Naihatid naman na kami ni Dustin sa bahay, agad na rin siyang nagpaalam dahil parang pagod na pagod pa siya.
Ang saya ng buong araw ko, tumingin na lang ako sa langit. Bahagyang nawawala na yung naiwang ilaw nung comet kanina tapos yung buwan, nabawasan na din yung pagka-red. Ang daming mga pangyayari ang naganap ngayon, sa sobrang dami, hindi ko na kayang isa-isahin pa. Pero nagpapasalamat naman ako dahil nakapag-enjoy kaming lahat ngayon.
Kami nina mama at Kath, bagsak lahat sa higaan. Grabe, pati ako inaantok na rin kaya naglinis na ako ng sarili para presko ang pagtulog ko.
Nung mga ilang minuto lang ang lumipas, fi ne-feel ko na yung kama. Nakatingin lang ako sa orasan para antukin kaagad at makatulog na.
"Bbbbbzzzzz..."
"Bbbbbzzzzz..."Bigla namang nag-vibrate itong phone ko kaya kinuha ko na ulit.
"Natutulog ka na?" Jusko, si Dustin nag-chat?!?!
Nag-isip muna ako ng i re-reply.
"Patulog na ako eh."
"Ah, gano'n ba? Sige, matulog ka na. Tinignan ko lang naman kung gising ka pa."
"Bakit? May sasabihin ka?"
"Wala naman. Antok na rin ako, goodnight."
"Okay. Goodnight na den. Late na ang oras eh."
Matapos no'n, may choice na akong matulog. Ayaw ko munang mag-pantasya dahil may pasok pa bukas.
"Ate, ate!"
Makakatulog na ako eh, biglang sumigaw naman itong kapatid ko. Tapos nagpunta siya sa kwarto ko.
"Tignan mo!" Iniharap niya sa akin ang cellphone niya.
Nung nakita ko na, may nag-post sa FB ng mga pictures namin ni Dustin kanina habang nagsasayaw kami.
Nalaman ko na rin kaagad ang nag-post dahil si ate Crizelle pala 'yon. Iti-nag pa si Dustin. Napansin kong may 498 likes and reactions tapos 156 ang comments. Ang bilis naman, 1 hour ago lang yung post niya, kaya tinignan ko na rin.
"Uuuuyyy... Bagay sila.😍😍😍"
"Ang swerte naman ni Callie!"
"Gwapo ni Dustin! Ganda nung girl."
"Anong magandang couple name?"
"Ang ganda naman ni Callie dito. Ang layo sa itsura niya pag nasa school."
"Happy Birthday!"
Oo nga pala, iilan lang yata ang nakakalaam na nagkaron ng relationship sina Dustin at Hazel.
Ilan lang ang mga iyan sa mga comments. Buti naman may natira pang matino ang comment, yung pabati lang. Jusko, baka mapag-usapan kami bukas. Pero, bahala na malay ko bang ipapakita iyon sa kanila, hindi ko na kasalanan iyon no.
Hindi na ako nag-react at nag-commet para walang tanungan bukas. May kutob akong headline na ako ng mga estudyante sa school namin tomorrow, kaya maghahanda na ako.
"Ate, ang ganda mo talaga. Haba ng hair mo." Sabi sa akin ng kapatid ko.
"Naku, naku kung natutulog ka na. Maaga pa tayo bukas!"
"Siya sige ate, mag la-logout lang ako."
"Baka magpuyat ka pa ha. Isusumbong kita kay mama niyan, sige ka."
"Yes po madam."
Maski ako, kahit na isang libong pictures pa ang makita nila, wala naman akong dahilan para magtaka. Dahil alam ko naman yung ugali ni Dustin eh, ayaw din niya ng mga issues. Masyado lang din siguro akong 'nega' eh positive naman lahat ng nabasa kong comments kaya dapat magpasalamat na lang ako kung gano'n.
Siguro naman, puwede na akong makatulog ngayon. Inaantok na talaga ako, sana naman wala ng mga commercials. Lagi na lang nauudlot lahat ng plano ko. Hahahaha...
------/------/-----
Maaga na kaming nagsigising para naman hindi ako matapatan ng spotlight sa kadahilanang na-late lang ako. Baka mapahiya na naman ako sa mga estudyante, mahirap na kung mangyayari ulit 'yon.
Naglalakad lang naman kami ni Kath kaya pinabibilisan ko siyang kumilos. Ayaw kong mag-bike at baka manakaw pa, worth of ginto 'yun kaya mahirap kung dadalhin ko pa. Baka mamaya makita-kita kong itinatakbo na pala ng kawatan. Joke.
Asa naman silang pagkakamahal ng mga bike namin.
Maya-maya naman, matapos ang nakakangalay na sakripisyo sa paglalakad, nakarating naman na kami kaagad-agad.
Pagpasok ko, nilapitan ako nung isang grupo ng mga estudyanteng naging routine na yata ang makipagdaldalan sa umaga imbes na maglinis ng mga room nila. Hindi yata nila matiis na matatapos ang araw na 'to ng wala silang nakukuhang mga nagbabagang balita sa loob ng campus. Dinaig pa yung mga journalists, iba din eh.
"Balita namin, nakadalo ka raw sa birthday ng prince charming namin. Anong nangyari dali." Sabi nung babaeng naka-ponytail. Kitang-kita sa itsura niya na dakilang mananagap ng balita talaga.
"Ate, papasok na muna ako. Bye!" Nagpaalam na sa akin ang kapatid ko.
"Ah, ano. Okay lang naman, wala namang masyadong nangyari." Pa-innocent kong sagot sa kanila.
"Anong pakiramdam na isinasayaw ka na niya?" Tanong nung isa pang malaki ang salamin na pa-Harry Potter ang style.
"Okay lang."
"Ang tipid mong sumagot. Kung ako iyan, nako ako na yata ang pinaka-maswerteng babae sa mundo." Sabi niya ulit sa'kin.
"Ah, gano'n ba?"
"Ang swerte mo. Callie nga ano?" Sumingit yung isang babae. Siya lang yata yung mukhang malinis ang itsura. Hindi ko mean na masama yung iba.
"Oo. Callie ang name ko."
"Let's go na, mukhang nagmamadali ka na Callie." Sabi niya ulit sa akin.
"Okay, sige. Punta na ako sa room ko." Paalam ko sa kanila.
Habang papunta na ako sa room, kasunod ko pala si Lance. Sinabayan niya na ako, mukhang hinabol pa yata ako nito.
"Good morning Callie. Mukhang napaaga ka yata ngayon?"
"Hindi naman. Good morning din sa'yo."
"Maaga na ako nakauwi kagabi eh. Nagmadali na sina dad."
"Ako'y mga gabi na. Nga pala, ngayon na ba ang lipat natin?"
"Hindi ko lang alam eh. Siguro hindi pa naman dahil hindi pa niya alam na pumayag na tayong tatlo."
"Oo nga. Pero nalulungkot din ako dahil kahit wala akong masyadong close sa atin, ma mi-miss ko sila."
"Ako din naman. Pero sa tingin ko naman, matatanggap nila iyon."
"Sana nga."
"By the way, malapit na pala ang Election Day."
"Oo nga, maybe sa Thursday na ang launching."
"Sino ang iboboto mo?"
"Hindi ko pa alam Lance eh, wala halos akong kilala sa kanila. Meron naman pero kakaunti."
"Ako din eh. Bahala na kung sino."
-------------------------------------------------------------
[Author's]
Special thanks for @kyanvvr para sa magandang book cover of my story. Unexpected din ea. Thank you!
BINABASA MO ANG
If I Were The President
Teen FictionMeet Callie Sandoval, isang 4th Year student sa isang exclusive school known as Tyrone University. Sa loob ng apat na taong pag-aaral niya rito, nananatili siyang introvert. She doesn't care things na wala namang kinalaman sa buhay niya. May mga ka...