♧Isang daang taon na ang nakalipas magmula nung huling makita ang anghel sa mga lupa. Sapagkat nanganganib ng mapasakamay ng mga demonyo ang kabuuan ng mga tao na naninirahan sa planetang ito.
Ang mga anghel ay siyang nakikipagtunggali para mailigtas ang mga tao mula sa kampon ni lucifer. Na nagkataong isa rin sa mga sumalakay sa mga anghel. Nang sa di inaasahang pagkakataon ay may isang anghel, na nahulog mula sa langit ngunit at bumagsak ito sa mga bisig ng isang demonyo.
Parehong gulat, parehong nagtataka kung bakit nila nahahawakan ang isa't-isa.
Sapagkat hindi maaaring hawakan ng anghel ang isang demonyo at ganun din ang demonyo sa anghel.
Pero maliban sa kanilang dalawa.
Ibinaba ng dahan-dahan ng demonyo ang anghel na bumagsak sa kaniya at tinulungan niya itong tumayo. Alam ng anghel kung anong ipinunta niya sa kalupaan, at yun ay ang misyon niyang iligtas ang mga tao mula sa kapahamakan at talunin ang pwersa ng kadiliman.
"Isa kang anghel"
Hindi alam ng anghel kung anong gagawin, hinugot niya ang kaniyang espada at itinutok ito sa demonyo. Naka-awang ang bibig ng demonyo at para bang nagugulat pa rin sa anghel.
"Isa kang demonyo"
Lumayo ang anghel mula sa kaniya. Nakaramdam siya ng matinding pagkirot sa kaniyang puso habang siya'y lumalayo.
Mata sa mata, tinignan nila ang isa't-isa. Lumapit ang demonyo, nanginginig na itinutok sa kaniya ng anghel ang kaniyang sandata. Sinasabi ng kaniyang utak na kitilin na ang buhay ng demonyong nasa harapan niya, ngunit ayaw pumanig ng puso niya sa kaniyang utak.
Itinaas ng demonyo ang kaniyang kamay at may lumabas na itim na mahika mula rito. Napamaang at nabato sa kaniyang kinatatayuan ang anghel. Nagulat siya nung biglang tumalsik palayo ang sandata niya kasabay nito ang paglapit ng demonyo sa kaniya.
Marahang hinawakan ng demonyo ang kaniyang pisngi.
"Paano kita nahahawakan? Ang demonyo ay hindi maaaring hawakan ang isang anghel. At ganun ka rin sa akin"
Nakakakapagpabagabag man ay sinikip ng anghel na labanan ang demonyo sa kaniyang harapan. Hinawi niya ang kaniyang kamay at agad na nagpakawala ng puting mahika.
Tumalsik ang demonyo mula sa di kalayuan. Biglang nanlambot ang mga tuhod ng anghel ng makita nito ang hitsura at ang pinsalang idinulot niya sa demonyo.
Gusto niyang umalis na sa lugar na iyon, pero may humihila sa kaniya papunta sa demonyo.
Kaya imbes na magpakalayo-layo na ay lumapit siya sa demonyo. May puting mahika na nakapalibot sa demonyo na siyang nagpapahina nito.
Inaamin niya, gusto niyang malaman kung bakit maaari niyang mahawakan ang demonyong nasa kaniyang harapan. Ngunit kailangan niyang magpatuloy sa kaniyang ekspedisyon at iligtas ang mga tao.
Pero maaari niya lang itong gawin kapag na klaro na niya ang misteryong bumabalot sa kanilang dalawa ng demonyong bihag niya.
Nakatali sa isang puno ang demonyo at hinang-hina na ito sa kadenang nakapulupot sa kaniyang katawan.
Inaamin ng anghel may hitsura ang demonyong nasa harapan niya. Ngunit hindi niya hahayaan ang sarili niyang malinlang ng hitsura ng demonyo.
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfic"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...