Dali-dali na akong naglinis at nag-put on ng mga damit na susuotin ko. Ang awkward talaga ng nangyari kanina. Susundin ko na lang 'yung mga tips na sinabi sa akin ni Kath.
Lumabas na rin kaagad ako ng kwarto ko para hindi mainip si Dustin. Mukhang tapos na rin maghuhas ng mga pinggan 'yun. Konting pabango lang 'yung ini-spray ko.
Nung papunta naman ako kay mama, si Dustin naman ngayon ang parang tulala. Hindi ko alam eh parang ang jeje ng suot ko ngayon, ewan ko rin kung bagay din sa akin.
Kinausap ako ng konti ni mama para sa lakad namin mamaya. May mga tips din siyang sinabi, habang si Kath naman pinandilatan ako. Kaya tinandaan ko na lang 'yung mga sinabi nila sa akin.
"Ahhhmmm... Callie, okay ka na?"
"Oo naman."
"Auntie, aalis na po kami."
"Okay. Mag-iingat kayo ha. Bantayan mo iyan. Enjoy your trip."
"Oo naman po Auntie, safe po sa akin si Callie."
"Sabi mo 'yan ha. Siya, sige na mag-iingat kayo."
"Okay ma. Kayo din ha."
"Ba-bye ate!"
"Bye"
Umalis na rin kami ni Dustin sa bahay. Naalala kong mag mo-motor pala kami papunta sa meeting place.
"Callie, sakay na."
"Okay."
Nakatagilid type 'yung upo ko ngayon.
"Hindi. Sumaklang ka na lang. Mas safe kasi kapag gano'n eh."
"Ah. Gano'n ba? Sige."
Ngayon, doon na ako kumapit sa hawakan sa likod.
"Humawak ka sa akin. Baka mamaya drive ako ng drive, nalaglag ka na pala."
Humawak na ako sa balikat niya. Siguro naman ngayon, makakaalis na kami.
"Huwag sa balikat." Hinawakan niya bigla 'yung kamay ko at inilapat sa bewang niya.
Jusko. Ikamamatay ko na naman ba ito? Dapat pala nag-tricycle lang kami.
Pinasuot niya na rin sa akin 'yung helmet na dala niya.
Maya-maya lang binabaybay na namin ang highway papuntang Avery's Groove. Hinawakan niya ulit ang kamay ko na parang indication na kumapit ako ng husto sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung sobra eh, 'di naman ako kagaya ng iba jan.
Wala na rin akong choice. 'Pag nga naman nalaglag ako rito, kasalanan pa niya at siya pa ang masisisi kaya hinigpitan ko na lang ang hawak. Hindi pwede ang pabebe sa araw na 'to.
Lumipas ang ilang minuto, at nakarating na kami sa destinasyon namin. Nakikita ko na rin si Aubrie, ayos din ang pormahan niya. Halatang nag-gagala din eh, sanay na yata siya. Lumapit na kami sa kanya para mapag-usapan ang pupuntahan.
"Aubrie!" Habang papalapit ako sa kanya para bumati.
"Hi, Callie!" Ganda ng suot ha. Nag-work nga yung help sa'yo ng kapatid mo."
"Salamat. Teka, Dustin saan tayo pupunta?"
"Sa mall. Mamimili tayo."
"Ano namang bibilhin natin?" Tanong ni Aubrie sa kanya.
"Kahit anong gusto niyo."
"Ano? Hindi kami mapepera tsaka malay ko bang bibili tayo." Sabi ko sa kanya.
"Wala kayong gagastusin, sagot ko na."
"Wow, seryoso ka? Tutal birthday mo naman, edi pagbibigyan ka namin." Sinasabi 'yon ni Aubrie habang hindi siya makapaniwala.
"Oo nga. Slamat." Sabi ko.
"Ano? Tara na."
"Saan tayo sasakay?" Tanong ko sa kanya.
"Edi mag ji-jeep tayo."
"Okay. Nag ji-jeep ka pala, akala ko puro kotse ka lang eh."
"Joke lang. Mag ko-kotse tayo, tara na. Naka-park lang 'yon dito."
"Okay. Tara na." Sabi ni Aubrie.
Nagpunta na kami sa parking lot ng mga kotse dito. Nakita naman namin kaagad eh kaya nakasakay na rin kami.
Si Dustin ang mag da-drive kaya kaming dalawa ni Aubrie ang magkatabi dito sa likod.
"Guyss... Hindi naman gano'n katagal ang biyahe, pwera na lang kung mahaba ang traffic." Sabi ni Dustin.
"Okay. Ingat sa drive ha." Sagot naman ni Aubrie sa kanya.
Nagpatugtog na lang ng music si Dustin habang nasa biyahe kami.
"Lagi kong naaalala
Ang kanyang tindig at porma
At kapag siya ay nakita
Kinikilig akong talaga
Di naman siya sobrang guwapo
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko.Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako'y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
Na walang patid.Mr. Kupido
Ako nama'y tulungan mo
Ba't hindi panain ang kanyang
Damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya'y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko."Jusko. 'Yan yung theme song na bet ko noon pa. Lagi kong kinakanta 'yan kapag nagpapantasya. So, ngayon para walang makarinig, naka lip-sync mode ako ngayon. Pero nakita pala ako nung kumag na driver gawa nung salamin sa harap niya edi nakita ako. Nakakainis.
Umiglip na lang ako para makapahinga, naka-air con pa naman.
------/-----
Maya-maya paggising ko, nakita ko na 'yung mall na pupuntahan namin. Kaya ginising ko na rin si Aubrie. Actually, bago ako kumanta kanina, hinintay kong makatulog siya.
"Aubrie, gising na. Ayan na oh, malapit na tayo."
"Oo nga. Sandali hahanap pa ako ng pagpaparadahan eh. Ang dami kasing mga sasakyan na naka-park." Sabi ni Dustin.
Kami naman, naghihintay ng biyayang makakababa na kami.
After a few minutes at nakahanap na siya ng parking kaya nakababa na kami. Yaaahhhaayyy!
Pagkapasok namin sa mall, niyaya kami ni Dustin na mamili muna ng mga damit.
Nakapunta kami sa department store na puno ng mga tindang damit. Kaya naman itong si Aubrie humiwalay na, nagsabihan na lang kami ng lugar kung saan magtatagpuan.
"Callie, ikaw kaya mong mag-isa sa pamimili?"
"Oo naman. Kaya ko sarili ko."
"Okay. Titingin lang ako sa banda do'n. Ingat ha, baka makasira ka pa."
"Okay."
Ano ba 'yan. Hindi ko talaga alam ang pasikot-sikot dito, tsaka 'di ako sanay bumili ng damit. Nag-aalala ako sa sarili ko kasi wala akong idea sa fashion baka mamaya hindi bagay ang mabili ko.
Ilang minuto na ang lumilipas, paiyak na ako dahil wala pa rin akong mabili at mukhang naliligaw pa yata ako. Doon tuloy ako tumigil sa part na puro white T-shirts ang nakasabit. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala kaya ng mag-isa.
Habang nakatayo lang ako rito na mukhang tanga na, pansin kong gumagalaw 'yung mga shirts sa harapan ko. Nako, baka mumu 'yon! Duwag pa naman ako. Kaya inusisa ko na.
Pagkahawi ko ng mga damit, biglang may bumulaga sa akin. Si DUSTIN! Jusko.
"Ikaw? Hahayaan kita mag-isa?"
"Akala ko namimili ka ng sa'yo."
"Hindi. Sinundan lang kita para ma-test ko kung kakayanin mo talaga."
"Hindi ko kinaya. Jusko. Wala akong alam sa fashion."
"Hindi yata kita matitiis na mag-isang bumili?" Sinasabi niya 'yon habang umaatake siya ng killer smile sa'kin."
"Nako. Bumili na lang tayo. Nag-uumpisa ka na naman eh."
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...