BH(01)

2.4K 122 159
                                    

All chapters will be written in Seungkwan's point of view, unless the "♧" turns to "♤" which means it's hansol's pov. Andami kong arte pwe. But hello! Enjoy reading!

"BOO SEUNGKWAN!!"

Napabalikwas ako sa kama at agad na nalaglag sa sahig. I groaned in pain, ang sakit sakit ng butt cheeks ko shit.

"Mama" I groggily said and stood up.

Yung boses ni mama ang nagsisilbing alarm clock ko tuwing umaga. Walang saysay yung alarm clock na sineset ko every 5:00 a.m, 5:15 a.m, 5:30 a.m, walang wala ang mga yun sa boses ng ina ko.

Inayos ko yung kama ko at tinupi yung blanket. I placed it on top of my pillow at agad na nag-unat unat ako pagkatapos. I yawned while I'm stertching, kulang na naman yung tulog ko. Pano ba naman kasi hindi ako pinatulog ng A Love So Beautiful kagabi!

San ba makakahanap ng isang Wu Bo Song? Lahat ginawa niya para kay Xiao Xi, but in the end wala pa rin itong nagawa kasi kay Jiang Chen talaga si Xiao Xi.

Habang nag-uunat ay biglang bumukas yung pintuan sa likuran ko kaya napasubsob ako sa sahig ng wala sa oras.

"Oh"

Hawak-hawak ko yung cheeks kong namumula dahil sa nangyare, I glared at my oldest sister. Tatlo kaming nagkakapatid, dalawang babae at ako lang yung thorn among the flowers.

"Tsk! Noona naman! Kumatok ka naman" saway ko sa kaniya, basta-basta nalang kasing pumapasok sa room ko.

"Yah. Kanina ka pa hinihintay ni Seokmin sa baba. Male-late na kayong dalawa" nakapameywang na sabi ni noon at lumabas na sa kwarto ko.

Nakasimangot akong pumunta sa banyo at naligo. Ang aga naman ata ni Seokmin ngayon. Habang naliligo ay bigla nalang pumasok sa isiapn ko yung titigan namin ni Hansol kahapon...

IIIIIIIHHHHHH!!

"Ey ey eyyy!! Ang aga-aga pa pero kinikilig na ako, ah! Ang bakla ko talaga" wika ko habang kinukuskusan yung mga tagong parts sa aking katawan.

"Oh, hansol, my labs, kung ako'y iyong tatanggapin, puso, damdamin at higit sa lahat katawan ko'y iyong maaangkin" dugtong ko pa habang nagbabanlaw.

"Oh hansol aking-- *ubo* ay ano ba yan" panira ng moment yung tubig! Hindi ko sinasadyang malunok yung tubig na bumabagsak galing sa shower, di ko naman kasi simasadyang madala sa aking napakagandang tula.

Ipinagpatuloy ko nalang yung paliligo ko para naman makita ko na agad si hansol hihi. Pagkatapos kong maligo ay nagsipilyo na ako, afterwards I applied lotion and sprayed some mosturizer on my face keep it hydrated.

"Ang aga mo naman ata ngayon seoks" pambungad ko sa kaniya habang bumababa ako ng hagdanan.

Ayun ang loko ganang-ganang kumain ng pang-agahan dahil naka libre na naman siya. Siguro binola na naman niya si mama. Hay naku.

Umupo ako sa harapan niya at agad na naghain ng pagkain sa aking plato. "Bilisan niyo na diyan at baka ma-late pa kayo" sabi ni mama at inilagay yung gatas sa harapan ko.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon