Chapter 13: Decision

437 40 1
                                    

No choice eh. Paano ba naman ako makakapag-focus kung pinagtutulungan ako ng panahon ngayon. Lalo na 'yong pang-aasar niya sa akin. Para siyang si Kath. Jusko, baka nga madaig pa niya sa pang-aasar ang kapatid ko.



Nandito ako sa corridor para magpahangin ng konti. Dito ako sa medyo likuran dahil katapat ko lang 'yong mga pumapagaspas na dahon ng puno at halaman na nakaka-refresh ng mood ko ngayon. Mahangin talaga, at ngayon lang din ako napadpad dito, fi ne-feel ko na lang 'yong bawat blow ng hangin sa mukha ko para naman mabawasan ang stress ko.



Kaya lang may naririnig akong yabag na parang papunta sa akin. Tumingin na ako sa likod.



"Callie, may pa-walk out effect ka pa ha. Hindi bagay."



"Hindi ako makapag-focus dahil..."



"Ang gwapo ko?" Ang galing ng timing niyang sumingit eh.



"Dustin, tama na. Baka umiyak si Callie," sabi ni Aubrie.



"Okay lang, patatahanin ko naman eh."



"Asa ka namang iiyak ako. Tara na nga sa loob. Mas okay na asikasuhin na natin 'yong mga gawain. Baka mapagalitan pa tayong tatlo, mahirap na."



Nauna na akong maglakad paalis. Naka walkout version 2.0 naman ako ngayon.



Saktong pagkaupo ko, nagpaka-busy na ako para 'di na magambala pa ulit. Hanep din eh.



Nung makapasok na rin naman na yung dalawa, rinig na rinig ng dalawang tenga ko 'yong hagikhikan nila sa pagtawa. Nakakainis talaga pero kung ipapakita kong naiinis talaga ako, lalo akong mahahalata.



Mabuti naman at ayos na 'yong computer na ginagamit ko, pati pa naman computer nakuha pang makisali sa pang-aasar sa akin, nako naman.



Sabay-sabay kaming hindi nagkakaimikan. Kita ko namang abala na rin sila, kaya patuloy lang ako sa pag-aasikaso.



Maya-maya naman may dumating. Yung section adviser namin na si Ms. Lopez.



"Ms. Sandoval at Laureano. Kailangan nating mag-usap. Mabilis lang naman, nagpaalam na rin ako sa Student Council Adviser para makausap kayo.



"Okay ma'am," sabi ko sa kaniya.



Kaming dalawa ni Aubrie, nagtataka. Baka may nagawa kaming violation, jusko. Bago kami umalis nagpaalam kami sa mga kasama namin. Si Dustin naman, mukhang okay lang sa ginagawa niya kaya umalis na kami.



Ngayon, nasa room na kaming dalawa. Kaharap na rin namin si Ma'am Lopez.



"Kayong dalawa, I want to inform you na makakasama niyo si Lance."



"Saan po?" Sabay naming tanong ni Aubrie.



"Sabi kasi ng School Principal na palipatin kayong tatlo sa Section A."



"Ano mam? Lilipat po kami?" tanong ni Aubrie.



"Hindi naman namin kayo bibiglain. May ilang weeks kayo para mag-decide. You have 3 weeks to make decisions para dito."



"Bakit kailangan po naming lumipat?" tanong ko naman.



"Nasa sa records at school performance niyo kasi 'yon. Connected din ito siguro kaya napili kayo sa preparations or Student Council.



"Okay po mam. Pero mukhang maninibago po kami in case na lumipat kami doon," sabi ko.



"No. Mababait ang students ng Section A. 'Wag kayong matakot, kita niyo naman siguro 'yong asal nila sa hall habang magkakasama kayo."



"Alam po naming mahirap pero kakayanin na lang po naming mag-decide para dito," sabi ni Aubrie.



"Oo nga. Alam kong kaya niyo 'yan. Hindi ko rin talaga inasahan na ipag-uutos 'yon ng principal."



"Kaya nga po eh. Pero okay lang naman po," sabi ko.



"Sabihan niyo na lang ako sa decisions niyo. We will respect naman kung anuman ang gagawin niyo. Sige, may klase pa akong pupuntahan. Puwede na kayong bumalik sa hall."



"Okay mam."



Bakit si Lance 'di kasama sa kinausap?



Nung lalabas na sana kami, sakto namang nandoon si Lance.



"Na-inform na kayo ni mam?" tanong niya. Kaya sumagot naman ako.



"Oo. Nauna ka na palang nasabihan tungkol doon."



"Oo kanina. Nung pagkabalik ko sa room."



"Mahihirapan tayong mag-decide, dahil Section A ang papasukin natin."



"Hindi naman tayo magnanakaw. Yung mga words mong papasukin eh, 'di naman tayo katulad ni Robbery Bob," sabi ni Aubrie.



"Jusko. So paano nga? Papayag kayo?" tanong ko.



"Ewan ko pa eh. 'Wag na muna nating sasabihin sa iba nating classmates."



"Bakit naman?" tanong ni Aubrie.



"Basta. Para makapag-decide tayo ng maayos. Baka kasi usisain pa nila eh."



"May point ka naman. Kapag payag kayo, sabihan niyo ako," sabi ko.



"Makakaasa ka Callie. Basta't ayoko lang maging loner, dapat magkakasama tayong tatlo," sagot ni Lance.



"Oo nga eh. Gano'n din ang gusto ko," sabi ni Aubrie.



"Paano ba 'yan. Lance uuna na kami sa hall," sabi ko.



"Okay. Sige, kita-kits mamaya."



"Sige. Alis na kami."



Bumalik na kami ni Aubrie. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin kami, bakit kailangan naming mapalipat sa Section A? Ibang klase din ang pakana ng school na ito para sa amin. Kasi ako, okay lang ako sa mga kaklase ko. 'Di naman nila ako bi nu-bully, tsaka masaya rin akong kasama sila.



Pagkapasok namin, agad naman kaming tinanong ni Dustin kung bakit kami ipinatawag.



"Bakit? Anong sinabi sa inyo ni Ms. Lopez?"



"May plano daw ang principal na palipatin kami sa section niyo," sabi ko.



"Ahhh... Edi okay pala. Ma-aasar na kita buong araw," sabi niya sa akin.



"Pero hindi madali sa amin na mag-decide eh. Ang hirap talaga, dahil maninibago kami sa mga makakasama namin at sa environment kung sakaling pumayag kaming mapapunta sa inyo," sabi naman ni Aubrie.



"Don't worry maayos din kami makisama ano. May ilan lang na pa-hard to get pero mababait din sila tsaka mga jokers din. Pero kung anuman ang maging desisyon niyo I'll respect that."



"We have 3 weeks daw para mag-decide, kasama namin si Lance. Di'ba Aubrie?"



"Oo. Tatlo kaming nasabihan eh. Pati siya hirap din."



"Marami pa namang puwedeng mangyari sa loob ng 3 weeks eh, na puwedeng makaapekto sa pag de-decide niyo."



"Oo nga, marami pa namang puwedeng mangyari eh," sabi ko naman sa kaniya.



"Malay niyo, mas gumwapo pa ako. Di'ba?" Nang-asar na naman ang loko.



"Ano ba? Oo na. Para manahimik ka na diyan."



"Oo naman pala ang sagot. Salamat!"



Pa'no nga kaya kung makalipat kami sa kanila. Ramdam ko namang magiging ayos kami doon lalo na't nakilala namin si Dustin.



Depende ang desisyon ko sa mga puwede pang mangyari sa mga susunod na araw.


If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon