♧
Back to school na ulit kami mga kabagani.
Ang bilis talaga ng panahon ano? Parang kahapon lang tuwang-tuwa ako kasi bakasyon na tas ngayon balik eskwela na naman tayo ulit.
Iba nga talaga kapag advance mag-isip ang may akda sa istoryang ito. Mga kabanatang walang ka kwenta-kwenta dahil puno nang sakit at kung ano pa.
Ang drama!
"Seungfat!"
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at nilingon si Sofia na pababa ng hagdan. Naka-school uniform siya at ang cute niya, pero alam kong nasa loob ang kulo ng batang ito. Tsk!
"Good morning tita! At mga ate!" Bati nito kina mama at noona na kumakain ng kani-kanilang almusal.
"Good morning sof, where's your kuya? Baka ma late siya" tanong ni Noona.
"Pababa na rin siya, kakagising lang kasi niya" sagot ni Sofia sa kaniya.
Hinayaan ko lang silang mag-usap at ng matapos ko na ang pag-aayos ng gamit ko'y binitbit ko na ang backpack ko at nagpa-alam sa kanila.
"Sasabay ka ba sakin sof?" tanong ko kay Sofia na kumakain.
She shook her head, "nope! I'm fine. 8:30 pa naman ang class namin" tumango ako sa kaniya.
Napag-alaman kong sa Carat Academy rin pala siya pumapasok at nasa 6th grade na siya. "Geh, see you" pagpapa-alam ko at naglakad palabas ng bahay.
Di pa man ako nakakalayo ng bahay ay napahinto ako ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni Hansol ex-babes ng pangalan ko.
Ex-babes?! Abdiabsa!
Dapat babes pa rin! Kasi mga bes, napag-isip isipan kong halang na talaga ang kaluluwa ko kay hansol babes.
May girlfriend na siya, eh ano naman? May pake ba ako sa gf niyang mas hilaw pa sa mangga? Wala. Ang pake ko na'kay hansol babes.
At kapag dumating ang oras na saktan siya nung hilaw niyang gf ay sisiguraduhin kong doble o triple ang babalik sa kaniya. Hmp! Nag-give way na nga ako sasayangin niya pa?!
2 weeks na magmula nung sagutin ni Somi si Hansol babes, for 1 week hindi ako stable. Pero dahil na rin sa mga words of wisdom ni Seokmin na hindi ko naman napulutan ng aral, kahit papano ay naging okay ako.
"Yah! Dapat agahan mo ang paggising mo" angal ko sa kaniya.
Halatang bagong gising lang siya, napabusangot ako ng marealize kong hindi siya naligo. Ewww!
"Sorry" kamot-batok na sabi niya.
I rolled my eyes and crossed my arms, "walang magagawa yang sorry mo! At saka seriously? Hindi ka naligo?"
"I did!" Nanlalaking mga matang sabi niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay, naninigurado lang. "Nangangamoy ka" sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfiction"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...