BH(27)

1.1K 111 93
                                    



"HO! HOE! HOE! HOE!! MERRY CHRISTMAS!!"

"Seoks, ano ba pang-ilan beses mo na yang sinabi ngayong araw?" tanong ko habang nagmi-mix ng ingredients para sa salad.

"Panira ka bes! Wa you pakels kasi it's Christmas day! At 7 hours na lang talaga christmas na! Bes yung regalo ko ha!" Sabi niya sabay sapak sa aking balikat.


Kinuha ko yung sandok sa tabi ko't ipinukpok ito sa kaniyang ulo. Umalingawngaw sa aking beautiful ears ang kaniyang nakakainis na sigaw. "Aray beh! Ba't ka naman nampupukpok?" Angal niya.

"Nakakainis kana ih! At dahil nakakainis ka, wala kang matatanggap na regalo" sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagmi-mix.


"Iiiihhhh! Edi wala ka ring matatanggap mula sakin! Ido-donate ko nalang to sa church!"

Naparolyo ako ng aking nga mata. "If I know nagha-hunting ka lang ng mga gwapong sakristan dun" sabi ko sa kaniya.


He grinned, "Besty mo talaga ako!" saad niya't humalakhak na parang baliw na kabayo.


Napailing nalang ako't nag-concentrate sa aking ginagawa. Maaga pa lang  ay busy na ang lahat sa pagpe-prepare para sa christmas eve. Lumabas sina Mama at noona jinseol para bumili pa ng iba pang kakailanganin mamaya. Tas yung isa ko namang noona nasa kwarto niya at naglalaro ng ROS. Nahawaan na kasi ni Seokmin, haist.


Speaking of ROS, kamusta na kaya si Hansol babes?

Gaga, pano nagconnect si Hansol babes sa ROS? HIHIHI! Kamukha niya kasi yung chicken bomb dun, char.


So yun nga, si Hansol babes nowhere to be found. Nagising ako kanina wala siya sa tabi ko, ang sakit isipin bes, after nung nangyare kagabi.

I'm so hurt, I'm so sad, I felt that I'm chicken for granted-.

Gaga, may nangyari ba kagabi?! Eh hindi mo nga nakita si hansol babes mo kagabi kwan!

Eyyyy!!


"Oh ba't ka naman nakanguso diyan? Nagmumukha na kang wild boar" sabi ng pake-alamerong kabayo.


"Wild boar, wild boar mo diyan, hindi naman ako nabo-boared! Ang saya kayang mag-mix ng ingredients!" sagot ko sa kaniya at ipinakita pa sa kaniya ang halos tapos ko ng dish.


"Gaga! Boar! Yung ligaw na baboy sa kagubatan! Hindi yung bored na boring! Hay naku kwan, hindi ko alam kung saan napunta yang sense mo sa english, hindi gaya ng ate mong major sa english" sabi niya.

"Yan na naman tayo sa compare-compare bes ih! Bes, magkaiba kami nina noona okay? Sila matalino lang, ako maganda, cute at matalino pa. Lamang ako ng dalawang papuri kesa sa kanila" sagot ko sa kaniya.


Napa facepalm siya't hindi nalang nagsalita, napanguso ako. "Bes, support naman diyan! Hindi ka ba nagagandahan sakin?" tanong ko at nagpakurap-kurap pa ng aking mga mata.

Mas lalong na-distort ang kaniyang mukha, "Bes yuck" tanging sagot niya at iniwan akong mag-isa sa kusina.

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon