Chapter 30: Vote

262 22 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa room, agad ko ng iniabot yung flash drive.

"Callie, ang tagal mo." Tanong ni Aubrie.

"Ang tagal ko rin kasi bago ko nahanap."

"Teka, ano bang nangyari?"

"Isang napakahabang kwento. Nga pala yung pulbo mo." Inabot ko na iyon sa kanya.

"Wait, paanong?"

"Basta. Pinabigay sa akin ni mam, mamaya ko na iku-kwento sa'yo ang istorya."

"Okay. Aabangan ko iyan."

Mabuti na lang at hindi gano'ng katapang ang teachers na kasama namin, pero nahihiya ako sa nagawa kong mali. Kung hindi naman kasi ako natulungan ni Lance, buong election day, masisira ng dahil sa akin. Thank you talaga sa kanya.

Maya-maya binilisan na ang orientation dahil delayed na kami, imbes na ibibigay ko na lang yung flash drive kanina, may mga sala tuloy kaming nagawa. Mapipilitan na sadya kami dahil buong school ang maa-apektuhan kung sakaling hindi namin iyon nagawa. Sorry Lord... May kasalanan na naman po ako.

"Kayo'y bumoto na rin para makasama na sa pagbibilang mamaya." Sabi nung teacher sa amin.

"Okay po." Sagot ko. Pero hiyang-hiya pa rin ako. Jusko.

"Aalis na kami, kayo na ang bahala sa kanila. Sobrang pag-iingat ang dapat niyong gawin para manatiling maayos ang election." Sabi nila ulit sa amin.

"Okay po. Kami na po ang bahala, pasensya na po ulit do'n sa kanina." Sabi ni Aubrie.

"Okay lang iyon, at least nahanap naman. Sige aalis na kami."

Umalis rin naman na sila. Kaya kami na lang dalawa ni Aubrie ang umatupag ng lahat ng mga gagawin.

Nang matapos na ang unang batch, pinasunod na yung section na next para maka-vote. Binilisan na talaga namin ang pag a-assist sa kanila para makasabay pa kami sa ibang room.

Maya-maya naman, nagsimula na kaming magsalita. Ginaya na lang namin yung way ng pag di-discuss nung mga teachers kanina para maging malinaw na rin sa kanila ang lahat. Para naman boboto na lang sila ng mabilis at maayos.

"Pwede na tayong magsimula." Sabi ni Aubrie.

Nilahad na nila yung mga nakataob na ballot papers para bumoto. May napansin naman kaming estudyanteng babae na 1st Year. Parang ngiting-ngiti siya habang bumoboto kaya natuwa naman kami.

"Ate, pwede po bang isa or dalawa lang ang iboto ko?" Sabi nung babaeng tinutokoy namin.

"Depende na po sa inyo. Pero preferred talaga ng school na iboto lahat ng position ng kumpleto." Sabi naman ni Aubrie.

"K po." Uso na ba talagang magpaikli ng words ngayon? Yung salitang okay, "K" na lang. Hahaha...

"Bakit naman isa hanggang dalawa lang ang iboboto niya?" Bulong ko kay Aubrie.

"Baka crush niya siguro."

"Baka nga. Pati pa naman sa pagboto, crush ang inuuna?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Siguro nga, ganiyan na talaga mangarap ang marami ngayon. Pero sabi nga nila, libre naman ang mangarap eh."

"Kaya nga."

"By the way, kamusta na si Lance? Nakita kong magkausap kayo kahapon."

"Ah... Oo. Nagkausap na kami. Hindi ko maipaliwanag ng ayos dahil hindi exact para sa akin ang mga sinasabi niya."

"So, may pag-asa nga kaya siya sa iyo?"

"Iyan nga rin ang tanong ko sa sarili ko eh. Pero bahala na."

"Ahh... Okay. Ano ulit yung mahabang kwento?"

"Ganito kasi, yung nakita ko sa bag ay flash drive na iba ang tatak. Tapos nilapitan ako ni Lance..."

"Si Lance?!?!"

"Oo. Wait, tatapusin ko na muna. Nagkausap kami, kahapon pala habang nakatambay ako sa lab, nakita niyang may naibaba akong USB which is kay sir. Nung aalis na ako dahil sa meeting kahapon, kinuha ko ulit. Sabi niya dalawang USB ang nakita niya at ang isa do'n kay Ms.Lopez. Siguro kay mam yung nadampot ko kaya nagkapit kami."

"Then? Paano mo nakita? Dali."

"Sige, eto na. Eto na po. Pinigilan ko siyang hanapin sa table ni mam yung flash drive pero hindi ko siya mapigilan kaya hinayaan ko na. Tapos nakita ko naman si mam na pabalik ng room kaya pinagmadali ko na siya dahil 'di pa rin niya nahahanap eh."

"Tapos?"

"Nung pagkapasok ni mam, dinaldal ko muna siya para hindi siya dumiretso sa table. Ang sinabi ko is kukunin ko lang yung pulbo mo dahil tinanong niya ako kung bakit daw nagpunta ako doon."

"Then?"

"Papunta na si mam, at buti na lang may nag-excuse sa kanya so pupunta siya sa pinto. Mabuti na lang at nakita na ni Lance edi nakaalis na siya sa lugar na may mga gamit ni mam."

"Wow, ang uutak niyo pala. Hahaha.."

"Kasi, kung hindi namin gagawin 'yun, malilintikan ako at lahat tayo. Baka si sir madamay pa."

"Sa bagay nga naman."

Halos nakatapos naman na yung batch na hinahawakan namin ngayon. Biglang napatuon yung atensyon ko nung nagsasauli na sila nung mga ballot papers. Yung isang estudyante, dalawa lang ang binoto. Akala ko naman nagbibiro lang talaga 'yun. Hindi naman na siguro po-problemahin 'yon.

Nag-break muna kami kaya naman, iniwan na muna namin ang room. Wala na akong i se-secure pa dahil nasa teacher na kasama namin kanina yung original flash drive. Nag-copy na lang siya kanina para lahat kami may kanya-kanyang copies na rin.

Dumiretso muna kami sa room kung saan lumipat yung mga kaklase ko.

Nakakatamad lang bumili dahil puno na ang canteen, mabuti na lang at nakabili na ako kanina pa bago pumasok dito sa school.

"Callie, bibili muna ako ha." Sabi ni Aubrie sa akin.

"Okay, sige. Kakain na lang ako rito, nakakatamad bumili eh."

Kumain muna ako ng nag-iisa para ma-feel ko ng kahit konti yung pagkain ko.

Ilang sandali pa, dumating naman si Lance para makipagkwentuhan sa akin ngayon.

"Kamusta naman kayo? Napagalitan ka ba kanina?" Tanong niya sa akin.

"Naku, hindi naman. Hindi ganon katapang ang teachers na kasama namin kanina."

"Mabuti kung gano'n."

"Actually, pangalawang beses mo na akong naililigtas sa mga katangahan ko. Salamat ng maraming beses!"

"Haayysss. Wala nga 'yon. Sino bang binoto mo sa president?"

"Binoto ko si Dustin kanina. Nga pala, mamaya yata sa Room 2 ang punta niyo pagkatapos ng recess natin."

"Oo nga, may nakapagsabi na kanina. Taga Section A. Yung president nilang sobrang tapang."

"Naku, hindi naman siguro. Nakausap ko 'yun ng konti sa pilahan kahapon."

"Wow, ang bilis niyong nakapag-meet."

"Basta. Kapag sobrang kulit na ng mga kaklase niya tsaka lang siya nagpapaka "SUPER SAIYAN" mode."

"Ahhh... Ano nga uling pangalan no'n?"

"Kyan Contreras." Sagot ko.

If I Were The President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon