♧
"Siguraduhin mo lang talagang hindi ka pupunta saking luhaan dahil ipapabugbog ko sa sampung unicorns yang crush mong hilaw Seungkwan"
Napanguso ako sa sinabi ni Seokmin. "Ewan ko sayo seoks" tanging sagot ko sa kaniya at inayos yung fairy lights.
Nasa hagdanan ako ngayon at nagsasabit ng mga fairy lights. Guess what day is it today?
Feb 24.
This is the day kung saan nila ice-celebrate yung kanilang monthsary with the help of me of course! Ako kaya yung nag prepare ng lahat-lahat! Except sa speech ni Hansol.
Hansol no more babes na ba?
Alam niyo mga bes, may napagtanto ako sa mga araw na ako'y nagkulong sa kwarto ko pagkauwing-pagkauwi ko galing sa eskwelahan.
Alam ko ring pansin nina noona at mama ang pagiging tahimik ko everytime na kumakain kami ng hapunan. Nagpapasalamat nalang ako na hindi sila nagtanong kung bakit ako ganun.
But hey, now I'm fine.
Kung hindi edi sana hindi ko na tinuloy itong pagtulong sa monthsary celebration ng dalawa. It's not that I feel betrayed nung araw na nakita ko sila sa locker area. Sadyang ano lang, masakit lang talaga yung realization na baka wala na nga kaming pag-asa.
Like hanggang paghanga nalang talaga after 10 long years! Ang landi ko kasi nung bata pa ako jusko po! Ang aga-aga nagka-crush na ako!
Heh!
"Nagkausap naman kayong dalawa?" Tanong ni Seokmin.
Bumaba ako sa ladder at pinagpagan ang aking suot, "Yeah pero hindi ganun ka tagal. Kung may itatanong lang ako about sa mga suggestions niya at kung okay ba yung suggestions ko" sagot ko sa kaniya.
Buong week minsanan lang kami magkausap ni Hansol. He would ask me if I'm fine at syempre ako sasagot ng oo mga bes. Ayoko ng magdiin pa siya.
Yoko rin naman kasi siyang makausap ng matagal, kasi nagfl-flashback lang kasi yung scene nilang dalawa ng kasintahan niya sa locker area sa aking isipan.
I'm too innocent!
Charing.
"Oh tapos? Anong gagawin mo mamaya?" Tanong niya.
Napakunot ang aking noo, "Anong, anong gagawin ko mamaya?"
"Gaga! Diba sabi mo aamin ka na sa kaniya?"
Napaform ng 'o' yung bibig ko. Muntik ko ng makalimutan yun! Oh my!
"Teka.. patulong naman sa speech!"
"Gaga ka talaga! Aamin ka tas hindi mo alam kung anong sasabuhin? Aba! I-cancel mo na yan!"
Agad akong umiling. Kailangan ko na kaagad na makakuha ng sagot mula sa kaniya. Kasi mga bes! Hindi na keri bells ng beauty ko yung everyday PDA nilang dalawa. Parang nasusuka ako araw-araw.
BINABASA MO ANG
BOOtiful Habit ¤ VERKWAN ✓
Fanfikce"Hangga't hindi tayo magkakatuluyan, wala pang BOOtiful ending" ~~~~~~~~~♡~~~~~~~~ BOOtiful Habit ¤ Verkwan starring: Boo Seungkwan Hansol Vernon Chwe the rest of Seventeen Habit series #4 Habit Series: Talking Habits ¤ SoonHoon (completed) Dirty H...