Chapter 17: Mall Trip

319 34 1
                                    

Sinamahan na lang niya ako sa pagpili ng mga damit. Seryoso kaya siya sa mga sinasabi niya sa akin? Ayokong mag-assume pero nakikita ko kasi sa kanya eh. Bahala na nga.

Una kaming pumunta doon sa mga damit na pang-sosyal ang dating. Namili ako ng 5 sets ng outfits para siya ang mag-check kung bagay sa akin.

Ti-nry ko na yung iba. Ang hirap i-describe kasi, ang gaganda kasi lahat, wala akong mapagpilian dahil maaayos ang designs nila.

Habang chine-check ni Dustin 'yung mga sinusuot kong damit, mas okay daw sa kanya yung last. Kaya pumayag na ako.

"Lalo kang gumaganda kapag 'yan ang suot mo. Kaya mas prefer ko 'yan para sa'yo."

"Sure ka ha."

"Oo naman, kaya nga lalo kang gumaganda diba? Magtiwala ka sa'kin."

"Okay. Ano? Ito na yung kunin natin. Sabi mo'y maganda eh."

"Sige ba."

Tapos doon naman kami pumunta sa mga T-shirts na maaayos din ang designs. Yung sa magkabilang side, panglalaki at pang-babae kaya hinayaan niya na akong mamili. Puntahan ko na lang daw siya, dahil malapit naman ang distance sa aming dalawa.

Kinuha ko 'yung tribal na damit kulay white 'yung kinuha ko dahil ang astig ng design. Any gender naman kasi eh, nahirapan talaga ako mamili pero para sa akin, okay talaga 'to.

Kaya hinanap ko na kaagad si Dustin, sakto namang hinahanap niya rin ako kaya nagkasalubong kami ngayon.

"Ano Callie? Nakapili ka na?"

"Oo. Ikaw ba?"

"Yes may napili na ako. Ito oh."

Ipinakita niya sa akin yung napili niya. Ang saklap dahil nung nakita ko 'yung itsura ng t-shirt na hawak niya, kapareho nung akin, tribal din ang design na color white.

"Dustin, pareho pala tayo." Doon ko na ipinakita 'yung white T-shirt ko.

This time pareho kaming natigilan, parang nagtataka kami sa nangyari. Hindi ko in-expect na sa dami ng t-shirts na mabibili namin, magkapareho pa.

"Uhhhmmm... Walang masama kung pareho tayo diba?" Tanong niya sa'kin.

"Aaahhh... Oo nga naman." Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Nako, tara na Callie sa counter." Sabay akbay sa akin. Baka maging malaking isyu 'to!

IS THIS FOR REAL?

Ang dami namang signs oh. Si Lord talaga, tinutupad na kaya niya ang wish ko? 'Di bale na nga.

Dumiretso na kami sa counter dala-dala 'yung mga damit na binili namin. Nauna na pala sa amin si Aubrie sa tagpuan kaya ibinigay na namin kay Dustin ang mga damit.

Maya-maya naman, ok na ang lahat. Kaya nagyaya pa siyang mamili ulit sa iba.

Doon niya kami dinala sa store na puro mga...hindi ko ma-define eh. Puro love kasi ang theme sa loob. Hindi pa rin ba sila maka-get over na tapos na ang Valentine's Day? Ayaw nila mag move on? Bahala na nga.

Dito mas mabilis ang pagbili dahil hindi sikip. Sari-sari ang tinda, may mugs, sling bags, teddy bears, pillows, journals, cards at marami pang iba.

"Ano? Mamili na kayo kung anuman ang gusto niyo jan." Sabi sa amin ni Dustin.

"Ikaw? Wala kang bibilhin?" Tanong naman ni Aubrie sa kanya.

"Hintayin ko na lang kayo dito."

"Sure ka ha." Sabi ko.

"Oo ako bahala."

Magkasama kaming namimili ni Aubrie ngayon. Tapos bigla niya akong kinausap.

"Uyyy... Inakbayan ka ni Dustin ha. Kakakilig kayong dalawa. Minsan tahimik ako para dinig ko lahat ng usapan niyo, alam mo naman ako isa sa mga dakilang usisa."

"Ewan ko ba kung bakit niya ginawa 'yon kanina. Baka umasa na naman ako sa kanya."

"Whaaaattttt???"

Napatakip bigla ako ng bibig. Patay na ako nito, nalaman niyang tunay kong crush si Dustin. Jusko naman oh.

"Callie, aminin mo sa akin. Gusto mo siya no? Ayyyiieeeehhhh... Support kita jan."

"Pa'no ba 'yan, alangang itanggi ko pa, eh nadulas na nga ako. Oo. Crush ko si Dustin."

"Wow, malay mo naman may gusto din sa'yo 'yun. Kasi sa lahat ng girls na nagkakandarapa sa kaniya, ikaw lang 'yung na-treat niya ng ganiyan. Magpasalamat ka na lang."

"Hindi rin natin alam. Bahala na si Lord."

"Sa bagay, pero naniniwala ako na darating ang time na pareho lang ang tinitibok ng hearts niyo. Hahahaha... Diba?"

"Haaayyy... Bahala na siguro. Marami pang pwedeng mangyari."

"Oo nga. Teka, naka pag-decide ka na?"

"Hindi pa eh. Ikaw ba?"

"Oo. Gusto ko i-try na lumipat sa Section A."

"Ano? Ang bilis mong mag-desisyon."

"Hala. Gusto ko nga 'yon eh. Si Lance kaya?"

"Ewan ko din. Hindi pa ako nakakapag-isip eh."

"Sige, marami pa namang time para mag-decide."

Habang nagpapatuloy ang chikahan namin, nakakapili na kami ng bibilhin. Napili namin 'yung journal tsaka 'yung teddy bear. Kanya 'yung pink, ang akin 'yung purple naman.

Pumunta na kami kay Dustin para makabayad na sa counter. Nasiyahan naman siya sa mga nabili namin. Pero ako naman, iniisip ko pa rin 'yung t-shirts naming dalawa kanina, ano kayang reaction niya?

Habang palabas na kami, nakakita kami nung palaruan. "Gamezone" daw ang tawag dun. 'Yung may mga tickets, tapos gagawing prizes na depende sa dami ng tickets na nakuha mo.

Kaya naman nagpunta na kami do'n. Doon muna kami pumunta sa may basketball. Nagkapustahan na kami ngayong tatlo, kung sino daw ang may pinakamababang points, manlilibre naman sa kakainan namin mamaya. Kaya sumali na ako, halos gastos na lahat ni Dustin 'yung mga pinamili namin eh.

Nung nagsisimula na, parang sisiw na sisiw lang kay Dustin 'yung pag sho-shoot ng bola, sunod-sunod pa nga eh. Si Aubrie naman gano'n din. Mukhang nagbabadya na, na ako ang dapat manlibre mamaya. Pero okay lang naman, para na akong baliw dito. Jusko, malay ko ba namang mag-shoot ng bola 'no.

Hanggang sa matapos na, tinignan ni Aubrie 'yung scores. 36 'yung kay Dustin, 19 yung kay Aubrie at ang pinaka-tragic sa lahat 9 'yung sa akin. Hiyang-hiya ako sa kanilang dalawa pero hayain na, ako na ang manlilibre mamaya.

Bukod sa basketball, sumakay na rin kami ng bumpcars. Jusko basang-basa ako ng tubig dahil kay Dustin, mabuti na lang nakapagpalit kaagad ako sa cr dahil may reserba akong damit dito sa bag.

Marami pa kaming sinakyan eh, pero nung huli nanungkit na lang kami nung mga stuff toys, yung kinokontrol. Nakakuha naman kami ng tatlo. Hahahaha.... Edi tig-iisa kaming lahat. Iyon ang pinakamahirap sa lahat.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon