BH(23)

1.2K 98 151
                                    

"So anyare sa magkapatid?"

"Nagkaayos na silang dalawa, mabuti nga kung ganun kasi malapit na ang pasko. Dapat ebribady happy seoks"

"Eyyy, natanong mo ba sa kaniya kung san siya lalagi sa pasko? Uuwi ba siya?"

Napabuntong hininga ako, "Hindi ko pa alam. Di ko pa naman kasi naitatanong sa kaniya" sagot ko kay Seokmin saka binalik yung isang shirt.

"Wews, if I know winiwish mong magkasama kayong dalawa sa pasko. Aba aba seungkwan, baka nakakalimutan mo FRIENDS lang kayo ohhhh!!"

Nilingon ko siya saka sinabunutan saglit. Kahit kailan panira talaga siya ng future! Che!

"A-aray! Yah! Masakit- tsk!" Binitawan ko ang kaniyang buhok saka bumalik sa pagpili ng mga sweaters sa racks.

Nasa mall kaming dalawa at nagpapasama ako sa kaniya para bumili ng regalo kay mama, noonas, tsaka kay hansol babes hihi! Nabilhan ko na kasi si seokmin nung last tsaka idadagdag ko si sofia sa bibigyan ko.

Hindi ko alam kung anong ibibigay ko kay hansol babes. Guys. Suggest naman oh?

"Kwan ano ba kasing ireregalo mo sa kaniya, bilis na gutom na ako" angal ni seokmin na nakaupo na sa sahig.

Hinayaan ko lang siya doon at pumunta sa kabila para pumili ng mga tshirts. Alam kong marami nang tshirts si hansol, baka nga whole collection ng onehunnit nasa kaniya na.

Hansol babes kung ireregalo ko sayo ang puso ko tatanggapin mo ba? Hihi!

Pero serious mga bes, ano bang gusto ni hansol babes? :<

Kung ako si hansol babes, ano ang gusto kong makuha,...

Yung mataba, yung mahaba, yung nakakain, yung nakakabusog, at yung matigas, na may malapot sa loob na ang sarap pagnakain mo na.

Avdusbsusbja!

Yung Spicy Hungarian ng 7/11!

\\ ( ㅠㅅㅠ ) //

"Woi!" Halos mapatalon ako sa pagtawag sakin ni Seokmin. Buti nalang talaga at ko-konting tao lang ang nandito sa shop na pinasukan namin kundi napahiya na si seokmin, kahiya-hiya pa naman feslak ni bes.

Char.

"Seoks, kung ikaw si Hansol babes anong gusto mong makuha sakin?" Tanong ko sa kaniya, hoping na makatulong siya.

Tumayo siya saka pinagpagan ang kaniyang damit. "Kung ako si hansol siguro hihilingin kong maglaho ka" he replied.

I rolled my eyes, wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya. Puro ka-negahan lang ang laman ng utak niya hmp!

Sinipat ko ang lahat ng mga possible gifts na pwede kong maibigay kay hansol babes. May nakita akong shelves na puno ng mga hats, caps and beanies.

Come to think of it, mahilig rin si hansol babes sa mga hats at beanies! Like nung pumasok ako sa kwarto niya nung last para maglinis, wala siya nun kasi lumabas ewan ko kung sa'n nagpunta. Tas pagbukas ko ng cabinet niya may isang row siya ng mga beanies and hats.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon