BH (98)

803 63 14
                                    

****

"Oh mugto na naman yang mga mata mo"

Napakurap si seungkwan ng ilang beses bago niya kinuha ang kaniyang salamin sa kaniyang bag. He inspected his eyes on the mirror and sighed.

"Baka kinagat ng ipis" rason ni Seungkwan saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagce-cellphone.

"Gaga ka ba? pag kinagat yan ng ipis edi sana mas malaki pa ang resulta. Umiyak ka ba kagabi?" tanong ni seokmin sa kaniya.

Umiling si Seungkwan. Pero syempre, kasinungalingan lang. Ayaw niyang mag-alala si seokmin sa kaniya. Hindi naman siya hahagulgol nalang kung hindi bumalik sa kaniya ang mga ala-ala ng kaniyang pinakamamahal na ex diba? lalo na't nagka-interaction pa silang dalawa bago yun.

Wala eh, ayaw makipag-cooperate ng kaniyang puso sa pagmo-move on. Sobrang tibay, mas matibay pa sa relasyon ng iba dyanㅡ charot.


"Kailan ka magsasabi ng totoo sakin kwan?" biglang tanong ni Seokmin na siyang ikinatingin ni Seungkwan sa kaniya.

Nakatingin ng seryoso si Seokmin sa kaniya. Alam niya kung kailan nagsisinungaling si seungkwan. Ramdam niya kung nagsisinungaling ba ang kaniyang kaibigan o hindi. Dama niya kung nasasaktan ang kaniyang kaibigan ngayon o hindi.

"fine. oo na, umiyak ako kagabi. Tangina" sagot ni Seungkwan saka ibinagsak ang kaniyang cellphone sa desk niya. Dahilan para mapalingon ang ilang estudyante sa gawi nila.

Free time nila ngayon, at pumunta si seungkwan kay seokmin para lang may makasama. Ayaw niyang makisalamuha sa ibang tao bukod kay seokmin.

"Tungkol pa rin ba doon? gosh. Seungkwan, ang tagal na nun" sabi ni Seokmin sa kaniya.

Seungkwan pouted, "Pero kahit gaano katagal na nun, nandun pa rin yung sakit. ouch" sabi ni Seungkwan at umaktong parang nasasaktan. Pero totoong nasasaktan nga sya amps.

"Pota. Edi mahal mo pa rin yung tao. Asan na yung mga mission mong mag-move on? failed na?" tanong ni seokmin sa kaniya.

Napahiga si Seungkwan sa desk, "Ewan ko" tanging sagot niya saka nagpakawala ng matinding buntong hininga.

Seokmin stared at his friend. Ilang beses na niyang tinulungan si Seungkwan, akala niya nagwo-work na. Pero isang pakita lang sa kaniya ni Hansolㅡ tiklop na kaagad siya.

Hanga rin talaga siya sa katibayan ng puso at pasensya ni seungkwan kay hansol.


"Kwan. gusto mo bang mag-move on or hindi?" tanong ni Seokmin sa kaniya.

Hindi nakasagot si seungkwan sa kaniya.

"Silence means no" sabi ni Seokmin while raising his left eyebrow.

Hindi pa rin nakasagot si seungkwansa kaniya.

Napabuntong hininga si seokmin saka sinilip ang ulo ni seungkwan na nakatingin lang sa labas ng pintuan. Sinilip ni seokmin si seungkwan at ang reaksyon nito.

Hindi mo malaman kung ano kasi diretso lang ang tingin nito. Sinuyod niya ang mga mata ng kaniyang kaibigan at napunta ito sa labas, kung saan sa may kalayuan (lol) ay nakatayo ang isang couple at masayang nag-uusap.

Niliitan niya ang kaniyang paningin at napansin niyang hindi lang ito isang ordinaryong couple. Because it's Vernon and Somi.

Nanlaki ang mga mata ni Seokmin at kaagad na nabalik kay Seungkwan ang kaniyang mga paningin. Walang reaksyon, ganun pa rin.


Seokmin stood up, and walked up towards the door. Blocking seungkwan's sight from seeing the two. Seokmin shut the door, completely not allowing seungkwan to witness the scene further.


Napakurap si seungkwan at napaayos ang kaniyang upo. As soon as seokmin got back on his seat...

*pak!*

he slapped seungkwan right on his cheeks.

Napasinghap ang mga estudyante na nakawitness ng eksena nina seungkwan at seokmin. Seungkwan was utterly shocked at the moment. Nakahawak lang siya sa kaniyang pisngi na sinampal ni seokmin.

He huffed out in anger and was about ti reach for his friend, ngunit hinila siya ni Seokmin pataas making him stand up. Before he engulfed him in a tight hug.

"Bakit mo yun ginawa?! punyeta ka!"

"Gaga ka! kung di ko yun ginawa edi sana hindi ka iiyak ng ganiyan. Masakit kung iipunin mo lang" sabi ni Seokmin.

Napakurap si seungkwan, naguluhan dahil sa sinabi ni seokmin. Ngunit nung mapansin niyang basa ang kaniyang mga mata at pisngiㅡ doon niya lang narealize na oo nga... umiiyak na pala siya.


Pinandilatan ng nga mata ni Seokmin ang kaniyang mga kaklase. Kaagad naman silang napalihis ng kanilang mga paningin. Sabihin na nating mabilis na napapasunod ni Seokmin ang kaniyang nga kaklase. :-)


"Yan. Sige pa, ipagpatuloy mo pa yan. tangina ma. sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo" sabi ni Seokmin sa kaniya habang hinihimas ang buhok ni seungkwan.

"G-gago ka. kinakaya ko naman ah" sabi ni Seungkwan sa kaniya saka pinahid ang kaniyang mga luha.

Masakit isipin na hiniwalayan ka ng taong mahal mo.

Pero wala ng mas sasakit pa sa hiniwalayan ka ng mahal mo, dahil binalikan niya ang mas nauna kaysa sayo.


"Kinakaya mo... pero hanggang diyan ka nalang ba?"

"Hindi" 'ko alam'

"Kinakaya mo, pero kakayanin mo ba hanggang sa huli?"

"oo" 'hindi ko alam'


"Kinakaya mo... dahil mahal mo pa siya... pero naisip mo bang, hindi na ikaw ang itinitibok ng puso niya?"

"..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oo"



"At yun ang hindi kayang tanggapin nito" sabi ni seungkwan pagkatapos niyang kumalas sa yakap,
at itinuro ang kaniyang puso.





****

BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon