. At si Callie na ang hinirang na president sa pinakabagong school year.
Nagampanan naman niya ang kanyang mga tungkulin sa loob ng isang buwan lamang.
Doon na nagsumbong yung grupo nina Kyan. Matibay ang ipinakita nilang video na naging dahilan ng impeachment sa kanya noon. Hindi makapaniwala ang lahat sa bintang na hindi naman talaga niya ginawa. Bigla siyang kinamuhian ng marami.
"Alam mo ba na sa ginawa mo, nasisira na ang image ng school natin? Nakaka-disappoint ka."
"Mam, maniwala po kayo. Hindi po totoo iyan."
Sa stage pa talaga siya kinausap sa harapan ng mga estudyante. Kahit anong pagtatanggol niya sa sarili niya, wala pa ring naniniwala sa kanya.
Ang masama pa sa lahat, pina-expel siya ng school dahil sa kasalanang hindi niya ginawa.
Nakakaawa na ang isang estudyanteng malinis na katulad niya, ay siya pang napagbuntunan ng lahat. Nagpakalayo-layo sila ng pamilya niya para makaiwas sa gulo. Kaya napadpad siya sa Tyrone U para mag-high school.
Ito ang dahilan kung bakit talagang kinakalimutan niya lahat ng masasamang nangyari upang maging matahimik ang buong buhay niya ngayon.
_____/_________/_______/
"Ano? Paano mo naman nalaman?" Tanong ko sa kanya.
Napakapit siya sa mga kamay ko ngayon at biglang tumulo ang mga luha niya.
"Sorry, sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon."
"Bakit ka naman nag so-sorry? May problema ba?"
"Ang tagal kong kinimkim ang pagka-guilty ko sa lahat ng nagawa ko. 4 years ago. Tanda mo pa 'yon?"
Nabigla ako sa tanong niya. Teka, kasama ba siya sa napakadilim na past ko noon na ibinaon ko sa limot?
"Ahmmm... Kinalimutan ko na talaga eh, pero oo."
"Aaminin ko, ako yung..." Hindi niya naipagpatuloy ang pagsalita.
"Yung ano?"
"Yung kumuha ng video sa'yo noon habang nasa Student Council Office ka." Talagang gulat na gulat ako ng marinig ko iyon sa kaniya.
"Ano? Ikaw?" Nagsigawan ko siya bigla.
"Kung may galit ka ngayon sa akin, tinatanggap ko dahil wala namang kapatawaran yung nagawa ko sa'yo eh."
Naiiyak na ako ngayon, na parang bumalik ako sa oras na kung saan kinamumuhian at itinatakwil ako ng lahat. Wala akong magawa noon, tinanggap ko lahat ng sakit na sa tingin ko naman hindi ko deserve. Halos ikamatay ko lahat ng bintang sa akin. Iyon ang pinaka-masaklap na nangyari sa buhay ko, napakagulo noon. Kaya ibinaon ko nalang sa limot dahil alam ko namang may dahilan iyon para mangyari sa akin.
"Paano mo nagawa sa akin iyon? May naging atraso ba ako sa'yo?
"Pasensya na talaga ha. Okay lang kung hindi mo ko matatanggap, dahil deserve ko iyon."
"No, hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Alam kong sa tingin mo hindi kita kayang patawarin ng ganoon kadali. Hindi naman ako tulad ng iba na ma-pride eh. Ngayon palang pinapatawad na kita para tuluyan ko ng maibaon sa limot lahat-lahat ng nangyari sa akin."
"Kaya nga, hinihikayat na kitang maging president dahil ito ang time na magagawa mo na ang naging kagustuhan mong pinagkait ko sa'yo."
"Excuse me." Iyak pa rin ako ng iyak kaya umalis na muna ako. Hindi ko kayang makipag-usap na ganito ang emosyon ko.
Doon ako nagpunta sa labas doon sa maraming puno kung saan walang tao dahil gusto ko munang mapag-isa.
Habang nag-iisa ako, dumating naman si Lance.
Salamat naman at nandyan din siya palagi para sa akin. Lalo na ngayon na para bang sinasalubong ulit ako ng naging buhay ko dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/145013254-288-k535387.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Novela JuvenilMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...